C H A P T E R O N E

65 10 0
                                    


"

Walang hiya ka! Mangaagaw!" Kasunod ng mga salitang ito ang paghampas ng kaniyang mga palad sa muka ng babaeng nasa harapan ko.

"Pagod na pagod na ko sa mga paratang mo! Wala namang katotohanan!" Di na napigilan ni Celine ang kaniyang emosyon. Maski siya ay nabigla sa pagbulyaw na ginawa niya sa kaniyang amo.

Patuloy parin sa patak ang aking mga luha, nasasaktan akong makitang na hihirapan siya, she don't deserve to suffer like this. Porket kabilang siya sa mga mababang uri ng mga tao dito sa hacienda ay basta basta nalang sisirain ang puri niya?!

"Aba sumagot kana!" Agad dinakma ng kaniyang amo ang buhok nito at hinatak pababa. Walang ibang magawa si Celine kundi umiyak at magmakaawa.

"Tama na po!" Pakiusap ng kawawang si Celine.

"DAPAT LANG SAYO YAN! KASI MANGAAGAW KA! MALAN-"
Hindi na niya na tapos ang kanyang sasabihin dahil biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto, bumungad sa aking harapan ang napaka maamong muka ni Louie, na gulat na gulat sa kanyang natunghayan.

"Bat' ka umiiyak ?" mas malamig pa sa patay na pagkakaentrada niya. Agad kong kinuha ang remote control ng TV, at tinurn off ko na ito kahit hindi pa tapos yung teleseryeng pinapanood ko. May epal kasing dumatin.

"Di ako umiiyak! Nagpapawis lang mata ko" agad kong kinuskos ng aking kamay ang mga namamaga kong mata.

Sinagot niya lamang ako ng ngiti.

Epal, kahit kelan talaga.

"Bat ka nandito?" Masungit kong tanong sa kanya.

Lumapit siya saakin at umupo sa kama ko.

"Bat' galit? Di mo ko na-miss?" Mahangin niyang sabi saakin habang nagtatanggal ng sapatos.

"Wow" sarkastiko kong sagot
"Ang kapal" I throw the nearest pillow on him.

Louie Nemesis Venganza,
habulin ng girls kahit mukang kulot na garapata.

Since Elementary mag best friends na kami, lagi kaming magkasama sa mga kalokohan at ka-dramahan namin sa buhay. Medyo masikreto nga lang siya na madalas naming pinag-aawayan.
Magkapareho din kami ng mga hilig, mapa-pagkain man yan or movies. Madalas rin kaming mag-asaran lalo na dati. Hindi na kasi siya masyadong makulit ngayon, madalas siyang naka-poker face na kina-iinisa ko.

Madalas rin siyang pa-cool kumilos, pa-mysterious type pa ang garapata kaya ang daming asong naghahabol sa kanya. Medyo may kasungitan din siya. Mas may toyo pa siya sakin haha.

First meeting namin noong grade one ako, yun ang pinaka unang beses na pumasok ako sa isang napakalaking paaralan. Takot na takot ako, kasi sobrang dami kong taong nakikita hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi kasi pinayagan makapasok ang mga magulang sa loob ng paaralan, kaya naiwan si mama sa labas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ClementineWhere stories live. Discover now