Chapter Three

20 0 0
                                    

Chapter Three

Cassandra's POV

Habang nag lelecture si miss mendez sa unahan lumulutang ang utak ko.

Hanggang ngayon kasi naaalala ko yung sinabi sakin ni luke. Kung montez siya edi kilala niya si gale? H-ella i wanna know pero ayokong mag tanong kasi nahihiya ako.

"Miss Lopez!!!" nabalik ako sa katinuan ng biglang sumigaw si miss mendez. Nabaling lahat saakin ang atensyon at ayaw ko nun'

"A-Ah...W-What m-miss?" kinakabahan na tanong ko.

"Your not listening. Now go out!" P-uta ngayon pa'ko pinalabas. Ang terror naman ni miss trinidad tsk. Palibhasa matandang dalaga.

Tumayo na ako at ramdam kong sumusunod ang mga mata nila sakin habang papalabas ako. Psh ang galing naman may power na pala ako. Yung napapasunod ko yung mga mata nila tch.

Pumunta ako sa isang bench at umupo. Nagugutom ako pero hindi ako pwedeng umalis at kumain kasi bawal bumili pag hindi break time. Masyadong strict dito sa DU.

"Kyaaaaaah!"

"fafaaaa"

"OMG he's here fafa blakeeeee"

Rinig kong tili ng mga estudyante sa labas ng room. Blake? Fafa blake? Yan ba yung pinag chichismisan ng mga Conyo Girls kanina? H-ell ngayon ko lang napansin na blake pala pangalan nun'.

Blake Gale Montez?
Tanong ko sa isipan ko.

"Cass!" sigaw ng lalake sa likod ko. Kahit hindi ko siya harapin kilala ko naman to' eh.

"Yes?" tanong ko. Tinabihan niya ako tsaka inakbayan. Tch kaya nagagalit yung mga fans niya sa'kin eh ang sweet p-uta.

"Ang lalim ng iniisip mo eh, kanina ka pa sa room" nag aalalang wika niya. Nginitian ko siya. "Are you okay?"

"Yes I am. May naisip lang ako hehe, nasa room pa si miss mendez?" pag iibang usapan ko. Kumunot naman ang noo niya at tumawa.

"Cassandra wake up! Hahaha! Kanina pa nag bell and it means iba na ang mag lelecture sa'tin." hinawakan niya ang ulo ko at hinapiyap niya ang ulo ko. Tch sige sirain mo buhok ko.

"Ah ganu'n ba? Edi tara na sa loob baka andu'n---" he cut me off.

"Lutang ka nga, sinabi na kanina na wala si miss perez di'ba? Cass are you sure your fine?" nag aalalang tanong niya. D-amn bakit ba kasi ang lalim ng iniisip ko?

Umiling ako "Actually I'm not fine, luke..." inakbayan niya ulit ako tch. "Naisip ko kasi yung... Aish teka! Wag mo ng alamin haha! Oo nga pala ipag patuloy mo na yung kinekwento mo kanina" humarap ako sakanya para bigyan siya ng sign na mag simula na.

"Let's get inside first. Madaming tao dito" okay. So ako lang nun' nakakaalam? Haha! Awesome.

Pumasok kami sa room at buti nalang wala yung Conyo Girls dahil baka mapag chismisan nanaman ako. At yung iba naman busy sa mga iba't-ibang gawain tch.

"Oh eto na nasa room na tayo, go" hindi naman ako mukha excited no'?

Tumawa siya. "Nagseselos siya sa'kin kasi nasa'kin lagi ang atensyon pag nasa bahay kami. Ako lagi yung napupuri. Pero dito sa DU siya lagi napapansin. Ayos lang naman sa'kin kasi nga di'ba ayaw kong maging sikat." mas lalo akong nainis sa kapatid niya.

"Then?" wika ko habang hinihintay siyang mag simula ulit.

"Sa bahay lagi siyang galit sa'kin, minsan nga pag oras na ng kainan pag alam niyang kasabay ako kumain eh nag papadala nalang siyang pagkain sa kwarto niya. Sobra ang galit niya sakin." malungkot na wika niya. "Ang totoo niyan eh half brothers lang kami" ani niya pero halos pabulong na.

You Hurt Me OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon