chapter 12

31.3K 1K 76
                                    

A/N: Bukas pa sana ang update na 'to kaso natuwa ako sa response niyo sa previous chapter kaya napaaga ang update. Thank you for the comments and votes :)

NAPAUNGOL si Charlene sa iritasyon nang may maramdamang yumuyugyog sa kanya. Antok na antok siya at gusto pa niyang matulog.

"What the heck do you think you're doing? Bakit dito ka natutulog?" bigla siyang nagmulat ng mga mata nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Ang lukot na mukha ni Vince ang una niyang natunghayan.

Iginala ni Charlene ang paningin at na-realize niyang nasa sala pala siya. Mukhang nakatulugan niya ang paghihintay sa binata. Bumangon siya at naupo.

"Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Hinintay kasi kita." Tugon niya saka naghikab.

"You didn't have to do that. Pa'no kung hindi naman pala ako uuwi? Tsaka bakit hindi naka-lock ang main door? Pa'no kung may mga masamang taong pumasok dito? Nag-iisip ka ba?" salubong pa rin ang kilay na anito sa medyo mataas na tinig.

Napalunok ang dalaga at nag-iwas ng tingin. "Hindi naman. Safe naman dito sa rancho. Sinadya ko talagang hindi i-lock kasi baka hindi ko mamalayang dumating ka."

Vince raked his fingers through his hair. Parang nakainom ito. "Kahit na. Pwede naman akong matulog na lang sa sasakyan o kaya diyan sa porch. Dapat hindi ka na nag-abala pang hintayin ako. Dapat ni-lock mo 'yong pintuan. Wala pa naman kayong kasama dito. Delikado. Naisip mo ba 'yon?" may galit sa tinig nito pero imbes na matakot sa tono nito ay may tuwang bumangon sa kanyang dibdib.

"Nag-aalala ka ba sa amin?" hindi niya mapigilang itanong. Tila natigilan naman ito saglit.

"Ayaw ko lang na may masamang mangyari sa mga bata! How could you be so careless? Next time, don't do that again. Kung wala pa ako, just lock the door. Ako na ang bahala sa sarili ko kung saan ako matutulog." Sagot nito saka tumalikod at iniwan siya doong mag-isa.

Napakagat-labi ang dalaga. May bahagi ng puso niya ang nasaktan dahil sa mga bata lang ito nag-aalala pero at the same time, masaya siya. Akala niya ay wala kahit ano pang malasakit ang binata sa kanila pero ramdam niya ang pag-aalala nito.

"Charlie, stop it. 'Wag kang umasa. Baka masaktan ka lang. Kay Chase at Chance lang siya nag-aalala, pwera ikaw." Paalala niya sa sarili saka tumayo na at umakyat na sa taas.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto dahiL masarap na ang tulog ng mg anak. Ayaw niyang magising ang mga ito. Mabuti na lamang at hindi nagising ang kambal na wala siya sa tabi ng mga ito. Baka kasi umiyak na naman si Chance.

Sinigurado naman kasi niyang mahimbing na ang tulog ng mga ito bago siya bumaba at hintayin si Vince sa sala. Wala kasi itong susi at ayaw naman niyang magpalipas ito ng gabi sa labas.

Nang mahiga siya sa kama ay mukha pa rin ni Vince ang nasa isip. Hirap siyang makatulog. Lumipas ang dalawang oras pero hindi pa rin siya dalawin ng antok.

She decided to go downstairs to drink some milk. Baka sakaling ma-relax siya at makatulog na rin pag ginawa iyon.

Hindi na niya binuksan pa ang mga ilaw dahil kahit papano ay maliwanag naman. Hindi naman siya natatakot sa dilim. She actually likes it.

Tsaka ang liwanag ng buwan mula sa mga bintana ay nagsilbi niyang tanglaw hanggang sa makarating sa kusina. Akmang bubuksan niya ang ref nang parang may kaluskos siyang naulinigan mula sa likuran niya.

Tumaas ang mga balahibo niya sa isiping multo iyon o kaya ay may nakapasok na magnanakaw. Dahan-dahan siyang pumihit upang tingnan iyon ngunit ganun na lang ang panlalaki ng mga mata nang may malaking pigura ng tao siyang nakita.

Blazing Desire 1: Vince AragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon