Please .. Vote and Comment po ^_^
Thank you po sa lahat ng nagbabasa ^_^
----------------------------------------------------------------------
Cessca POV
Andito parin ako sa office ko ng magring ang cellphone ko..
RING RING~~~
~Yvon Calling~
Pagtingin ko sa cellphone ko si best pala kaya sinagot ko na.
"Hello"
"BEST!! where are you??" sabi nya
"Here at my Resto .. Why??"
"Nothing .. I just want to know bye!!" sabi pa nya tsaka ako pinatayan..
Anyare dun? Pinagpatuloy ko nalang ang ginawa ko kanina.. Hay ang dami ko pang tatapusin namimiss ko na sila .. Hay makauwi na nga lang mamaya sa bulacan sobrang namimiss ko talaga sila hindi ko naman kasi sila pwedeng isama dito sa maynila dahil baka makita pa nya sila .. yun ang hinding hindi ko hahayaang mangyari, di bale ng hindi ko sila makita araw-araw wag lang nya silang makita at-
"BEST!!!!"
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng office ko at niluwa nga nun ang aking pinakamamahal na BestFriend , meet my beautiful BFF Sandra Yvon Ponteras ^_^
(Sandra Yvon Ponteras at the side ^_^ ---->)
"Yvon What are you doing here .. you know i have alot of work to do right..??"
"Best naman eh dinalhan nga kita ng lunch ohh.. Wla manlang bang TY jan??"
Parang nagtatampo pang sabi nya..
"Okey thank you po sa lunch.. Pero Yvon alam kong may iba ka pang kailangan kaya ka andito.."tinignan ko naman siya at tama nga ako may kailangan siya sakin kaya siya andito hindi kasi siya matatingin sakin ng diretso.. Emposible kasing dinalhan lang nya ako ng lunch dahil alam kong masyado siyang busy sa pag momodel nya ..
"Eh kasi .. Sabi ni bebe Ruiz ayain daw kitang umuwi sa Bulacan , namimiss ka na daw nila..!!"
Napabuntong hinanga na lang ako. Alam ko naman yun eh kaya nga pinipilit ko ng tapusin lahat ng dapat tapusin dito sa Resto para makauwi na ako bukas dahil kahit ako sobrang miss ko na din sila..
"Uuwi naman na ako bukas eh.. talagang si kuya oh naabala ka pa tuloy..!!"
"Ano kaba best wala yun no ikaw pa malakas ka sakin eh hahah ..Tsaka namimiss ko narin naman sila eh .. kaya sabay na tayo umuwi sa bulacan .. miss ko na din kasi si bebe Ruiz ko eh haha"
Oo nga pala Andrei Ruiz Bernadicto ang buong pangalan ng kuya ko at girlfriend nya ang bestfriend kong si Yvon..
"Okey bukas punta ka na lang sa bahay after lunch, Yung kotse ko ang gagamitin ha..!!" pag siya kasi ang nagmamaneho akala mo nasa lamay kami sa sobrang bagal, lagi pa nyang sinasabi 'Mas mabuting safe' kaya pag kasama ko sya hindi ako pumapayag na siya ang magdadrive dahil baka next week pa kami makadating sa pupuntahan namin.. (-_-")
"Oh Tsupi na ..!! Ang dami ko pang tatapusin ngayong araw para wala ng istorbo pag umuwi na tayo sa bulacan.."
"Grabe ka best..!! Pinagdala nga kita ng lunch eh.. Syemper share tayo no.. hindi pa kaya ako naglalunch tumakas nga lang ako sa manager ko eh.. tapos paaalisin mo na ako agad..!!" Nakapout pang sabi nya hindi ko tuloy maiwasang mapangiti alam ko naman kasing maglalambing ang bestfriend ko.. Medyo matagal na din kasi simula nung huli naming pakikita..
"Hahaha Oh sige na dalhin mo na yan sa dining table ng makakain na gutom na rin naman ako at wag ka ngang mag pout di bagay sayo... hahahaa"
"Anu ka sabi ni Bebe Ruiz ko ang cute cute ko daw pag nagpapout ako eh"
"Sus binobola ka lang un hahaha" pero totoo namang cute sya pag nagpapout sadyang gusto ko lang syang asarin haha..
Nagkwentuhan pa kami habang inaayus ang pagkain sa table ng bigla syang magsalita..
"Hmmm.. best wala ka ba talagang balak na ipakilala sila sa daddy nila..?? Hmmm diba? syempre hindi mo naman maitatago yung 4 ever .. maghahanap parin sila ng da-"
"Wala akong sasabihin sa kanya kahit kaylan hinding hindi ko yon gagawin ..!! Buo na ang desisyon ko nuon palang kaya please lang Yvon wag na nating mag-usapan pa ayoko ng isipin pa yon.."
"Okey.. Sorry.." Nakayokong sabi nya..
"It's okey come let's eat.. Alam kong gutom na yang CROCODILE mo hahaha.." Pag-iiba ko ng usapan hindi naman ako nagalit sa kanya alam ko namang nagmamalasakit lang sya sa kanila pero ayoko lang talagang pag-usapan..
"Grabe CROCODILE talaga..!! Hmmmp Okey Let's eat" Masayang sigaw nya.. napangiti na lang ako sa inasta nya haha ang Bestfriend ko talaga ^_^
"Nga pala sabi pa ni BEBE Ruiz ko bumili ka daw ng dalawang cake bago tayo umuwi sa Bulacan .. hindi niya na sabi kung para san eh pero sure akong para sa kanila yun hahaa.."
"Baka may na achieve ulit sila kaya may price ulit sila kay kuya pero dahil uuwi tayo dun ako na lang ang magsusuprise sa kanila ^_^" Siruro nga may ginawa ulit silang na kakaproud kaya ibibili ko sila ng pinakamasarap na cake ^_^
"Hmm siguro nga haha.."
Abangan ang susunod na kabanata.. hahaha
Please .. Vote and Comment po ^_^
Thank you po sa lahat ng nagbabasa ^_^
SimpLengAKO<3
BINABASA MO ANG
Come Back To Me My Queen
Teen FictionMas pinili niyang magpakalayo sa mga taong nanakit sa kanyang damdamin upang makalimot sa sakit na ibinigay sa kanya ng kanyang minamahal... Pero pano kung makalipas ng apat na taon bigla na lang kayong magkikita sa hindi inaasahang araw.. Kung kayl...