Chapter 2

25 1 0
                                    

"Owner ng King Solomon Furnitures, brutal na pinatay sa kanyang opisina at hinulog pa mula sa 14th floor ng kanyang building. Apat pa sa mga empleyado nito ang natagpuang patay. Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa kung sino ang nasa likod ng ganitong klaseng krimen at kung bakit sunud-sunod na ang nagaganap na pagpatay sa iba't ibang malalaking tao sa bansa. Napag-alaman rin---"

"Grabe naman. Pinutulan na ng kamay, pinugutan pa ng ulo, tas hinulog pa mula sa 14th floor! Tsk tsk."- komento ni Julliane. Nandito kaming apat sa bahay ko, kumakain habang nanunuod ng balita.

"Di ba ang sabe, may iba pang napapabalitang pagpatay sa mga big time na negosyante? Tagal na nyan ah. Tapos hanggang ngayon di pa rin naman nalalaman kung sino ang pumapatay. Nakooo. Wawents."- dagdag pa ni Elyza.

"Malay nyo naman may purpose kung bakit pinapatay sila di ba? Tingnan nyo, drug lord pala ang hayup, malay nyo pinatay siya dahil dun."- depensa ko.

"Sabagay, may point ka dun."- Lyka

"Ilipat nyo na nga! Wala naman tayong kinalaman diyan eh."- sabi ni Elyza. Haha, kung alam nyo lang.

'Nga pala, meet my BFriends. Julliane Rose Saplala, 17, B1. Lyka Adian Castro, 17, B2. Elyza Montoya, 17, B3. Lahat sila 17, ako ang pinakabata. Ako naman si B4. B means 'Baho'. Tawagan namen.

Nandito kami sa bahay ko (ulit). Bahay ko kasi ako lang nakatira dito. Mula nung malaman kong ampon ako ay nagdesisyon akong mamuhay mag-isa habang hinahanap ko ang tunay kong pamilya. Nabubuhay lang ako sa mga perang nakukuha ko kapag may kliyente. You know.

Isa akong assassin. Killer. Pumapatay. Walang konsensya. Pero ibang usapan na pagdating sa mga kaibigan ko. Hindi rin nila alam ang tungkol sa pagpatay ko, at ayokong malaman nila. Ayokong mag-ba ang tingin nila saken.

"Yule, balita ko ininis mo na naman si Janjan kahapon ah?"- natigil lang ang paglipad ng isip ko nang marinig ang sinabi ni Lyka.

"Oh, ano naman?"- sabi ko.

"Grabe ka. Bat lagi mo na lang inaaway si Janjan namen?"- Julliane. Crush kasi nilang dalawa ni Lyka yung Janjan na yun.

"Oh, ano naman?"- sabi ko ulet. Natawa naman bigla si Elyza.

"Oo nga. Ano naman?"- sabi niya pa.

"Ano... Wala lang."- Lyka. Sabay naman kaming tumawa ni Elyza.

Kahit na pumapatay ako, hindi naman ako katulad ng iba na masyadong seryoso at palaging cold. Marunong din naman akong tumawa at maging normal na teenager. Yun nga lang, pag tinopak, magulo.

Natigil lang ang katuwaan namen nang may nag-doorbell.

"Ako na magbubukas."- prisinta ko since ako ang pinakamalapit sa pinto. May gate pa ko na umaabot ang taas sa bewang ko kaya kitang-kita ko kung sino ang hudas na nang-istorbo samen.

"Ano na naman bang kailangan mo?"- sabi ko at pinagkrus pa ang mga braso ko sa dibdib sabay taas ng kilay.

"Whoa. Is that how you greet your visitor?"- sabi ng pangahas.

"At kelan ka pa natutong mag-ingles?"

"Di mo man lang ba 'ko papapasukin muna?"

"Sorry. No poop face allowed."

"Eh bakit nandyan ka?"

"Obvious ba? I look like an angel and you look like a poop. There's a big difference."

"At kelan ka pa natutong mag-ingles?"

"Since the day I was born, shithead."

"Teka, sumosobra ka na ah! Tinatarayan mo na nga ko, tinawag mo na kong poop face, tinawag mo pa kong shithead! Aba!"

"Oh, baket may angal ka?"- ang sarap niyang asarin. Halata agad sa mukha na napipikon siya eh.

"Tsk. Letse."- huminga siya ng malalim bago nagsalita ulit.

"Gusto ko lang magtanong tungkol sa isang bagay. Kaso binadtrip mo ko kaya wag na lang."

"Okay. Makakaalis ka na."- sabi ko sabay talikod para pumasok sa loob ng bahay. Bwiset, nang-istorbo dahil lang don?! Psh.

"Talaga! Tss, ang sungit. Kala mo naman maganda."- rinig ko pang sabi niya pero di ko na lang pinansin. Pagkapasok ko sa loob, nakadungaw sa bintana ang mga bruha. Yung bintana kase, pag dumungaw ka dito, kita yung labas na pinanggalingan ko.

Tiningnan nila ko ng pang-asar. Inirapan ko lang sila.

"Nako Julliane! Ipapaubaya ko na lang si Janjan sa kanya!"- sabi ni Lyka na may pakilig-kilig pa. Di ko sila pinansin at tinuloy ang naudlot kong pagkain at panunuod.

"Ako din baho. I can't believe I'm saying this pero mas bagay pala sila kesa samin."- sabi din ni Julliane na parang tangang kinikilig din. Si Elyza naman, tumatawa lang. Yan lang naman role nya dito eh, ang tumawa lang -____-

And right, si Janjan nga yung nakaasaran ko kanina. Magkatabi lang ang bahay namin kaya palagi kong nakikita ang pagmumukha nya sa tuwing lumalabas ako. Pati yung mga kabarkada nya na medyo ka-close ko eh kung hindi katabi ng bahay ko ay katapat naman. In short, napapalibutan nila kong lahat. (_ _ ")

Kung ano man din ang tanong niya, wala akong pakelam.

-x-

Short~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Born To Be A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon