Entry # 63

9 1 6
                                    

Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa 'yo. Basta isang araw na lang napansin kita at naisip kong gusto kitang maging 'crush. ' Bakit?  Mukha ka kasing malinis kapag naka-uniform.  Ayun.  Yun lang talaga yung dahilan.  Hindi ka naman sobrang gwapo,  ni hindi ka nga maputi.  Pero may hitsura ka 'wag kang mag-alala. Hindi rin makinis ang mukha mo, may mga bakas lang ng mga paghihirap.

Tapos nakagroup kita sa team building.  Hindi ka maarte sa pagsali sa mga obstacles.  I even saw you na naghu-hullahoop.  Nakakatuwa.  Kaya kinabukasan,  sinabi ko sa isang kaibigan ko na crush kita.

Nagtuloy-tuloy na ang pagkagusto ko sa 'yo. Hindi ko sinasabi sa mga kaibigan ko kasi tiyak na uubuhin silang lahat kapag magkakasalubong tayo.

Naging partner ko sa publication ang classmate mo.  Naging maliksi ako kasi makikita kita lagi. At 'yun nga ang nangyari.  Tuwing tanghali or may vacant ako at wala kayong klase,  pumupunta ako sa room niyo. Para makipag-usap kay partner at the same time,  makasilay sa 'yo.

Hindi ko rin alam kung bakit tingin ka nang tingin noon.  Kaso naalala ko na alam mong may gusto ako sa 'yo. Ang tendency,  titingin ka rin sa 'kin pero hindi mo ako magugustuhan. Ang saklap ng buhay. Mahirap kayang pumunta sa room niyo na mag-isa tapos wala akong kasama. Magkaiba kasi tayo ng program kaya okay na rin siguro 'yon.

Isang araw,  nakasabay ko ang kaklase ko sa jeep.  She said,  "Parang siya magulo. " Tapos sabi nung kausap niya, "Ah.. Parang si ano. " Binanggit niya ang surname mo.  Hindi ko pinahalatang nagulat ako.

Then,  I realized hindi lang pala ako ang may gusto sa 'yo.  Anong laban ko roon,  maputi,  maganda,  matalino,  sexy (Sadya!),  at may kaya rin sila. Samantalang ako,  may airport lang sa ulo.  Walang panama. 

Umabot pa nga sa punto na naisip kong magka-chat kayo kapag online kayong pareho. Hay nako!

Nauso yung profoundly,  gusto kong i-message ka kaso wala akong maisip na mensahe kaya nauwi na naman ako sa what ifs.

Maggagraduation na, baka naman gusto mong magpapicture tayong dalawa ano?  O kaya kahit isang wave lang!  Mag-chat ka naman! I know na alam mong may crush ako sa 'yo. Dahil nga baliw ang mga kaibigan ko, kapag malapit ka panay ang banggit nila sa pangalan ko.  Syempre knows mo na kung bakit. Tapos,  baliw rin yung babae sa landbank.  Tanda mo, noong kumukuha tayo ng atm,  magkaharap tayo sa upuan.  Parang nagpaparehistro sa kasal. Syempre, napilitan kang umupo kasi sinabi nung babae.  May picture nga pala tayo noon.  Mabilis ang kamay ng kaibigan ko,  nakuhanan agad tayo. I know you can't read this.  Malakas ang loob ko kasi I am sure na hindi ka nagwa-wattpad. Facebook nga bihira e.  Goodluck na lang sa 'yo sa darating na future ha. Kapag nagkita tayo in the future at single tayo pareho, 'wag ka nang mahihiya ligawan mo na 'ko.




 

-Babaeng bagong rebond






#

OblivionWhere stories live. Discover now