Got Away 2
You
Matapos naming tumambay sa coffee shop ay nagpaalam muna kami ni Aiesha na may bibilhin sa labas, pumayag naman siya at pina-alalahanan lang kami na mag-ingat.
Ngumiti naman saakin si Aiesha na parang may masamang binabalak.
Tumango siya, sinyales na kailangan na naming umalis.
Habang naglalakad kami ay ramdam ko ang kaba ni Aiesha. Hindi siya ganito katahimik every time na naglalakad kami dahil sa likas niyang kadaldalan.
"Dianne..."
Basag ni Aiesha sa katahimikan na namamagitan saamin.
"... Sa tingin mo tatanggapin ni Luke 'tong pinagbubuntis ko?"
Malungkot niyang tanong.
Hindi naman ganon katanga si Luke para iwan nalang si Aiesha. Kitang kita sa mga mata ni Luke kung gaano niya kamahal si Aiesha. Hindi maikakaila na may pangamba si Aiesha dahil sa nabanggit ni Luke na hindi pa siya handa na maging ama.
Tinignan ko siya.
"Oo naman. Bakit naman hindi?"
Walang ano-ano kong sabi.
Nagbuntong hininga siya. Mukhang naguguluhan siya sa mga pangyayari.
Paano ko ba pagagaanin 'yung loob niya?
"Matagal na nating kaibigan si Luke. Dapat kilala mo na siya 'di ba?"
Hindi siya umimik at nagpatuloy nalamang siya sa paglalakad.
Nang makarating kami sa malapit na Watson ay agad siyang umupo sa bench. Sa tapat din lang ng Watson, hingal na hingal ito at nagbuntong hininga.
"Friendship, ikaw na lang bumili ng PT." aniya. Agad naman akong nagpunta ng counter at siya naman 'tong namimili at tumingin ng mga bibilhin niya.
Napatunganga ako sa PT at iniisip ko kung paano ginagamit iyon.
Nang ako na ang sumunod sa pila ay kumuha ako ng tig-iisa.
"Ate, anong mas reliable dito?" agad ko na tanong.
Baka kasi hindi reliable, kaya yun natanong ko. Since ignorante nga ako, kailangan kong malaman kung paano gumagana ito.
"Lahat po ng pregnancy test ma'am reliable. Depende po iyon sa kung ilang weeks ka nang buntis. Pare-pareho lang po iyan, brand lang ang pinagkaiba. Pero, I suggest na sa umaga gamitin, pagkagising mo po."
Napatulala ako at ibinalik yung dalawa. Kinuha ko na lang yung mas mahal.
"Ma'am 245 pesos po. Do you have Watson's card ma'am?"
Tanong niya habang binabalot iyon sa paper bag. Ngumiti lamang ito nang bahagya nang inabot ko sakanya yung card at bayad ko.
Nang makaalis ako sa counter ay si Aiesha naman ang sumunod sa pila. Naku, kung ano-ano na naman ang pinamili nito.
Minsan may mga nabibili siya na ipinamimigay lang saakin kasi hindi naman niya nagagamit.
Sa aming dalawa, ako ang wise.
Tanggapan ng mga hindi ginagamit.
"Friendship! naiirita ako." nakamisubsob niyang sabi.
Napangiwi ako at sinilip ang mga pinamili niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Paano ba naman, nasales talk ako. Gusto ko sana bumili ng Olay na retinol. Ngayon, lumapit saakin yung sales lady. Aba! ang babae. Nahila ako sa Skin ayun napabili ako ng brightening serum nila. Tapos bibili sana ako ng sunblock ko na Belo tinted, naku! binentahan ba naman ako ng Deoproce!" magkasalubong na kilay niyang kwento.
BINABASA MO ANG
Chasing my The One That Got Away
Romance"If I had known then, I wouldn't have let you go."