"Ate--ay. Yule maghuhulog ka pa?"- I glanced shortly at the person in front of me. Then binalik ko tingin ko sa monitor.
"Yeah."- I answered.
"Magkano pa ba huhulog mo?"- he asked again. Tae ang kulit nya.
"10 pesos."- I answered again. Hindi ako tumitingin sa kanya.
"Luh. Dat nagrent ka na lang hindi yung nag pisonet ka pa."- di ko siya pinansin. Bahala siya dyan. Pinagpatuloy ko ang pagsesearch about sa owner ng King Solomon Furnitures. Ang pinakamalaking kompanya ng mga furnitures dito sa bansa pati na sa Amerika. Kaso nakaka-limang piso na ko dito pero di ko pa rin mahanap yung pangalan nung owner o kahit sino mang konektado sa kanya. For safety purposes siguro.
*BLAG!*
Naistorbo na naman ako dahil sa pagpalo sa ibabaw ng ginagamit kong pisonet. Eto kasi yung parang pang-video games noon. Sana alam niyo yun.
"Nakakabagot mag-antay. Alam mo yon?"- halatang inis na sabi ng lalaking to. Yung lalaking epal kanina. Dahil sa kaepalan niya, nakatingin na dito sa side ko yung ibang tao sa shop. Mga kabarkada niya to.
"Sino ba nagsabi sayong mag-antay ka?"- walang gana kong sagot. Binalik ko rin ang atensyon ko sa kung anong ginagawa ko.
King Solomon Furnitures' main branch is located at Alabang... Tae. Paulit-ulit lang naman yung lumalabas eh. Tsk.
"Badtrip. Pag di ako nakapag-DOTA ikaw sisihin ko."
May DOTA pa dito sa pisonet? Bahala siya dyan. Pinagpatuloy ko ulit ang ginagawa ko pero sa kasamaang-palad, nang-istorbo na naman siya.
"Huy ano ba?! Wala ka bang balak matapos diyan?!"
"Kung di ka marunong mag-antay dun ka sa ibang shop. Nakikita mo namang gumagamit pa 'ko at ako ang nauna sayo pero minamadali mo ko. Kanina ka pa nagrereklamo diyan, daig mo pa babaeng maarte."- natahimik ang loob ng shop. Maski siya. Pansin ko ring lumamig ang paligid. Badtrip kasi to eh. Inuubos pasensya ko.
Badtrip din naman kase. Trabaho nila to pero pinasa saken. Edi dapat wala ko dito. Pwede rin naman ako sa bahay ko mag-search, dun sa laptop ko, kaso yung WiFi ko nakakabwiset. Ayaw makisama.
For the nth time, itutuloy ko na sana yung pagre-research ko nang may mag-chat saken sa facebook.
SUNNY CHOI: Punta ka ngayon dito.
BWISET.
YULE JEIAN JOIE: Namo ./.
Sabay offline. Siya dapat gumagawa nung ginagawa ko kanina eh. Badtrip.
Tumayo ako at lumabas. Binangga ko sa balikat si kupal.
"Epal ka ah."- sabi niya. Pinakyu ko lang siya habang patuloy na lumalabas dun sa shop. Nakatalikod ako sa kanya. Eksaktong paglabas ko naman nang magsimulang maghiyawan mga kabarkada niya dun sa loob.
"Wala ka pala 'Poy eh! Hahaha!"- rinig kong sabi nung isa.
BINABASA MO ANG
Born To Be A Killer
Teen FictionShe was an innocent girl, ready to kill people in just a snap.