Kabanata 22

213K 7K 11.7K
                                    

I glanced up at the full moon overhead as we left the restaurant

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I glanced up at the full moon overhead as we left the restaurant. Hanggang ngayon ay natitigilan at nabibilisan pa rin ako sa mga nangyari. My mind was in chaos and I knew that my heart was in big trouble right now.

Saglit kong tinapunan ng tingin ang nakangiting si Matias, and I could not feel more hurt for him and guilty for myself. I was to be blamed. I used to tempt him about marriage, but it was only half-meant, more of a joke. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa para magpakasal ulit. Ni hindi nga ako sigurado kung magiging handa pa ba ako sa bagay na ‘yon. Hindi ko talaga alam. Hindi ko rin naman inakala at inasahan na ‘yong one day na sinasabi niya kahapon ay tototohanin pala niya ngayon.

“Why are you so quiet? Nagdadalawang-isip ka na ba?” natatawang tanong niya.

I jerked a bit when he held my hand and clasped our fingers together. Bumaba ang tingin ko roon habang nararamdaman ko naman na nagsisimula nang mangilid ‘yong mga luha ko.

Where did I really put myself into? Handa na ba talaga ako? Tama ba iyong naging desisyon ko? Tama ba na pumayag ako?

“Gusto mo bang umuwi na tayo? Or do you want to check out the boardwalk?” malambing na tanong niya.

I swallowed deeply, and then told him I wanted to do the latter. Gusto ko pang pag-isipan nang mabuti iyong naging desisyon ko kahit na alam kong huli na ang lahat dahil umoo na ako sa kaniya.

“Alright,” he said.

Inalis ko ang tingin sa mga kamay naming magkasalikop at saka muling tumingala sa langit. Right now, all I wanted to do was to curl myself into a ball in my bed and cried the bad decisions.

Tama ba na magpakasal sa isang tao na hindi mo pa mahal? Siyempre, mali! Pero matututuhan ko rin naman iyon, ‘di ba? Matias was a good man and he was not hard to love. And besides, he had all the good characteristics, he was very husband material.

Pero bakit sa kabila ng katotohanang iyon ay malaking bahagi pa rin ng puso ko ang nagsasabing hindi ito ang magpapasaya sa akin? Na hindi ito ang gusto ko? And if he was really so easy to love, bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin siya magawang mahalin, Celestine?

“You really made me happy,” aniya na nagpabalik sa akin sa sarili sabay halik sa likod ng palad ko.

I forced a smile, and together, we navigated the street that was separating us from the boardwalk. And as we walked, hand in hand, I kept convincing myself that I just did the right thing. Ang tanga-tanga ko na kung pakakawalan ko pa ang isang tulad niya. Sobrang nahihibang na ako kung tatanggihan ko pa ang pag-ibig niya. With him, I would not have to cry. Sa loob ng mga taong magkarelasyon kaming dalawa ay wala pa akong naaalala na pinaiyak niya ako. If there was a time, surely that was happy tears.

Pumikit ako nang mariin at gusto ko na lang na mapasabunot sa buhok ko. I hated that instead of convincing myself that it was for my own good, as well for Milo, I found myself regretting my decision more. Maling-mali talaga na umoo ako sa kaniya dahil lang sa na-pressure ako sa mga taong nakapaligid at nanunuod sa amin kanina. Mali na tanggapin ko ang alok niyang kasal dahil hindi ko pa siya mahal. Pero ano ba ang mas dapat na ginawa ko? Ipahiya at tanggihan siya sa harapan ng maraming tao?

What Went Wrong (to the love that once was strong) [Caius & Celestine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon