P R O L O U G E
"Shut up" I said. Actually, kanina pa ako naiinis at gustong sigawan ang lalaking kanina pa humahabol sa akin (mas mabuting bumubuntot sa akin para mas mabaho siyang tignan)
"Pay 3 billion or be my girlfriend?" I look at him with disbelief
"W-what?! Are you crazy?" singhap ko sa kanya! Anong 3 billion? Anong girlfriend?
"Gusto ko lang pagbayaran ang ginawa mo sa akin" a-ano?! ng dahil lang doon pagbabayarin niya ako 3 billion?! and worst, magiging girlfriend niya pa ako! Oh God! He's crazy, he really is.
"Just because of that?!"
"Yes" mahinahon niyang sagot. Sinapok ko nalang ang noo ko. Calm down Blue, calm down.
"Pay 3 billion or be m---"
"Oo na! Oo na! bwisit! Alam ko na yan, ilang beses mo na yang inulit eh" wala, kahit pakalmahin ko pa ang sarili ko. Hindi ko na talaga makontrol.
"Pay 3 billion or be my girl---"
"Tangina! Pwede bang itigil mo na yan?! Kanina pa ako naririndi sa tanong na yan!" paulit ulit! nakakaasar tuloy.
"Pay 3 billion or b----"
"Dammit! Magbabayad nalang ako ng tatlong bilyon kaysa maging girlfriend mo ko. Mababayaran rin kita next year"
"No. Magbabayad ka lang next week. Kailangan ko talaga yun" next week? What the? seryoso ba siya sa sinasabi niya? saan ako makakakuha ng ganung kalaking pera?
"Wala akong pera" kinamot kamot ko nalang ang likod ng ulo ko. Eh sa wala eh.
"Then be my girlfriend" nagsmirk siya. Yung smirk na may gagawing masama! ganun.
"Ayoko!" like ew! mas mabuting makipagkissing scene sa linta kaysa sa maging girlfriend niya.
"Ayaw mo?" narinig na nga, ipapaulit pa. Bingi-bingihan lang ang peg?
May kinuha siyang microphone sa likod ng bulsa niya. Para saan naman yun? "Everyone!" napatingin lahat ng tao na dumadaan. "This is Blue Mikee Laberinto, My girlfriend" What the?!
"Hoy! Anong gir--" hindi na niya ako pinatapos ang sasabihin ko
"3 billion" argh!!
"Fine"
And this is me, Blue Mikee Laberinto INSTANT GIRLFRIEND of Sky Cyrus Dela Vega. Dammit!
--
A/N: sa totoo lang, ang daming beses ko ng inulit tung IG pero hindi ko matapos tapos. Asar eh! Pero seseryosohin ko na 'tong IG na 'to.:)
Dedicated to Yam-Yam28 dahil sobrang na-inspired ako sa GFFH niya! Hoho! Baka isipin niyo na ipapareho ko yung story ko sa story niya huh? Sobrang layo po! promise!
Tsaka. Ano pong mas maganda sa teen-fi story? Yung merong emoticons o wala? Thank you! ;)