Chapter 5 >> The Nerd.

115 3 0
                                    

Dylan’s POV

Nakatago ako sa isang shed malapit sa bench kung san siya nakaupo. Mukhang problemado si

Theabebs. Argh. Wag ko lang malaman laman na yung jerk na varsity na yun ang dahilan.

Malilintikan talaga siya sakin.

Sayang tuloy yung ganda niya. Puro pawis na. Mukha pang kinakabahan. Anong nangyari dun?

Nakakaturn-off tuloy ng bahagya. Parang tinatawag siya ng nature. Kaya ba pawisan na? Diba

ganun yun? Hinahagod niya pa yung lalamunan niya. Kawawa naman si Theabebssss.

*ring* *ring*

Kinuha ko yung phone sa knapsack ko. Si Nat lang pala.

“Yes?” tanong ko agad. Wrong timing talaga tong babaeng ‘to!

[Anong yes? Anong oras na ba mokong? Baka naman nakalimutan mo na kung anong meron ngayon!] sermon naman ni Natalie.

God. I almost forgot my bestfriend’s 17th birthday. Ngayon nga pala yung party. =______="

“Uh- hindi ah! I’ll come, parang every year naman diba. Actually papunta na nga ako e. Traffic lang talaga.” Pagdadahilan ko naman. Iba pa naman magalit to, parang leon, nangangagat.

Ayoko talaga pumunta sa party niya. Pool party kasi, it’s not that I have no abs,

yun na nga lang ata ang ipinagkaloob sa akin ng Diyos, pero ang dami kasing tao. Nakakahiya. I not into parties, people. >_______>

“Oh! Tobeg kayu deyan! C2! Coke! Isprayt” biglang sigaw naman nung lalaking naglalako.

Shit. Patay ako neto. She's still on the phone! 

[Papunta na pala ha! Asan ka ba talaga? Don’t tell me tinutuloy mo pa din yung pagiging stalker mo kay Thea! Ilalampaso ko talaga yang braces mo sa pader!]

“Hindi ako stalker, Nat. I’m a suitor.” Pagtatama ko sa kanya. Hindi naman talaga ako stalker e. Nililigawan ko—No. I mean gusto kong ligawan si Thea. In God’s time.

“Duuh. Shut up, nerd. Umalis ka na nga diyan! You need to be here 7 pm sharp.” yun na lang ang sinabi ni Nat then binababa niya agad yung phone.

Shit. Shit. Shit. I can’t just leave Thea here. Ang dami-dami pa namang mukhang manyak dito. Tsk.

“Kuya! Mineral nga!” tawag ko dun sa naglalako.

Pagkabayad ko, agad akong nagdasal ng 3 Our Father at 2 Hail Mary. Sana tanggapin niya.

Kinakabahan na talaga ako. Mukha tuloy akong bakla. -____-

Lumakad ako palapit. Pacharming pa ang itsura ko, kaya lang di ko malabas yung ngipin ko, kasi color purple yung braces ko. Darn it,  so gay.

Ayoko namang maturn off agad sakin si Thea. Sabi nga nila, first impression lasts.

Feeling ko mas malamig pa ako sa mineral na hawak ko nung mga 5 na ruler na lang yung layo ko sa kanya, and this time nakatingin na din siya sa akin.

Pero halatang-halata na nawiweirdohan siya sakin.

Lord! Kunin niyo na ako!

Lamunin na lang sana ako ng lupa.

Ayaaaan naaaaa! Be brave! Wag na wag kang mamumula Dylan!

Have mercy on me God.

Bless me please.

PLEASE! PLEASE!

Once in a Blue MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon