"JOWABLE NAMAN AKO"

9 0 0
                                        


Hi my name is Ivy Zhane Madyowa, 18 years old pero walang jowa yes, kabaliktaran ng nasa last name ko, at sa 18 years of existence ko wala pa rin akong jowa, jowable naman ako, maganda, morena, may talent pero wala talagang jowa. Naiinggit kasi ako sa mga kaibigan ko lahat lahat sila may mga bebe na ako na lang talaga napag iiwanan, minsan napapaisip ako tatanda na ba talaga akong dalaga? Haysss.....

Uwian na namin ngayon when my friend approach me...
"Uy Ivy tara sama ka samin gala tayo!" my friend Zyra said,

"Saan nanaman? Palagi niyo na lang ako sinasama, tapos ma-oop nanaman ako kasi kasama niyo mga jowa niyo tas ako nanaman mag isa sa gilid, ayoko zy" pagkasabi ko nun umalis agad ako pero narinig ko pa siyang may sinabe na,

"Anyare dun? Inaaya ko lang naman e haysss" diko na lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad.

Nakasakay ako ngayon sa jeep at pauwi na hanggang sa tumigil ito dahil may sasakay, eksakto namang may bakante pa dito sa may tabi ko pero diko alam kung kakasya pa siya, hinayaan ko na lang siyang umupo at tumingin ulit sa unahan.

"Aahhh miss pwede bang pausog ng kunti ang sikip masyado e" sabi nung katabi ko.
Tiningnan ko muna siya nang nakataas ang kilay bago umusog, nakikita ko nga ang sikip masyado sa pwesto niya palibhasa ba naman may katabing pangdalawahan yung bayad, hindi na ako kumibo at narinig ko naman siyang nagpasalamat.

Maya-maya narinig ko nanaman siyang nagsalita.

"Sa ***** university ka pala nag aaral?" ano bang problema neto? Tumango na lang ako.

"Anong kinukuha mong course?"

"Medical" maikling sagot ko.

"Parehas pala tayo" nginitian ko na lang siya, wala akong time makipag-usap dahil iniisip ko pa rin kung bakit wala pa rin akong jowa malapit lapit na rin bago ako mga 19 ngayong taon.

"May jowa ka na?" bigla kong nasambit sakanya. Nakita ko naman yung gulat niyang mukha sa biglaan kong pagtanong, doon ko lang napagtanto may itsura din pala ito pero siguro may jowa na ito ang pogi ba naman.

"Ahmm, ahmm" nag-aalinlangan nyang sagot, halata pa rin sa ekspresyon sa mukha nya sa pagtanong ko. Napatawa ako ng mahina.

"Hahaha okay lang kahit wag mo ng sagutin, halata namang may jowa ka na, may itsura ka naman e" pagkasabi ko nun parang nalungkot ako bigla, ang swerte siguro ng jowa neto, sana ako na lang.

"Ahaha wala pa akong jowa miss" biglang sabi nya at mabilis akong napabalik ng tingin sakanya.

"Ano ulit sabi mo? Wala kang jowa???? As in???" di makapaniwalang tanong ko, sino ba naman kasi di maniniwala na wala pa itong jowa e parang mala Daniel Padilla yung mukha.

"Ahh oo wala pa, pero parang magkakaroon na" bigla ulit nalukot ang mukha ko sa sinabe niya, ibig sabihin may nililigawan ito ngayon. Ang swerte naman ni girl.

"Eh ikaw? May jowa ka na?" tanong niya.

"Wala rin, sa 18 years kong pamumuhay wala pang nagtatangkang manligaw sakin, bakit ganun? Jowable naman ako, maganda naman ako, bakit wala pa ring nanliligaw sakin. Siguro ang swerte ng magiging jowa mo no? Ang pogi mo e."
Pagkasabi ko nun hindi ko na siya inantay na magsalita, tumalikod na agad ako sakanya at tumingin ulit sa unahan.

Malapit na yung bahay namin dito ng marinig ko ulit siyang magsalita.

"Oo, ang swerte mo nga kung ganun" parang may sasabog sa bilis ng takbo ng nasa loob ng dibdib ko dahil sa sinabe niya. Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong pakiramdam, parang nagkakarambola sa bilis sa pagtibok ang puso ko sa oras na yun.

Dahan-dahan akong lumingon sakanya, at nakita ko siyang ngiting-ngiti na nakatitig sakin.

"Ano ulit sabi mo? Diko narinig e" sabi ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko para akong nabibingi.

"Ahhh wala, sabi ko saan ka ba nakatira?"
at dun ako bumalik sa reyalidad dahil kanina pa pala ako nakalampas sa bahay namin, juskoo bigla akong pumara ng malakas.

"MANONG PARA POOOOOOOOOOO!!!!"
sigaw ko at nagtinginan yung mga pasahero sakin narinig ko pang mahinang tumawa yung katabi ko.

Dali-dali akong nagbayad at bumaba na, pero bago pa makaalis yung jeep narinig ko pa siyang sumigaw at mas lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko sa sinabe nyang yun.

"JUNEL LOPEZ NGA PALA, YOUR FUTURE JOWA!"

Mula nung nangyare yun lagi na kaming magkasabay umuwi dahil lagi-lagi ko syang nakakasabay sa jeep, lagi nya rin akong kinukulit at kinakausap minsan nga nakakalagpas pa ako ng bahay nang dahil sakanya, ang sarap niya kasing kausap kaya lagi akong nakakalagpas sa bahay namin at lagi niya rin akong pinagtatawanan dahil lagi lagi nangyayare sakin yun, kaya ayun palagi niya rin akong sinasamahan pauwi pag nakakalagpas ako sa bahay namin. Nilalakad lang namin dahil para makapag usap pa kami ng matagal.

Mula din noon nililigawan niya na ako, and i finally said YES to him nung nag-19th birthday ako. Tuwang-tuwa naman sakin yung mga bruhilda kong mga kaibigan dahil sa wakas daw nagkaroon na rin ako ng jowa at makakasama na nila daw ako lagi tuwing gumagala sila.

Nagpapasalamat ako dahil kung hindi dahil sa jeep na yun, wala pa rin ata akong jowa at tatanda talaga akong dalaga. Kaya kayo dyan na mga wala pang jowa, antay-antay lang malay niyo nasa tabi-tabi lang pala hinahanap niyo. *winks



Ps. Dedicated to para sa sarili ko, dahil hanggang ngayon wala pa rin jowa ang ate niyo
Pss. Hanapan niyo naman akong jowa oh.

SHORT STORIES Where stories live. Discover now