PROLOGUE

2 1 0
                                    

"JEIGHIA ARACELI DONOVAN!!" Agad akong napatayo sa sigaw na yun! Mygosh!

Napalingon ako sa dalawang lalaking nagtatawanan na ngayon at halos mamatay na. Pwede ba? Please sana ngayon na.

Agad akong sumampa ulit sa kama at pinag-pompiyang silang dalawa!

"Aray naman Jeigh! Makaano ka naman!" Reklamo ni older gunggong!

"Ouch! Ang sakit naman eh. Masyado ka!" Reklamo ulit ni baby gunggong! Wow ah! Nahiya naman yung tenga ko sa kanila!

"Ay ako pa!? Bakit ba kasi kayo naninigaw jan ha?! Kita ng natutulog yung magandang tao eh!" Napatingin ako sa kanila kasi nanahimik sila.

"Ewan ko sayo ate. Ang sama talaga ng bunganga mo kada magigising ka sa pagtulog mo eh noh?" -baby gunggong. Napatayo silang dalawa sa magkabilang gilid ng kama ko at naglakad papuntang pinto.

"Masyado ka ng proud sa sarili mo Jeigh eh noh? Ang kapal ng bone marrow mo. Ang baho naman ng hininga mo. HAHAHAHAHAHAHAHA!" Nakipag-apir pa siya tapos sabay silang lalong tumawa. Tapos ayun... sabay rin silang namayapa.

The end.

Charot lang!

Sinamaan ko sila ng tingin at lalapit na sa kanila kaso...

"Op op op! Ang mabaho ang hininga bawal lumapit sa mga poging katulad namin! Off limits dude" nag-ngisihan pa sila. Ha! Kala ba nila ang gwapo nila jan? Mukha lang kaya silang hotdog!

"Ikaw nga amoy putok eh!"

"Oooooowwwwhhhhhhhhhhh!! Wala ka pala kuya eh! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" -baby gunggong. Ano? Wala ka pala eh --,

"Ha! Anong wala? Yan nga dinadaga yung undies eh hahahahaha! Alam mo ba Jax nakasalubong ko sa sala yung daga, tas itatanong ko na sana kung anong gagawin nya dun sa ano ni Jeigh kaso naalala ko tropa na pala kami nun kaya hinayaan ko na lang HAHAHAHAHA! Kadiri ka Jeigh ah!" Lagi na lang nila kong trip -_- ano kayang meron sa ganda ko at hindi nila matantanan? Hayss >_<

"Teka maiba nga tayo. Ba't ba kayo andito? Aga-aga nanleleche kayo!" Imbis na sumagot napatakip pa sila sa ilong nila. Tss. Masyadong sensitive!

"Te wag ka nga sumigaw nasspread yung baho ng hininga mo eh!" Imbis na pakinggan siya eh nilapitan ko pa siya at binugahan sa mukha! HAHAHAHAHAHA! Mamatay ka ngayon. Ang bangis siguro ng amoy niyan panigurado!

Pero agad akong napalingon sa kanya nung tinulak niya ko ng medyo malakas. Medyo lang naman. Yun bang umabot lang ako hanggang labas ng bahay. Charot! Hahahaha

"Ate naman eh! Kala mo joke lang yun!? Seryoso pamatay yang hininga mo! Pwe!" Arte ng lalaking to. Malamang kagigising ko lang. Saksakin kita jang betlo— lalaki ka eh.

"Ba naman Jeigh! Kababae mong tao ganyan ka? Biggest turn off yan sayo loko!" Duh?? Di ba sila nag-iisip jan? Malamang nga kasi kagigising ko lang! Ay sabagay, rejected kasi mga utak nila eh. Hays

THE FATE OF US (Slow Slow Update)Where stories live. Discover now