Hindi ako papasok sa panghapong klasi, kahit pa man pumasok ako ay wala lang din akong maiintindihan dahil lumilipad ang isip ko. Wala ako sa wisyo kaya't uuwi na lang ako, tatapusin ko si Tubias sa basement.
"Hoy, ganun ba talaga kasama ang pakiramdam mo ha? Hindi mo na tatapusin ang klasi? Uuwi ka na?"
"Hm, ipagpaalam niyo na lang ako sa mga lecturer natin. Magpapahinga ako sa lungga ko."
"Oh sige-sige, mag-iingat ka ha. Kami na bahala sa mga lec. Matalino ka naman e, kahit pa 'ata umabsent ka nang ilang araw makakapasa ka pa rin, at gagraduate with flying colors. Sige-sige, ingat ka Calbie. Bye!" Naka-angkas na ako sa motor nang magpaalam sila sa akin, inihatid pa nila ako dito sa parking lot dahil alalang-alala sila sa akin.
"Sige." malamig na sambit ko. Pinaandar ko na lang yung motor ko at pinaharurot nang takbo. Sa main gate ako dumaan kaya medyo nagulat pa ang guard doon.
"Miss Calbie?"
"Please open the gate."
"Ahh, o-opo."
"Salamat." Dumeresto ako sa mansion para kunin ang hinihingi kong mga damit kay Caleb kanina. Nabanggit naman niya na buong araw lang siyang nandito sa loob ng mansion kaya't wala akong naging problema.
"Here." Tinanggap ko yung paper bag na binigay niya, medyo may kabigatan yun kaya agad kong naibaba. "Oh? Do you want me to carry that patungo sa basement mo?"
"Hindi na. Tulungan mo na lang akong isakay 'to sa motor ko." ganun nga ang ginawa niya. Naka-center stand ang motor ko kaya't hindi ito nakahilig. Nilagay ni Caleb yung paper bag sa likurang bahagi ng motor.
"Ang mga damit na 'to, ano ang gagawin mo dito? Pwede naman tayong bumili ng bago kung—"
"Hindi na. Hindi naman ganun ka-importante ang gagawin ko diyan. Salamat." maglalakad na sana ako sa motor pero pinigilan niya ako.
"Wala kang class? 12 pm pa lang ah." nagtataka niyang tanong.
"Ah, y-yeah, wala." pagsisinungaling ko.
"Yang mga damit na yan, medyo madami yan ah. Aanhin mo nga ang mga yan? Sabihin mo na please~"
"You don't need to know Caleb. Thank you, I love you." kusa kong hinalikan ang pisngi niya para matigil na siya sa pagtatatanong. Umangkas ako sa motor habang naka-alalay si Caleb sa malaking paper bag sa likuran.
"Just drive slowly, okay?"
"Hmm." tipid kong sagot bago nagdrive.
"And don't forget the dinner later! Kakatukin kita sa basement kapag nakalimutan mo ha. Love you too!" rinig ko pang sigaw ni Caleb pinindot ko na lang ang busina ng motor ko para malaman niyang narinig ko ang sinabi niya.
Nasa loob na ako ng basement. Nilapag ko agad ang mga gamit ko't agad na nagsuot ng gloves at sinimulan ang hindi ko matapos-tapos na trabaho. Nakakunot ang noo ko habang abala sa pagkakabit ng artificial skin and hair ni Tubias. Medyo nahihirapan ako sa bahaging 'to, kinakailangan kong masiguro na nakakabit ang bawat bahagi, balikat at braso, braso at kamay, bewang at legs, legs at paa. May inayos pa akong kakaunting wires. Inabot ako nang hapon sa ginagawa ko. Naiikot ko ang ulo ko dahil sa nangangawit na ang leeg ko. Kusang nahinto ang mata ko sa wall clock.
6:39 PM
Ugh! Pagod na ako pero kailangan ko pa palang maghanda para sa dinner. Iniwan ko ang ginagawa ko at mabilis akong naligo't nagbihis.
YOU ARE READING
TUBIAS: Ang Boyfriend kong Robot?! (On-going)
ParanormalMinsan gumagawa tayo ng paraan para mabawasan ang lungkot. Minsan nakagagawa tayo ng bagay para doon natin maituon ang sama ng loob. Minsan hindi rin inaasahan ang mga bagay na ating naiisip dahil hindi na tayo masaya. I'm Calbie, iwanan at talik...