Book Description:
Minsan gumagawa tayo ng paraan para mabawasan ang lungkot. Minsan nakagagawa tayo ng bagay para doon natin maituon ang sama ng loob. Minsan hindi rin inaasahan ang mga bagay na ating naiisip dahil hindi na tayo masaya.
I'm Calbie, iwanan at talikuran man ako ng lahat, wag lang si Tubias. Kailangan ko siya.
"AHHHHHH!" impit kong sigaw na umaalingaw-ngaw sa buong silid saka ko nginitngit ang koko ko. "Tubias~" mahinang bulong ko. "Hahahahaha," saka ako natawa.
'TUBIAS' Ang Boyfriend kong Robot?!
-Miss_YJM 2020
I live in a small yet comfortable basement, since nagcollege ako dito na ako nanatili. I do a lot of work here. No one dares to knock. No one dares to disturb me. Lumalabas lang ako kapag kinakailangan. Kapag kailangang pumunta sa school, kapag may kailangang bilhin. Wala akong ibang kinakausap kundi ang mga libro't mga nagbubuhulang wires sa loob ng basement na ito. Kapag sa school naman ay mailap lang ding bumubuka ang bibig ko dahil madalas akong napapanisan ng laway.
"Com'on Kal, get a life! Kailangan mong ma-expose sa public, maarawan at pagpawisan. Ang boring-boring ng buhay mo! Simula nang iwanan ng boypren e nagkakaganyan ka na? Nako! Nako! Nako!" pagdidiin ng Delia sa mukha ko. Napabuntong hininga na lang ako't hindi siya pinansin.
"Pwede ba Delia, tumahimik ka muna! Tsk! Kal, sigurado ka bang hindi ka na talaga sasama sa amin? Birthday ng younger brother ni Delia e, para naman makalabas-labas ka rin minsan." That's Trixie.
"Hindi na. I'll see you tomorrow, enjoy kayo. Mauna na ako." walang gana kong paalam sa kanila at pumihit na nang lakad.
"Haayys, sige-sige genius! Next time make sure to come na talaga ha, magtatampo na kami sa'yo nang tuluyan niyan! Psh! Kill-Joy talaga kahit kailan e." dinig ko pang sigaw ni Trixie, iwinagayway ko na lang ang kamay ko sa ere bilang pagpapa-alam at hindi na sila nilingon pa.
Nang makarating ako sa parking lot ng Han International University (HIU) ay kinuha ko agad ang helmet kong nakasabit sa motor saka sinuot 'yon. Umangkas ako sa motor ko at madaling pinaandar para agad na maka-alis. Gaya nang nakasanayan ay hindi ako dumaan sa gate ng mansion, doon ako sa likuran dumaan. May maliit na gate akong ginawa doon, deritso na sa garahe ko katabi ng basement ko.
Patapon kong nilapag ang bag ko sa sofa at naglakad sa harap ng mini-ref ko. Kumuha ako ng isang bottled water doon at deri-deritsong nilagok. "Ahh~" Saka ko kinuyumos ang plastic at tinapon sa basurahan.
I have my own stocks of food here. I cook what I eat. I wash what I wear. In short, I do all the work. Nasanay ako sa ganoong set-up. Hindi na ako pumupunta sa mansion dahil parang nandito na naman ang buhay ko sa basement, pumupunta lang ako doon kapag kailangan ako ni Caleb at syempre kapag wala rin akong masyadong ginagawa.
I'm Calbie, 21, a graduating student of Robotics Engineering sa Han International University. It's a 6-year course by the way. So, ano nga ba ang ginagawa ng mga Robotics students? Like any other courses, may minor at major classes din. Kadalasan kaming nasa laboratory sa mga major classes namin, engineering pa rin naman ang kurso, ibig sabihin magta-touch pa rin kami ng mga Mathematics subjects, mas marami at mas mahirap pa nga. More on computers, technologies, and computers again. Doon ang interes ko kaya nag-enroll ako sa course na ito, which is napakalayo naman sa nakahiligan ng family ko.
Natigilan ako at napako ang tingin ko sa kanya. I walk towards him and stare at him for a couple of seconds.
"It's been 4 years, Tubias." I sigh habang nakatitig pa rin sa kanya, "—until now, you're still giving me a hard time." mahinang bulong ko.
YOU ARE READING
TUBIAS: Ang Boyfriend kong Robot?! (On-going)
ParanormalMinsan gumagawa tayo ng paraan para mabawasan ang lungkot. Minsan nakagagawa tayo ng bagay para doon natin maituon ang sama ng loob. Minsan hindi rin inaasahan ang mga bagay na ating naiisip dahil hindi na tayo masaya. I'm Calbie, iwanan at talik...