This is only a Fan-fiction of Voiceless at umiikot ang istoryang ito sa anak nila Sync Mnemosyne at Momo. Kung may mga pangyayari man dito na hindi naman masyadong connected sa Voiceless, is it because Fan-fiction lamang po ito. haha.
--
Chapter 1(Revised & Edited)
BLUE'S VOICE
16 Years Later.
"Sir Blue, kailangan niyo na pong bumangon, baka tanghaliin po kayo sa Press Conference ninyo.." Nagising na lang ako nang may bahagyang kumakalabit sa akin. Iminulat ko ang aking isang mata habang ang kaliwang mata ko ay naka-pikit pa lang. Nilingon ko kung sino ito at si manang lang pala. Ipinikit ko muli ang aking mata at niyakap ang unan na lagi kong niyayakap.
"5 minutes manang.." sabi ko kay manang Lydia at hinayaan ko lang ang sarili ko na mahulog ulit sa antok.
"Pero sir, 10 am na po. Baka ma-late po kayo sa Press-Con ninyo.." Pangungulit ni manang at wala na akong nagawa at bumangon na ako.
"Aish" Bulong ko at agad agad na naghilamos. Nag-half bath na lang ako dahil pasado alas-10 na din. Mabilis lang naman ako kumilos kaya wala pang 20 minutes ay tapos na ako mag-prepare.
Sanay na ako sa ganito na madaliang pag-prepare kaya hindi ako gahol sa oras. Yung press-con, okay na yung sila nag-aantay kesa naman ako yung nag-aantay sa kanila.
Nagpa-hatid na lang ako sa driver namin papunta sa isang mall kung saan gaganapin yung press-con. Habang nasa biyahe tawag na ng tawag yung manager namin na si Manager Dia. Sa loob ng isang taon, nagpapasalamat ako na napag-tyatyagaan niya kaming banda.
"Hello, Manager Dia? Im on my way, yeah sorry. Malapit na ako." Walang emosyon kong sabi at tsaka hindi ko na inantay na sumagot siya sa kabilang linya at binaba ko na yung tawag. Sisigawan niya nanaman kasi ako.
After 20 minutes siguro, nakarating na rin ako sa mall. Bago ako bumaba ng sasakyan ay isinuot ko na yung shades ko at prenteng bumaba ng sasakyan at habang naglalakad ay nakalagay yung kamay ko sa loob ng bulsa ng jeans ko. Marami na kaagad na mga media ang sumalubong saakin. What's new?
May sumalubong saaking bouncer doon at ini-guide ako kung saang hall idinadaaos yung press-con. Pumasok na ako doon at nakita kong naka-upo ang mga ka-banda ko sa may platform doon na nasa harap ng mahabang table at may kanya-kanyang mikropono at mga media.
"Let's all welcome. The vocalist, Blue Mnemosyne." Sabi ni Ashton nang makita niya ako na papalapit sa platform imbis na palakpakan ang narinig ko ay ang pag click ng mga camera nila at ang flash nito at tsaka na ako umupo sa bakanteng upuan na nasa gitna na halatang pina-reserve saakin.
"You're late.. again" Bulong saakin ni Manager Dia sa likod ni Seth na nasa pagitan namin. Halata sa boses niya ang inis pero tiningnan ko lang siya ng may paghingi ng tawad. Inalis niya din agad yung tingin niya saakin at humarap sa media.
"Nagpa-gising ka nanaman siguro kay Manang Lydia.." Sabi ni Ashton na may nakakalokong ngiti at umiling na lang ako sa kanya at ngumiti ng bahagya bago inilipat ang tingin ko sa media na nasa harap namin.
"As of today, pabata na ng pabata ang mga nagiging sikat at sa murang edad ay sikat na sila sa buong Pilipinas. Are you aware of this?" Tanong ng isang media reporter at sumagot agad naman si Ashton na hindi itinatago ang mga ngiti sa labi na kala mo isang timang na naligaw lang dito sa press-con.
"Actually, we didn't expect this to happen. Kala namin hanggang school lang yung pag-tugtog namin, pero isang araw na lang lumapit saamin si Manager para tulungan kami na tumugtog sa labas ng school. Since music is our passion, hindi na namin sinayang yung opportunity" Sabi ni Ashton at sa pagtigil niya sa pagsalita ay may ngiti nanaman sa kanyang labi na sumasabay ang kanyang mga singkit na mata sa pagngiti.
BINABASA MO ANG
Hear Me (Blue Mnemosyne's Story) (EDITING)
FanfictionPURELY FAN-FICTION: Fan-fiction of Voiceless. It's about Blue Mnemosyne's story.