"Happy Anniversary Honey" bulong sa akin ni Gerald habang yakap niya ako. Ang sweet niya talaga, Grabe 9 years na pala kami. Hindi ko namalayan, siguro ganun talaga pag nag-eenjoy ka hindi mo namamalayan yung oras.
Kontento na ako at masaya kahit sa simpleng pagbati lang niya. Hindi naman ako mahilig sa mga surprise.
"Ayyieee!" Sigaw ni Florence
"Kinikilig ako pahug nga" Sabi ni Fernando tsk para-paraan kay Bella
"Yuck!" Sabi naman ni Bella
"Kissssssssss!" Sigaw ni maya na sinabayan ni Alexis. Hasytt ang buhay nga naman
"Florence,Fenando,Bella,Maya at Alexis magsitigil nga kayo!" Sigaw ko sa kanila, Feeling ko soibrang init ng mukha ko
"Ano ba Mitch! wag mo nga akong tawaging Florence! AZE ang gusto ko!"
"Si Mitch talaga! Rhian Hindi Bella"
"Alex not alexis!"
"Ate May di Maya"
Inirapan ko lang silang lahat, Wala silang magagawa ayun yung gusto kong itawag sa kanila.Hehe
Pero parang kakainin na nila ako ng buhay! dahil ang sama ng tingin nila. Tsk akala naman nila matatakot nila ako. Bakit ba ang BIG deal sa kanila ng pangtawag ko sa kanila?, gusto ko kasi ako lang natawag sa kanila ng ganun para unique.
"Wala kayong pake kung anong gusto kong itawag sa inyo! kasi kung anong gusto ko ayun yung masusunod" Tinignan ko din sila ng masama
"Argh!" pagmamaktol ni Fernando ang ganda kaya ng pangalan niya tapos ikahihiya lang niya. "Fine kung ayan yung gusto mong itawag sa akin" TSK andali naman netong mapasuko. Napatingin siya sa likod ko kung nasan si Gerald, nahuli kong nakatingin ng masama sa kaniya si Gerald, kaya naman pala.
"Mitch, Tara punta tayong kwarto." Bigla akong hinila ni Alexis
"Hoy! ano ba? mag-uusap muna kami ni Gerald" Hinila na rin ako ni Maya, nagtulungan pa
"Ate naman humiwalay ka muna kay kuya Brian!" anong humiwalay? eh kakakita palang namin ah. Wala na akong nagawa dahil nahila na nila ako ng tuluyan. Pinapasok nila ako sa room ni Alexis. Lalabas na sana ako ng magsalita si Alexis
"Mitch, Bigyan mo din naman kami ng oras hindi lang naman si Brian ang taong nagmamahal sayo" After that napatulala ako. Anniversary namin ngayon kaya dapat kami ni Gerald ang magkasama, May pagtatampo sa boses ni Alexis minsan ko lang marinig sa kaniya ang boses na ganun kaya gusto ko bumawi sa kaniya kahit na ngayon yung anniv. namin ni Gerald. Kilala ko siya minsan lang siya magtampo pero hindi mo mahahalata dahil hindi niya sinasabi o nagpapakita ng clue na nagtatampo na siya pero dahil ako ang bestfriend niya alam na alam ko kung pano umikot ang utak niya.
"Sige" nagsmile pa ako sa kaniya para hindi na siya magtampo, this past few weeks kami lang dalawa ni Gerald ang magkasama, Kaybigan pa din namin siya ni Gerald kaya dapat laanan din namin siya ng oras.
Niyakap niya ako, Grabe siguro sobrang miss na ako neto. Niyaya niya na ako sa kama niya, ang ganda ng kwarto niya tapos may mini library pa siya. Kasama namin si Maya pero nagpaalam siya na aalis lang saglit. Pagkatapos namin magkwentuhan may sarili na kaming mundo. siya nagbabasa na naman ako nakikinig ng music
Your eyes turn as conversations go by
Like a new pair of Nikes that I can't afford
You ask me why I'm a magnet for misery
I'm just getting ready for when I'm left alone
BINABASA MO ANG
A Tragic Love Story
Teen FictionSabi nila masaya ang magmahal pero hindi nila alam na sa bawat saya ay may kaakibat na kalungkutan. Nakakatakot maging masaya kung ang kapalit nito ay sakit sa bandang dulo. Nakakatrauma. Ako si Mitchelle Regina Castro at ito ang istorya ko. ...