Chapter Eight - Gregorio

543 32 3
                                    

Pinilit kong matanggal ang braso niyang nakayakap sa’kin para harapin siya. Tinignan ko siya at kitang-kita ko ang mukha niyang pagod at gulong-gulo.

Ako rin Greg, sa tuwing nakikita kita, naguguluhan ako.

“Anong ginagawa mo dito? Gabing-gabi na ah.”

“Is he better-looking than me? Smarter? Richer? Tell me, Aurora.”

Napa-iling na lang ako. “Nababaliw ka na.”

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at niyugyog. “Oo, nababaliw na nga ako at kasalanan mo!”

Tinulak ko siya sa abot ng aking makakaya. “At bakit ako? Greg, ano ba talagang trip mo sa buhay? Hindi ka na nakakatuwa!”

“Hindi na rin nakakatuwa ‘tong nararamdaman ko Aurora!” Nasuklay niya ang buhok niya dahil sa frustration. “Sa pagkakaalam ko kasi ako ‘yung sinaktan mo, ako ‘yung iniwan mo pero bakit parang… umaasa pa rin ako… na pwede pa? Can you please be honest with me? Please tell me.”

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. “Ano ba? Ano bang gusto mong malaman?”

“Tell me why did you break up with me?”

I looked at him only to see his sad yet furious eyes. “Why the does it still matter? Ang tagal na no’n Greg, move on na.”

Bumuga siya at tila hindi makapaniwala. “Just fuckin’ tell me, Aurora! Lalo akong mababaliw hangga’t hindi ko nalalaman! Gaano ba kahirap sabihin sa akin ang totoo? Bakit ba ayaw mong sabihin?”

Ayaw kong sabihin kasi nakaraan na ‘yon, tapos na. Ayokong sabihin kasi ayaw kong masaktan ka. Ayaw kong masaktan ka kasi… kasi mahalaga ka pa rin sa akin.

Ayaw ko Greg.

“I just don’t want to.”

Umismid siya. “You’re impossible.”

“Yes, I am, kaya umalis ka na at baka hinahanap ka na sa inyo.”

Napapitlag ako nang sumigaw siya. “That’s bullshit! Wala silang pakialam kung anong oras ako umuwi o kung uuwi pa ba ako.”

“Fine!” Iminuwestra ko ang mga kamay ko sa ere dahil sa inis. “Matigas ang ulo’t bungo mo, edi bahala ka sa buhay mo!”

Tumalikod ako para pumasok pero agad niyang nahawakan ang braso ko. “Hindi ka man lang ba talaga nababahala sa’kin? Am I not important to you? Don’t you really love me anymore?”

Nababahala ako Greg kaya nga hindi ko masabi sa’yo ang totoo. Siyempre, importante ka sa’kin, may malaking parte ka sa puso ko pero mas gugustuhin ko na munang maging matalino sa ganitong bagay.

Hindi ko siya sinagot at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko hanggang sa dumating si Ate at ang fiancé niya.

Ang nakakainis sa kapatid ko ay pinapasok pa rin niya si Greg sa loob ng bahay eh kita na nga niyang hindi maganda ang pakikitungo namin sa isa’t isa nang maabutan nila kami. Bakit ba naging ganito ang kapatid ko?

“Ate, please naman paalisin mo na siya.” Bulong kong nagmamakaawa habang kumakain kami ng dala nilang hapunan.

“Bisita mo ‘yan kaya ikaw ang magpaalis.” Inabot ni Ate ang isa pang putahe kay Greg at nginitian ito. “Kain lang nang kain, Greg.”

“Salamat Ate Arielle.” Gumanti siya ng ngiti rito.

O tignan mo ang isang ‘to, kanina sigaw nang sigaw tapos ngayon parang maamong tupa sa harap ng kapatid ko. Bwisit!

“Ang tagal niyo na rin ano?” tanong ni Greg kay Kuya John.

He nodded. “Uy, invited ka nga pala sa kasal namin ah?”

Gregory's Aurora (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon