Entry # 66

10 1 1
                                    

Kemeng Juan Gomez de Liaño

May kinabaliwan akong story entitled Just the Strings. Ang sherep kasi nung bidang lalaki. Tapos nalaman ko pang nag-e-exist palang talaga ang mga Gomez de Liaño. Kaya ayun, mas lalo akong naloka. Grabe kasi si Juan GDL,  nakakainlab. <3

So this is how it goes.


You have the same hairstyle with  Juan GDL. Matangkad ka,  medyo dark ang kulay ng balat, maganda ang mata, in a nutshell gwapo.

You're an employee sa tindahan ng mga school supplies. Madalas kami doon kasi mura ang mga paninda.

Magpa-final demo kami noon ng naisipan naming bumili ng mga kailangang gamit. Nasa cartolina section ka. I noticed your hair tapos naisip ko si Juan.

Ewan ko ha pero kasi ang silly ko noong mga panahong 'yon. Tanga-tangahan kumbaga.

I'll say something then you'll smirk,  smile, and laugh. Ang pakiramdam ko noon natatawa ka sa mga sinasabi ko.

Kahit wala na akong bibilhin,  gusto ko pa ring manatili sa side na 'yon kasi andoon ka.

Tapos kinilig lalo ako ng bongga sa 'yo. Paano? Naghihintay na ako sa labas ng store noon,  lumabas kayo kasi magbubuhat kayo ng mga bond paper.

Hindi ko alam kung ako lang at umiral na naman ang pagiging assuming ko pero kasi naman.. nagbubuhat ka tapos nung nakita mo ako tumawa ka.

T___T

Nakakatawa ba ako?  May isinulat ako sa diary ko nung mga panahong sobra ang pagpapantasya ko about you.

I have a new crush.  That guy from trinity. The one who has the same style of hair to juan gdl.😳😳 Tinatawanan ang katangahan ko

-March 8, 2019 6:50 pm

Kilig na kilig ako ng mga panahong 'yan.

Ikaw ang motivation ko sa final demo ko. Sabi ko sa sarili ko,  babalik talaga ako sa Trinity kapag nakatapos ng FD. Kahit hindi ko kailangan ng chip board at cartolina,  bibili ako para makita ka.

Ang kaso, pagbalik ko bakit wala ka?! Nanlumo ako ng bongga. Tapos naisip ko na baka nakain ka lang sa taas o kaya nagluluto. Pwede ring absent kasi maysakit. Pero nakita ko sa labas ng store na naghahanap sila ng BAGONG trabahador!  Nakasulat ulit sa diary ko 'to.

Nagpunta kaming trinity.  Ang kaso, wala si Juan.  May iba na don.  Tapos nakita kong may nakapaskil na naghahanap ng trabahante.  Umalis na siya😢 Bakit ganon,  basta may involve na tinda sa crush ko,  nawawala sila. Lantay na lantay ako pagdating kasi wala siya.  Ang lungkot.

-March 14, 2019 8:28 pm

'Yan,  grabe. Wala ka talaga. After a week,  I came back sa store tapos wala ka pa rin. Nalaman ko rin na girlfriend mo yung babae sa counter. Bakit ka umalis?  Nagbreak ba kayo?  Nasaktan ka ba ng sobra kaya umalis ka? Asan ka na?  Ni hindi ko alam ang pangalan mo! T______T

Nasaan ka kasi?

-Trinity girl

OblivionWhere stories live. Discover now