KINABUKASAN
Kusa akong bumangon at nagsipilyo bago ako lumabas ng kwarto. Alas otso pa lang nang umaga. Bahagya pa akong napatalon sa gulat nang mga nakangiting mommy, daddy at Caleb ang bumungad sa akin pagkabukas nang pagkabukas ko ng pinto.
"Good morning, baby Kaly. Kung alam ko lang na dito ka pala natulog, edi sana I sneaked inside your room at tinabihan kita. Hue! Hue! Hue!" That's mommy sabay yakap sa akin. Pareho talaga silang OA ni Caleb e.
"Good morning, Calbie." That's daddy.
"Morning, Kal." and that's Caleb. Ngiti lang ang iginanti ko sa kanila dahil na-o-awkward ako. Akala ko naka-alis na sila mommy sa work, ba't nandito pa sila? Tsk!
"Ahm, shall we go downstairs? I don't want to be late in school. I'm really really sorry, I can't stay here for long." sumimangot ang mga mukha nila pero binawi agad nila yun ng mga ngiti.
"Okay, let's go downstairs na, baka lumamig pa yung pagkain sa ibaba. Let's go baby, namiss ka talaga ni mommy e. Hindi pa kita nakasabay magdinner kagabi. Psh! Alam mo bang subrang excited ko nung sinabi ng kuya mo na dito ka magdi-dinner kagabi? Tsk! Kaso subrang na-late ka." nakangusong usal ni mommy habang akay-akay ako pababa ng hagdan. Ayan na naman yan, magaling din 'tong magpakonsensya si mommy e, manang-mana talaga sa kanya si Caleb. Aish!
Para talaga akong lumpo o may malubhang sakit kapag dumadalaw ako dito sa bahay. Masyado nila akong bini-baby e. Tsk! Hindi naman sa ayaw ko, hindi lang kasi talaga ito angkop sa edad ko. I'm 21, hello~?
Akay-akay ako ni mommy hanggang makarating ako sa dining, dad pulled a chair for me at prinepare ni Caleb ang plate para sa akin. Really? Hindi ko tuloy maiwasang matawa na ikinagulat nila.
"Hahahaha, ano ba. Mi, Di, Caleb—relax~ you don't have to do this—really. Kaya ko naman e, baka mamaya niyan subuan niyo pa ako't tutulungang ngumuya ah?" Natatawang biro ko.
"Namiss ka namin e. Dito ka na lang kasi umuwi baby, please~ oh?"
"Mi, hindi nga pwede. Malapit na naman akong grumaduate e, saka na lang. Hihihihihi. Dito rin naman ako magdi-dinner mamaya e."
"Really baby? Kung ganun, ipagluluto kita." excited niyang usal.
"Mi, ako ang magluluto para sa kanya. Psh!" si Caleb.
"Edi sabay tayo, magluluto din ako! Hihihihihi."
"Oh, siya sige't wag niyo nang kulitin si Calbie. Kumain ka na anak baka mahuli ka sa klasi mo. Ihahatid ka na lang ni Caleb—" pinutol ko agad si daddy.
"I have my bike di. Hihihihi."
"E baby, diba delikado magmotor?"
"4 years ko na pong ginagawa mi, wala naman pong nangyari sa akin e. Don't worry, mag-iingat naman ako."
"O siya sige-sige, kumain na tayo." Matapos ang taimtim na pananalig at pagpapasalamat ay nagsimula na kaming kumakain. Hindi nila ugaling magsalita nang magsalita sa harap ng hapag kaya't tahimik lang kami hanggang sa matapos.
Nagpaalam agad ako na bumalik sa basement para maligo't magbihis. Nandito ang uniform ko at lahat ng gamit ko. Inihanda ko ang lahat ng gamit ko para sa school, bag at mga libro. And when everything's ready, I go check Tubias kung naka-off ba lahat ng system niya.
"Waah! Malapit ko na palang matapos 'to?" Halos buo na ang katawan ni Tubias, nakakabit na ang katawan niya, artificial skin and hair na lang ay okay na siya, mayroon na naman ako nun dito e. Tinignan ko din yung micro card sa cabinet ko at napangiti ako nang masilayan ito. "Ahh! Damit! I need clothes for Tubias."
YOU ARE READING
TUBIAS: Ang Boyfriend kong Robot?! (On-going)
ParanormalMinsan gumagawa tayo ng paraan para mabawasan ang lungkot. Minsan nakagagawa tayo ng bagay para doon natin maituon ang sama ng loob. Minsan hindi rin inaasahan ang mga bagay na ating naiisip dahil hindi na tayo masaya. I'm Calbie, iwanan at talik...