Chapter 2:"A day with Him"

43 1 0
                                    

Previously on The Mistake...

        Hindi naihatid ni Xanthe si Casey sa bahay nila kasi may practice game pa siya. As seen, Xanthe is into basketball and mukhang na-seset aside si Casey. Xanthe seemed to be the world of Casey. Dahil wala si Xanthe, to the rescue naman ang bestfriend niyang si Abigail. They went to infinitea. But when Casey got home, she found something on her bag. Biglang sumama ang pakiramdam niya.

Chapter 2

Umagang umaga palang naka-receive na ako ng text mula kay Xanthe. Pinapapunta niya ako sa kanila para maglunch. Celebration daw nila ng team mates niya kasi nakapasok sila sa tournament para sa Guam. Agad na akong naligo ang nagbihis kasi almost lunch time na rin, doon na lang ako kakain. Nagpaalam na ako kay mama at umalis.

Condo ang bahay nila Xanthe. Agad naman akong pinapasok ni Xanthe pagkarating na pagkarating ko sa kanila. Inaya nya ako kumain at umupo kami dun sa sofa nila. Natapos na akong kumain at pinagmasdan yung ibang kumakain. Ang tatakaw nila! Nakailang balik na sila sa lamesa. Napatingin naman ako kay Xanthe na siya ring nakatingin sa mga team mates niya. Napaharap siya sa akin.

"Labas tayo mamaya? Namiss ko yung baby ko!" sinabi nya yun sabay niyakap niya ako.

"Mga pare ang daming langgam dito ano?" sabi ng isa niyang kateammate.

"Xanthe pare! Oo nga pala. Napagkasunduan naming mag-practice game mamaya after kumain. Diyan lang sa court sama ka?" napatingin kami sa kaibigan niyang si Jhon. Kinabahan ako kasi napatingin sa akin si Xanthe at para bang may biglang gumulo sa utak niya.

"Pre pasensya na. Lalabas kami ni Casey eh. Sa susunod nalang marami pang araw bago ang tournament." sabi niya.

Di ko alam pero parang naginhawaan ako sa narinig ko. Pinili niya ba talaga ako over basketball? Hala ang saya naman feeling ko napaka-special ko. Ganito mukha ko oh:

:>

Basta ganyan! Hahahaha.

Pumunta kami sa mall at nagyaya ako sa Mcdo kasi nakaramdam ako ng gutom. Dahil namiss niya daw ako ililibre niya daw ako. 

"Anything you want babe. ;)" hahahaha ang swerte ko naman. Kahit ano daw? 

"Miss isang cheeseburger deluxe, large fries large coke. Isang apple pie. Isang mcflurry. Padagdag ako ng ketchup ha?" sabi ko sa counter sabay ngiti at umorder na si Xanthe.

Di nagtagal, nakuha na namin yung order namin at umupo. 

"Dami mong order. Tataba ka niyan." napasimangot ako dun. Alam nyo ung ayaw na ayaw kong tumaba pero ang sarap talaga kumain eh. Nakita kong nakatingin sakin si Xanthe ng nakangiti at ako naman nakasimangot parin.

"Ang cute mo naman!!" sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

"Aray hayup ka!" hinampas ko siya sa braso.

"Aray ko naman babe. Ajujuju!" hala cry baby ang bebe mo.

"Ajuju?" curious kong tanong.

"Pero tataba ka dami mong inorder eh." a moment of silence.

"Wiw?"

"Joke lamang! Haha alam mo namang love parin kita kahit tumaba ka eh. Siguro mataba din magiging anak natin in the future." 

Bakit ba ganito tong lalaking to? Ang saya malaman na iniimagine niya yung future namin. Napaka unusual para sa lalaki ng ganun pero siya. Naku halos di ko na kailangan magmake up sa sobrang pula ng mukha ko. ang sweet sweet niya.

The MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon