Chapter 01
CLAUDY MARASIGAN
"Tapos alam mo, Ulap. Binabasa ko na ngayon ang HIH kyaaa!!" Nakangiwi akong nakikinig kay Sunny. Kanina pa kasi ito dada ng dada sa tabi ko tungkol sa mga storyang nababasa niya daw sa 'WHOpad'
"Iba na naman?pabasa mo yan sakin baka isang araw ko lang yan" nagyayabang kong sabi habang bitbit ang bola ng Volleyball. Nakatambay kami sa labas ng school habang kumakain ng kwek kwek
"Aray! Bat kaba nangungurot?" Angil ko sabay layo sa kanya ng kurutin niya ako sa braso
"Gago! Tatlong season yun tapos iisang arawin mo lang? Kingina para mo naring sinabing fake wattpader ka! Di mo talaga ginamit yung account na binigay ko sayo noh?" Grabe talaga ang bibig ng babaeng toh! Machine gun na masama. In short putak ng putak namay kasali pang bad words.
"Anong hindi? Ginamit ko uyy! Marami na akong friends saka follower dun! Tapos ang gwapo ko pa dun sa profile ko, maraming likes!" Pagsisinungaling ko. Bukod sa FB account ko at ML account, wala na akong account maliban nalang doon sa WHOpad account na binigay niya. Weyt.....dikaya ....yun ang account na tinutukoy niya! Fadge!
"Gago, gago! Ulap naman!!!! Anong akala mo sa WATTPAD? Facebook? Instagram? Snapchat? Twitter? Pano ka magkakalikes don?!!! Sinungaling kang kumag ka!" Sigaw niya sabay bato ng science na libro sakin. Ouch!
WATtpad pala yun? Kala ko WHOpad! Hekhek...corny.
"Hoy! Hoy Sunny!" Tawag ko kay Sunny ng maglakad ito paalis
"Kingina! Wag mokong kausapin! Galit ako sayo!"sigaw niya pabalik
"Wala akong pake kung magalit ka! Bayaran mo yung kwek kwek na kinain mo uyy!" Sigaw ko ulit. Kagat labi siyang bumalik at binayaran ang kwek kwek na kinain niya.
"Manong bigyan mo yang sinungaling na yan ng sandamakmak na katotohanan! Taena niya! Sinungaling na ULAP!" Sabi niya doon sa nagtitinda
"Manong suklian mo yan ng katahimikan. Napaka ng bunganga kala mo naman katotohanan ang lumalabas sa bibig." Sabi ko rin doon sa nagtitinda. Ganyan kami palagi, nagpaparinigan.
"Manong pakisabe–"
"Neng, di ako missingir. Taga tinda lang ako dito. Naku! Mga kabataan talaga ngayon! Di katulad ng mga kabataan
noon— blah! Blah! Blah!" Ayon blah, blah, blah, nalang naririnig ko ng mag walk out si Sunny."Bwesit! Di nalang naging Dark Montero na Gentleman! Di nalang binayaran! Arrgh! Leche talagang Ulap yun! Leche siya! Leche! Sperm!" Rinig ko pang himutok niya
Sino na naman DARK MONTERO yun? Bagong manliligaw niya?
Tsaka SPERM? ang bastos talaga ng bibig ayyts!Napailing nalang ako, that is SUNNY AVELINO. My bestfriend since we were 10 years old.
Last year, magkalayo ang klasrom namin but still sabay parin kaming umuuwi, and this Year magkakaklase na talaga kami kaya sabay kaming pupunta dito sa school at sabay rin kaming umuuwi.
Magkakapitbahay kasi kami, ang papa ni Sunny ay kasosyo ni papa sa negosyo samantalang ang mga mama namin ay mag 'amiga'
"Captain C!" Napalingon ako kay Chester. Kasama ko sa Grupo ng Volleyball
"Ohh?" Tanong ko sabay subo ng huling piraso ng kwek kwek
"Si araw may kasagutan na naman sa may Court ng basketball" Pagbibigay balita niya. Napakamot ako sa ulo. Si Sunny na naman ang tinutukoy niya, kakaalis lang nung babaeng yun may kaaway na agad? Sabagay...palagi naman yun.
BINABASA MO ANG
Sweeter than Fiction [On-hold]
Подростковая литератураAng istoryang ito ay inaalay ko sa mga hinahangaan kong author. Ang pangalang nababanggit ay hindi akin at kinuha ko lamang ito sa mga karakter ng paborito kong akda.Maliban nalang sa pangalan ng karakter ko. Ang mga pangyayaring magaganap dito ay p...