21- A Promise To Riza (Flashback)

1.8K 122 6
                                        

"Riza, anong nangyari kay Maine? Bakit nagkukulong sa kwarto?"

"Wala, Kuya. Hayaan mo na lang muna siya."

"..."

"Teka... Tumawag na ba si Mommy? Six months na siya sa San Francisco pero di pa rin ako sanay. Bakit ba kasi ang mahal nitong course ko eh? Ayan. Kailangan tuloy mag-abroad pa ni Mommy. Hoy, Kuya! Nakikinig ka ba?"

"Nagkukulong lang naman siya pag may matinding problema. Ano ba talagang nangyari?"

"Kanino? Kay Mommy? Nagkulong ba siya?"

"Hindi. Si Maine ang tinatanong ko."

"Ang labo mo naman kausap, Kuya. Si Mom ang pinaguusapan natin eh biglang hirit mo si Ate Menggay. Kasi po... Uy! Tignan mo to. Tatanong tapos iiwan ako."

"Maine, dinner na tayo. Sinigang na bangus na maraming kangkong ang niluto ko. Di ba favorite mo yun?"

"I'm not hungry."

"Haaay... Señorita ko, kanina ka pa po hindi kumakain. Sigurado akong naglalamunan na yang mga bituka mo."

"Wow. 'Señorita ko' na. Ibang level na ang paglalambing."

"Ssshhh... Quiet, Riza."

"Okay. Sorry."

"Not now, Jay. Matutulog na ako."

"Alas siyete matutulog?"

"Riz!"

"Opo! Grabe naman. Kung nakakasaksak lang yang tingin mo sa talim, wala deads na ako dito. Hmp! Ako, Kuya, gutom na."

"Okay. Halika na, Riza... Maine? Iwanan na lang kita ng food ha? Initin mo na lang mamaya o kaya katukin mo ako. Sasamahan kita."

"..."

"Maine?"

"..."

"Kuya, halika na. Wala kang psychokinetic powers para mabuksan yang pinto sa kakatitig mo. Hayaan na muna natin yang brokenhearted."

"Brokenhearted? What the? Sinong gago yan ha? Siraulo! Asan yun? Pakita mo sa akin yang lalakeng yan!"

"Hay, Kuya. Nakakashokot! Calm your tits, okay? Hindi lalake ang dahilan nang pinagkakaganyan niya. Well... Sort of pero hindi directly."

"Huh? Ano nga ba kasing nangyari?"

"Remember Tom? Yung nanliligaw sa kaniya na batchmate mo?"

"How can I not?"

"Brrr... Cold. Anyway... He is also Chelsea's brother. Si Chelsea na best friend namin ni Maine. So, ayun... Nalaman ni Maine na maliban sa kaniya, may iba pang nililigawan at dine-date si Tom. Sort of like a tamed version of you. Babaero so binasted ni Maine. Na-hurt ngayon ang Chelsea kasi she was shipping them so hard. Nagalit siya ngayon kay Maine and started calling her names puro masakit, even starting a rumor sa mga girls sa school na you two are a thing and that she's your resident booty call."

"Shit! Bakit di ko alam to?"

"Sa girls nga lang kumakalat di ba? Kaya yung ibang girls ganoon na lang ka-rude kay Maine lalo na yung may mga gusto sa'yo. Tsaka alam mo naman na hindi talaga nagsasabi yan ng problema niya. Buti nga nalaman ko agad kaya napigilan ko yung kalokohan ni Chelsea. I told everyone it's not true kaya lang..."

"Kaya lang ano?"

"With the way you are with each other, sobrang sweet niyo. And I don't mean like siblings or friends sweet. Iba eh. I mean people see... I see the way you look at her and the way she smiles at you. Iba talaga. Tapos she lives here with us. Kahit we were raised us magkakapatid, everyone knows she's not really our sister tapos she's your go-to excuse for all the girls you dump. Magiging sobrang clingy ka sa kaniya to the point na they will finally give tired of sharing your affection with Maine. I'm not sure kung sinasadya mo but you're always 'Maine this and Maine that'. Gawa-gawa lang ni Chelsea yung chismis, oo, but with what we see, it's so easy to believe the stories they make up about you two. Masyado kayong close eh."

"She's my best friend of course we're close. Should we stop being the way we are to each other dahil lang sa chismis?"

"No. Of course not. Alam naman natin ang totoo. Ang sa akin lang, wag na lang sanang nasasaktan si Maine."

"Yan din naman ang gusto ko. Pero hindi naman kasi kasalanan ni Maine, bakit siya ginaganoon ni Chelsea?"

"Kasi siyempre untouchable na yung love niya sa Kuya niya so naghanap siya nang masisisi sa disappointment niya. Ang nakikita niyang dahilan, kayong dalawa."

"..."

"Kuya, natatakot ako eh."

"Bakit, Riza?"

"We both know how Maine shuts herself out from the world pag nalulungkot siya. Ang laki ng epekto sa kanya nung mga chismis sa inyong dalawa. Kuya, promise me..."

"What?"

"Alam nang lahat ang reputation mo and... I'm not a kid anymore, I know what your stares for her mean. Pero please... Wag, Kuya, ha? Wag si Maine. Ang daming iba diyan. Don't fall for her and don't let her fall for you. Don't give Chelsea and other girls like her more reason to hate my sister, our sister. I don't want her to shut us out too."

"Riz..."

"Basta, Kuya, wag si Maine. Promise?"

"..."

"Kuya, promise me.@

"Okay. I promise."

Though it maybe too late for that, Riz. I'm already inlove with her.

Heartbreaker (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon