Chapter 1: The Crossover

311 3 0
                                    

Chapter 1: The Crossover

4 years ago...

Isang gabi, tahimik ang syudad ng McArthur madilim at maririnig mo ang busina ng mga saskyan tanging ang liwanag ng buwan, ng kalsada at ilaw ng mga gusali lang ang nagsisilbing ilaw.

BOOOOM!

Isang malakas na pagsabog ang narinig na nakapagpabulabog sa nananahimik na lugar sa di kalayuan, may sunog at nagkalat ang mga basag na salamin sa kalsada. Maririnig mo ang mga tunog ng iba't ibang serena ng ambulansiya, bumbero at mga pulis papunta sa nasusunog na kapilya. At ng kanilang abutan sa pinangyarihan natagpuan nila ang isang sugatan at kritikal na lalaki na may mga tama ng baril at isang walang malay na dalaga nasa Grade six na tila na suffocate sa makapal na usok mula sa malakas na pagsabog at natagpuan nila malapit sa kanila ang isang itim na rosas.

"Chief, nawawala po ang mga gintong korona ng Sta. Maria sa loob!"

Si BLACK ROSE.

"Hanapin ninyo at tiyak hindi pa siya nakakalayo! Nakatakas na naman siya!" sigaw ni Inspektor Laurren sa mga pulis.

Si Black Rose ang umatake sa kanila. Agad dinala ang dalawang biktima sa malapit na hospital, nagbabakasakaling mabubuhay pa ang mga biktima, subalit ang lalaking dinala nila ay nalaman nilang "Dead on Arrival" na siya.

Sabay dumating ang mga grupo ng NWTA. Na nakasakay sa isang police van. Nagmamadaling Dumating ang isang babae.

"Ako si Morris Claridel matalik akong kaibigan ng namatay na biktima na si Kenny Collin magkasama kami sa trabaho sa "National World Trade Agency" at nandito rin ako para sa kapatid niyang si Kelly. Nasaan sila?"

Pinakita ang I.D. Na patunay,

"Bakit Ngayon lang kayo nakarating?!" tanong ni Inspector Lauren.

"Pasensiya na po kayo nadelayed kami."

Natagpuan ni Mrs. Claridel si Kelly sa isang sulok ng kwarto sa hospital nakatulala at umiiyak na tila natrauma sa nangyari sa kanila ng kuya niya. Nilapitan niya ito.

"Ikaw si Kelly Collin diba? Nandito ako para Tulungan ka. Matalik kong kaibigan ang kuya mo at nakakalungkot ang nangyari sa kanya." dahan-dahan siyang lumapit kay Kelly ng paluhod hanggang sa niyakap niya ito ng mahigpit.

"Nakita ko si BLACK ROSE. Siya ang pumatay sa kuya ko. Hindi ko siya mapapatawad!"

Lungkot na lungkot siya at humahagulgol sa galit!

"KUYAAAA kooo!!! At wala akong nagawa, hindi ko siya nagawang iligtas. Guhhuhu!"

Tiningnan siya ni Mrs. Morris..

"May magagawa ka Kelly! Gusto mong malaman, nadito ako dahil kung gusto mo ng hustisya para sa kuya mo para hulihin si BLACK ROSE diba?"

"Ano po ba ang dapat kong gawin?!"

"Maging isang agent ng National World Trade Agency isang malaking organization na pinagtatrabahuhan namin ni Kenny ang kuya mo. Tungkulin naming hulihin ang lahat ng mga illegal na aksyon at kay BLACK ROSE. Kaya kapag sumama ka sa amin mahuhuli mo siya."

"Subalit masyadong pa po akong bata para pumasok sa ganyan at hindi ako Katulad ng kuya ko na matalino at magaling."

"Sa organisasyon ito kahit anong edad, matalino ka man of hindi, lahat dito ay pantay-pantay lang ang turingan walang pinipili. At isa lang ang Tungkulin ang maitama ang lahat ng mali."

"Opo! Gagawin ko ang lahat para sa kuya ko, hustisya ang kailangan ko para sa kanya. Sasama po ako!"

***Dreaming

Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon