chapter 30

26.1K 782 67
                                    

A/N: Hi, Blazers! Sorry for the late update. I've been very busy lately. Summer kasi kaya maraming trabaho. Sumabay pa na kailangan kong mag-edit ng story. 

Good news! Soon-to-be published na po ang She's Mine, Exclusively Mine(Maybe in three months). Sana po suportahan niyo ako sa pamamagitan ng pagbili. :)

NAGULAT si Charlene nang makita niya si Gavril na nakatayo sa may harap ng gate ng bahay niya pagdating nila. Parang may malalim itong iniisip na nakatingin sa kawalan. Hindi man lang nito napansin ang tunog ng papalapit niyang sasakyan.

"Mama, that's papa Gavril, right?" excited na turan ni Chance na nakaupo sa backseat kasama ni Chase.

"Oo, anak." Sagot niya saka inihinto ang sasakyan sa harap ng binata. She rolled down her car window.

"Pagabi na, ah. Ano'ng ginagawa mo dito, Gav?" tanong ng dalaga na nakakunot-noo.

Parang natauhan ang lalaki nang marinig ang boses niya. He cleared his throat. "Gusto lang kitang makausap, bunso. Okay lang ba?"

Napatingin siya sa relong pambisig. Mag-aalas seis na. "Sige. Pasok ka na." pinindot niya ang remote ng gate upang bumukas iyon. Naglakad ang binata papasok samantalang pinaandar naman niya ang sasakyan papunta sa garahe.

Nang mai-park niya ang sasakyan ay agad silang bumabang mag-iina. Sinalubong ng mga anak si Gavril ng yakap. Tuwang-tuwa ang mga itong makitang muli ang lalaki.

Binuksan niya ang trunk ng sasakyan upang ilabas ang mga pinamili nila. Marami rin iyon. Akma niyang bubuhatin ang isang karton nang may magsalita sa tabi niya.

"Ako na ang magbubuhat ng mga 'to. Just go inside." si Gavril kasama ng kambal.

"Ako din, mama. I'll help." Chase volunteered.

"Huwag na, Chase. Ako na lang. Mabibigat ang mga 'yan. Saka ka na lang tumulong magbuhat kapag malaki ka na." Sagot ni Gavril sa anak.

Humaba ang nguso ni Chase at napilitang tumango na lang. "Salamat, Gav. Pasensya na. Mukhang wala pa kasi si Vince."

"It's okay. Ako na ang bahala sa mga ito."

Naglakad na silang ma-iina papasok ng bahay.

"Mama, where is papa? Bakit wala siya dito sa bahay?" Tanong ni Chance nang makapasok sila sa loob.

"Pauwi na siguro, sweetie. Sige na. Magbihis na muna kayo. Hintayin ko lang ang papa Gavril niyo. May pag-uusapan muna kami."

"Okay po." Sabay na tugon ng magkapatid bago umakyat sa taas.

"Saan ko ilalagay ito?" napatingin siya sa may pintuan nang marinig ang boses ni Gavril. Bit-bit nito ang dalawang karton.

"Sa kusina na lang. Salamat." Tumango ito saka dinala roon ang mga karton. Nakatatlong balik pa ito bago naipasok lahat ng mga pinamili nila.

"Gusto mo ng meryenda?" alok niya nang nasa sala na silang dalawa at magkaharap na nakaupo.

Umiling ito. "No, thank you. Busog pa ako." Tanggi ng binata.

"So, bakit ka nagpunta dito? Kanina ka pa?" Charlene's voice held reluctance. Sana lang ay hindi na naman ito pumunta roon para kausapin siya tungkol sa kasal na sinasabi nito at ng papa niya.

"Hindi naman. Kadarating ko lang." tumikhim ito. "Anyway, pumunta lang ako dito dahil hindi ako mapakali. Ilang beses na akong tumatawag sa'yo pero 'di mo naman sinasagot ang mga tawag ko. Alam kong hindi naging maganda ang huli nating pag-uusap pero ayokong maapektuhan ang pagkakaibigan natin dahil lang sa kasal, bunso." Tila nahihirapan nitong saad.

Blazing Desire 1: Vince AragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon