Kinabukasan..
Heto nanaman ako naglalakad mag-isa dito sa hallway papunta ng room namin. Oo.. Late na ako kasi naman ang ganda nung pinapanood kong kdrama kaya anong oras na akong nagising.
Maya maya pa nakarating na ako sa room at tulad ng inaasahan ko nagpapakilala nanaman. Kase iba yung teacher namin ngayong first period.
Umupo ako sa tabi ni Charles.. Pinagmamasdan ko ang mga kaklase ko, yung iba sa kanila nakikita kona pero yung iba naman bago sa paningin ko. Pero may nakaagaw ng paningin ko itong kaklasi kong nasa kabilang row at nasa pinaka dulong line. Kung nalilito kayo ganito kasi yan, bale 2 yung hati ng upuan namin yung sa gitna daanan ng teachers so bale ako nasa 2nd to the last row pero nasa gilid ako ng daanan tapos siya nasa dulong row tapos nasa pinakatabi siya ng daanan bale medyo katapat ko siya. Basta ganun! Hahahaha
So balik tayo dun sa babaeng yun, buhaghag yung buhok niya(medyo lang) tapos may panyo siya na ginawa niyang band sa buhok niya at medyo chubby siya. Nagandahan ko siya pero syempre wag tayo pahalata kasi baka sabihin ni Charles wala akong taste.
Meron pa akong isang napansin na kaklase kong babae straight yung buhok, payat, pandak pero maganda. Crush ko siya, siya kasi yung babae na hindi mo ikakahiyang maging crush kasi maganda siya pero yung si chubby girl may iba akong nararamdaman sakanya.
Pinakinggan ko kung ano pangalan nung kaklase kong straight hair her name is Bianca Gopez hindi siya ganun ka friendly, parang ang sungit niya. To be honest ayoko yung ugali niya kaya nawalan na ako ng gana. Maganda siya oo pero wala e hahahaha.
Nakikipagkwentuhan ako ng biglang may narinig akong parang galit na boses.
"Hi i'm Janelle Gabrielle Daag from~~~~" pakilala nung chubby girl, so janelle pala pangalan niya hahahaha para siyang galit magsalita pero feeling ko hindi naman siya galit kasi nakasmile siya. Her smile makes my heartbeat fast diko alam kung bakit..
Ano tong nararamdaman ko?
Nagagandahan ako sakanya pero siya palang nakapagparamdam sakin ng ganitong pakiramdam. Yung ngiti niya nagbibigay ng ngiti sa aking labi, yung mukha niya ang kumukumpleto sa araw ko.
Waiiiiiiiit!!! Masyado pang mabiliiiiis!! Dapat may iba akong isipin para mawala sa kanya ang atensyon ko
Nakipagkwentuhan ako ng makipagkwentuhan, may iilan na din akong nakikilala sa mga kaklase ko
Mabilis na lumipas yung araw at tapos na ang aming klase, uwian na kaya dali dali akong tumayo pero bago ako umalis tinitigan ko muna siya.. Ang ganda niya. Kaya ko siyang titigan ng halos isang buong araw ng di pumipikit
"oy" biglang kalabit sakin ni Charles
Nagulantang naman ako kaya napaayos ako ng tayo
Nakita ko siyang napatingin samin chaka ngumiti
O Lord salamat sa blessing na binigay mo sakin ngayon, nakipagtitigan ako sa kanya pero agad niya din tinanggal yung tingin niya saken.. Samen chaka umalis na
Nakangiti ako habang tinititigan kung saan siya dumaan kanina
"kanina mopa tinititigan si Bianca pre" sabay tawang sabi niya
Napatingin naman sakanya si Bianca umiwas ako ng tingin nung lumipat sakin ang tingin ni Bianca
"crush ka ata ni Bianca" sabi ni Charles kay Bianca
"o talaga? Hihihi" tanong ni Bianca sabay lapit saamin
"una nako pre" paalam ko kay Charles, binilisan ko yung lakad ko para wala ng masabi pa si Charles
Nakauwi ako samin ng padilim na, kumain lang ako chaka ko sinearch fb ni Janelle at nakita ko naman inadd ko naman siya agad, inistalk kopa siya at tungkol sa God, Family lang yung mga shineshare niya. Wala din siyang pinopost na bf kaya baka single siya. Nabuhayan ako ng loob at tinitigan ang profile picture niya at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako..
--------
BINABASA MO ANG
STORY OF US
Non-FictionLahat ng mababasa niyo ay halos katang-isip lamang. Ang mga tao, lugar at pangyayari ay gawa gawa lamang ng aking makulit na imahinasyon. Sana ay mag enjoy kayo sa aking kwento. ---