Chapter Five
Cassandra's POV
Ano naman ang problema ni'to at kailangan niya akong hilahin dito? Psh.
"Umalis ka sa harap ko" walang ganang wika ko. Hindi siya nakinig kaya nagsalita ulit ako "Umalis ka sabi e—" what the h-ell. He kissed me.
Sinampal ko siya na ikinagulat niya. Tumungo naman siya at hindi kumibo. Bago pa'ko mawala sa husyo ay umalis nalang ako.
"W-wait, p-please" wika niya at pinigilan akong umalis. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.
"Not now" seryosong wika ko at iniwan ko na siya dun' buti naman at hindi na niya ako kinulit.
Pumunta na ako sa room ko at umupo sa isang sulok. Tsk ganun' naman lagi eh. Pupunta ako sa sulok tapos tatabi din naman sa'kin yung asungot psh.
"Cass!" oh di'ba? Speaking. Psh. Hindi nalang ako tantanan eh.
"Ano nanaman?" walang ganang tanong ko kaya naman nanlaki ang mata niya at umupo sa tabi ko. Tinitigan niya ako, "Sinabi ko naman sa'yo di'ba na ayokong tinitignan ako lalo na kung wala akong kasalanan" wika ko. Nagulat naman siya kaya umiwas siya ng tingin.
"S-Sorry, i didn't mean to disturb you. Did i?" woah ngayon ka pa nag tanong niyan nakakahiya naman pag sinabi kong 'yes you did.'
Ngumiti ako ng peke "No." maikling sagot ko at nagpatugtog nalang sa mp3 ko. Maya-maya pa ay dumating na si miss mendez kaya nakinig na ako.
After the discussion isa pang lecturer namin at pwede ng umuwi. Early dismissal kami kasi may meeting daw ang mga teachers.
Kaya naman tuwang-tuwa ang mga kapwa kaklase ko. Tss buti pa sila natuya ng bahagya eh ako? Psh ang boring sa bahay.
Napag isipan kong tumambay muna sa tambayan ng mga estudyante. Nagpatugtog muna ako habang nag babasa ng pocket book ko.
Habang nag babasa ako may biglang humablot ng earphones ko. Anak ng!
Anong trip nito at hinablot pa ang earphones ko? Psh, mga walang kwenta. Binaling ko ang tingin ko sa humablot at ng makita ko ang mukha niya ay agad namang kumulo ang dugo ko.
Aalis na sana ako ng bigla niya nanaman akong hilahin palapit sakanya.
"How about now?" tanong niya, halata mo sa mata niya na gusto niya akong kausapin.
"No." walang gana kong wika at pilit na kumakalawa sa hawak niya. "Let me go, gale! Nasasaktan ako!" halos umiyak na wika ko. Kasi naman ang sakit p-uta.
Binitawan niya naman ako "S-Sorry, ayoko namang saktan ka. Hindi ko---" i cut him off.
"Hindi mo'ko gustong masaktan, wow!" i clapped my hands. "Ang galing eh! Pagkatapos mo'kong sabihan na 'I like you Cassandra. Please wait for me'" ginaya ko ang pakakasabi niya sa'kin nun' "Dapat pinanindigan mo yun gale!" hindi ko napigilan ang luha ko at basta nalang tumulo.
"Cass. Please hindi ko intensyon na masa---" i cut him off. Again.
"I won't believe, gale! Hinintay kita sa loob ng limang taon na'yun! Ni hindi ako nagpa ligaw kasi sabi mo babalikan mo'ko" galit na ani ko at kasunod nun' ang pag patak ng luha ko "Tapos...Tapos ngayon nalaman kong may 'EX' ka na pala and here's more, you still love her" pumikit ako dahilan ng lalong pagpatak ng luha ko. Parang tinutusok ng milyong karayom ang puso ko.
"W-Where D---" pinutol ko ulit siya. Dahil ayoko ng makarinig ni isang sinungalingan niya.
"Sa 'EX' mo hahaha! Funny, right?" para akong baliw na tumawa habang umiiyak. "Mabait siya ha. Nice taste dude, but too bad you broke me. Sana pala hindi na'ko nagpaka tanga" umiyak akong muli. Hindi ko na napigilan kasi ang sakit na.
BINABASA MO ANG
You Hurt Me Once
Teen Fiction"Bakit lagi nalang akong nasasaktan?" Tanong ng babae Hindi niya maintindihan ang rason ng binata kaya siya nito iniwan. Ang totoo niyan ay mahal na mahal siya ng binata ngunit kailangan nitong magpalaya dahil utos ito ng kanyang nanay.