First and last

54 0 0
                                    

Masasabi nating iba na nga ang musika natin sa panahon ngayon, ibang iba na kung maikukumpara mo sa musika nung panahon, sa palagay ko ay kakaunti na lang ang mga tunay na gumagagawa at tumatangkilik sa tunay na musika ngayon. Sisimulan ko ang aking kwento tungkol sa isang lalaking rakista na nagngangalang glenn. Lagi siyang kinukutya na muka daw siyang adik, naiiba sa lipunan, wala sa uso, baduy, wierdo, at kung ano ano pang naitwag sakanya dahil sa genre ng pinakikingan niyang musika. Natawa ako nun nung may nag sabi sakanyang lalaki na, buti at may naiintindihan ka jan sa pinakikingan mo ayaw ko ng ganyan kasi wala akong naiintindihan, sabi ni glenn sakanya kaya ba ayaw mo ng metal dahil hindi mo maintindihan ang lyrics? paki recite nga ng lyrics ng gangnam style? Sumagot naman ang lalaki, alam mo mga musika lang yan para sa mga wierdo puro sigaw wala namang naiintidihan, sumagot naman si glenn na lahat naman tayo may kanya kanyang klase ng musika na pinakikingan di naman kita pinapakialam sa trip mo bakit kailangan pa mag talo? kung sa totoo lang mas masasabi ko pang tunay na musika itong pinakikingan ko kaysa sa pinakikingan mo, hindi tulad ng mga musika ngayon na puro na lang tungkol sa sex, sa pera, sa drugs, mga babae, tungkol sa pwet, at kung ano ano pang walang katuturan, oo puro sigaw nga etong kantang pinakikingan ko pero mas matatawag ko itong tunay na musika dahil bawat kanta ay may kahulugan. Hindi nag patalo ang lalaki at sinabing kahit na! ito ang mga kantang nasa uso mga katangap tangap sa lipunan hindi yang mga mukang adik na mga kantang demonyo. Bumawi naman si glenn at sinabing. kung tutuusin mas mukang adik yang mga pinag tatangol mong uri ng musika, nabalitaan mo na ba yung isang boyband na nablita na nag mamarijuana? iniidolo ng mga bata tapos ganun ang ipapakita? sino ang mas mukang adik? oo may mga kantang tinatawag na Black Metal pero nasasayo naman yan kung yung genre ang papakingan mo, ako hindi naman. Hindi ko naman nilalait yang uri ng musikang pinakikingan mong kanta, ang nasakin lang ay lahat tayo may kanya kanyang uri ng musika na pinakikingan oo hindi ko trip yung sayo di mo rin trip yung sakin, respetuhin na lang natin kung ano man ang gusto ng bawat isa, Humingi ng tawad ang lalaki kay glenn at sabing, oo tama ka lahat tayo ay iba iba ang pinakikingan respeto lang talaga ang kailangan. Nagkaayos ang dalawa at naging mag kaibigan muli. Sa aking nakita masasabi kong tama ang kasabihang "music brings us together" dahil kung ayaw mo maniwala manood ka sa mga concert ng mga trip mong pakingan dun mo makikita na napaka daming tao na nanood, may kanya kanyang trip na banda pero lahat nag kakaisa dahil iisa lang naman ang gusto nila, yun ay ang mag enjoy at makita ang gusto nilang tumutugtog na banda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Batang RakistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon