Chapter 2
(Revised & Edited)
BLUE'S VOICE
Pagkatapos ko ilagay yung mga gamit ko sa loob ng locker ko, nag-lakad na ako papunta sa classroom namin habang naka-pamulsa ang dalawa kong kamay sa bulsa ng slacks ko. Nakikita ko yung ibang estudyante na pinag-uusapan ako, karamihan mga 1st year highschool, mga baguhan pa lang dito sa school. Pero katulad nung mga higher year levels, sanay na sa presensya naming banda. Mabuti naman kung ganun dahil mas magiging payapa ang buhay ko kung walang mga fans dito sa school.
Nang nakarating na ako sa classroom namin, wala pa rin namang pagbabago. Mga babaeng nakaupo sa arm chair nila at nagchi-chismisan. Umupo na ako sa upuan kong katabi lang ng bintana sa may bandang likod at tsaka ko itinaas ang paa ko sa upuang nasa harap ko.
Isang maaliwalas na araw pero nakaka-boring pa din. Gusto ko na mag-gradute para magawa ko na yung mga gusto ko.
"Pwede ba makiupo?" narinig ko ang isang tinig ng babae na halatang saakin nagtatanong dahil ako pa lamang ang tao dito sa likod. Hindi na ako nag-abalang tingnan ito at sinagot ang tanong niya.
"Umupo ka. Wala akong pakialam" Sabi ko sa malamig na boses at tsaka huminga ng malalim. Nakatinin lamang ako sa bintana na tanaw ang view sa likod ng school na puro halaman at puno ang makikita mo at ang ihip ng hangin na pumapasok sa loob ng classroom na mula sa labas.
"Sungit.." Bulong niya na sapat na para marinig ko. Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa nagulat na lang ako nang may nalaglag na isang bagay at automatic na napalingon ako kung saan iyon galing dahil sa lakas ng pag bagsak nito.
"Sorry. Di ko sinasadya.." Sabi niya na lang at inayos yung upuan na inuupuan niya na natumba. Yung katabi kong babae na hindi ko alam kung ano ginawa niya at bumagsak yung upuan niya. Okay lang naman maging tanga, wag lang aaraw-arawin.
Tiningnan ko lang siya dahil may namumukhaan ako sa kanya. Babaeng maikli ang buhok at may bangs na sinasakop ang noo niya. Dora. Tumingin din siya saakin at pinanliitan niya yung mata niya na parang kinikilala din ako.
"Di'ba, ikaw yung... naka-bunggo saakin sa restaurant noong isang araw?!" Sabi niya saakin habang tinuturo turo ako. Hah! Siya nga.
Tinapik ko yung kamay niya g naka-turo saakin at binigyan ko siya ng malalamig na titig bago ako sumagot.
"So you're that girl. We meet again. Likas na pala talaga sayo ang pagiging tanga?" I said sarcastically then I smirked. Namula ang mukha niya dahil sa galit at ibubuka niya na sana ang bibig niya pero walang lumabas na boses mula dito.
"Excuse me, Mr. Whoever-you-are... ang yabang mo! Kala no kung sino ka makapag-salita eh ikaw nga 'tong nakabangga saakin hindi pa marunong mag-sorry" Sabi niya saakin na nakaturo nanaman ang hintuturo saakin. Tumayo ako habang binibigyan siya ng malalamig na titig at pumunta sa harap niya.
"Never.Ever.Point.A.Finger.On..." Sabi ko at tsaka pinantayan hung height niya at tsaka nagsalita muli.
"Me" Huling word na sinabi ko at naramdaman kong nanginginig siya sa takot. Aba dapat lang.
"S-so what?! Sino ka naman para sundin ko?" Pagmamatigas na sabi niya. Ngumisi ako sa kanya at tsaka naglakad papunta as kanya at paatras naman siya ng paatras. She reached my limit at ito ang ayaw makita ninoman na side ko.
"Oh noes. Ngumiti na siya. Lumabas na and pagka-beast ni Blue.."
"Pity for that girl.."
BINABASA MO ANG
Hear Me (Blue Mnemosyne's Story) (EDITING)
ФанфикPURELY FAN-FICTION: Fan-fiction of Voiceless. It's about Blue Mnemosyne's story.