"Sorry hindi talaga kita mahahatid ngayon. May practice game pa kasi ako after school eh. Sorry." Eto na naman sya. In short, eto na naman kami. Pumasok na 'ko sa classroom kasi nagpaalam lang ako para mag-cr. Napahawak ako sa ulo ko kasi ito rin yung reason nya kahapon na hindi nya rin ako mahahatid eh. And again, uuwi ako nang mag-isa. Nakakainis! Lagi nalang ganito. Lagi nalang una ang basketball sa kanya. Ni hindi ko na nga maramdaman yung presence nya as my boyfriend eh.
"Casey Lauren Gonzales!" bigla akong napatingin sa teacher ko. Nagbibigay pala ng exam papers naku lagot na naman. Wala na naman ako sa sarili. Si Xanthe kasi eh. Oh by the way, Xanthe Sevilla is my boyfriend and were both in 4th year. Last year of high school.
"Ms. Gonzales wake up. You're not in your senses again." sabi sa kin ng English teacher ko. Oh well papel! English is my favorite subject. That's why English din ang pinakamataas sa mga grades ko. I can get an average of 98.9 sa subject na yan if I just focus. But then again, si Xanthe ang reason kung bakit some of my subjects can get lower than 85 which is a really wrong situation.
We've been together for 1 year and 5 months. Sa una masaya, pero unlike most of the love stories, habang tumatagal lalong nagiging complicated. Oo, nagiging strong kami pero sa paulit-ulit na away syempre nababahiran din ang mga sarili namin ng kani-kaniyang mali na syang isinusumbat sa isa't isa.
"Okay good bye class."
"Good bye, Ms. Sion."
Lumabas na ko ng class room and as usual walang Xanthe na naghihintay sakin sa labas ng class room.
"LAUREN! CASEY!!!" hindi pa ako humaharap pero alam ko naman na yung bestfriend ko yun.
"Oh ano na naman problema mo?" Masungit na bati ko sakanya. Sows sanay na yan haha. Okay rude mo Casey.
"Infinitea tayo! treat ko game?" aba siyempre sinong nilalang sa Earth ang tatanggi sa libre?
"Sure? baka mamaya singilin mo na naman ako! Para kang ewan kasi minsan eh hahaha." Naalala ko kasi dati nanlibre sya tapos bigla nalang ako siningil sa bahay namin. Nagsisigaw sya dun keshu hoy casey yung utang mo leche!!!
Pumunta kami ng infinitea sa tapat ng school. Medyo matagal na kong hindi nakakatambay dito dahilan sa palagi akong iniiwan ng boyfriend kong magaling. Hayyyyzzz.
"Bakit di mo kasama si Xanthe?" sasagot pa lang ako eh nagtanong na siya ulet.
"Wait, let me guess." she paused for awhile and said, "Basketball?" Confident nyang sabi which is true. Napatango nalang ako habang sinisipsip yung drink ko.
Abigail is my bestfriend. Alam na alam nyan lahat ng pinagdadaanan ko sa buhay kahit yung smallest detail sa buhay ko which is namatay yung langgam ko. Okay. Hahaha. We treat each other like sisters. Mapapatay ko ang kung sino mang manakit dyan. She may sound tough but deep inside, she's been through a lot which again made her strong.
"Hay nako bulbol na yun! Lagi nalang siyang ganyan! Sana hindi nalang siya nag girlfriend kung laging ganyan ang inaasal nya!" gigil na sabi niya na para bang anytime manghahampas ng yero.
"Hayaan mo na, sanay nako." malungkot kong sabi. Pero instead na damayan niya ko sa kalungkutan ko...
"Pakshet Casey! Kumukulo na naman dugo ko. Mukha ka na namang malungkot ng paa diyan!" malungkot na paa? Sa ganda kong to.
Grabe talaga!!! Hindi ko na kinakaya tong pang aabuso sakin ng bestfriend ko.
It's Friday and it looks like it's going o rain. Meron akong kutob na iiyak na naman ako mamaya at makikisabay sakin ang panahon.
Natapos na kami sa ininitea and umuwi na 'ko. Pagkauwi ko humilata agad ako sa kama at nagtalukbong.
"6 na pala. Bat di pa nagtetext yun?" Tinignan ko yung cellphone ko sa may bag ko.
"Wala man lang ni isang text."
Kinalkal ko pa yung bag ko and may nakita akong supot ng plastic, watsons ang tatak. Naalala ko, bumili pala ako ng pregnancy test kanina bago ako umuwi kasi lately hindi maganda ang pakiramdam ko.
At nagflashback yung gabing iyon. Umapaw yung pagmamahal sa kwarto. Feeling ko worth it yung pagbibigay ko ng isang bagay na napakahalaga para sakin. Pakiramdam ko siya na talaga. Sobrang sakit pero at the same time masaya ako kasi nagising ako, mukha nya ang pinakaunang nakita ko.
And yes, I gave it and he took it.
Funny how love can make you do things you never thought you will do. And for that moment, nakaramdam ako ng kaba. I put the PT back in my bag and I tried to sleep.
* * *
Buti pa 4438 naalala akong itext. Yung boyfriend ko ni wala pa isang text. Sawang sawa na ko mag first move! Lagi nalang ako. Di man lang ako magising ng may ngiti sa mukha ko! Sarap manapak mga ganitong panahon eh!
*ting ting* sorry sa sound effects kulang ako sa budget.
From: Tomee
Good morning kain ka na ha :)Not bad. Si Tomee kababata ko siya, we graduated from the same school pero nag take siya ng acceleration test kaya college na sya ngayon. If only I passed that effin test. Sinadya kong hindi ipasa yun kasi ayaw kong iwan si Xanthe sa high school. I love him that much.
Pero ganito lang binabalik nya sakin..
Nireplyan ko si Tomee:
'Hindi nagtetext si Xanthe. Bakit ganon?'I suddenly felt chills sa mga dulo ng parts ng katawan ko. I dropped my phone to the floor at binalot ko yung sarili ko ng kumot.
Lord stop this now please.
* * *
Anonymous's point of view
"Shit!" Nagising ako ng walang saplot kundi ang puting kumot na may patak ng mga dugo.
"Shit!!!" Dali dali kong dinampot yung damit kong nasa sahig pero biglang sumakit yung ulo ko.
"F*ck ang sakit!" tumigil ako saglit para hawakan yung ulo ko na para binibiyak ng sakit. Mabilis ko namang nasuot yung damit ko at dali daling lumabas ng pintuan at umuwi ng bahay.
-end of chapter 1-
BINABASA MO ANG
The Mistake
Teen Fiction"Some people aren't really meant for each other.." The Mistake All Rights Reserved September 23, 2014