Ang buhay ng tao dito sa lupa ay may katapusan, darating ang panahon na kailangan ng lisanin ang mundong ibabaw.
Yan ang buhay ng tao sa lupa may hangganan, at ako ang aking tungkulin bilang isang Death Angel ay sunduin ang mga kaluluwang pumanaw na pero hindi ko pwede gawin yun ng di pa nakatakda, etong black notebook na lage kong dala, bigla na lang tutunog at kikinang ang notebook na ito pag ako ay my susunduin na, dito nakalagay kung sinu at petsa kung kelan sila nakatakda para sunduin.
Ako ang anghel na walang pangalan kasi nga anghel ako diba, alam nyo ba na habang nag aantay ako ng mga kaluluwang susunduin ko eh ang paborito kong gawin eh tumambay dito sa tindahan ng mga appliances, hihi paborito ko kasing manood ng drama, nakakatuwa kasi :-).
"Andito ka nanaman at nanood, di ka ba nagsasawa pare pareho lang naman ang kwento iba't ibang tao lang gumaganap."
yan ang biglang bungad sakin ni kuya, kuya ang tawag ko sakanya kasi mas matanda sya sakin at sya din ang mentor ko. Wala kasi kameng pangalan kameng mga anghel.
"Kuya nacucurious kasi ako yung nararamdaman ng tao pag masaya, pag malungkot, pag nagmamahal. Alam naman nila na mawawala din sila dito sa mundo bakit kelangan pang iparamdam yun. Pakiramdam ko kasi malapit ko na din maintindihan".
"Hindi mo na kelangan malaman ang mga bagay na yan tayo ay narito lang para sunduin ang mga kaluluwang namatay."
"Sige na umalis ka na at madami ka pang susunduin."
"Ok kuya." At bigla na lang nawala ng parang bula si Kuya.Pero gusto ko talaga maramdaman yung mga bagay na yun. Gusto ko maging tao.

BINABASA MO ANG
My Angel
FantasyAko'y isang anghel na sumunsundo sa mga kaluluwang namayapa na sa lupa. Pero sa di inaasahang pangyayari my kakaibang nangyari simula nung nakilala ko yung binata na iyon.