01

21 2 0
                                    

Nakasubsob parin kami sa librong binabasa namin habang hinihintay ang sunod na teacher. Habang ang iba naman ay nasa kaniya-kaniya paring mundo na kami lang ata ang nagbabasa.

Sabihin na nilang nerd kami. We don't care. Hangga't alam naming hindi kami nerd.

"Dude, anong chapter ka na ba?" Saglit na tanong ni Clay sa akin. Tinignan ko naman kung anong chapter na ako.

"17. Lesson 3."

'What? 'Di ko namalayan.

"Same pala tayo." Nakangiting aniya.

Isa sa pinaka paborito kong subject ay itong Physics na kasalukuyang binabasa namin. Wala namang bago nag-upgrade lang kumbaga.

Lumipas pa ang ilang minuto ngunit biglang tumunog ang pinto at isinara iyon ng may pwersa. Lahat sila ay nakatunghay sa may pinto pero kami ay sa libro parin.

Ganito kami kawalang interes sa aming paligid kaya kapag kung ano na ang nagyayari ay wala parin kaming pakialam.

Dumeretso sa harapan ang sumunod na teacher at parang terror ang aura nito.

"You." Turo niya sa likod. Isinara na namin ang librong binabasa namin ni Clay at itinuon na sa harapan. "Answer this simple question. What does DNA stand for?." Deretsong sabi nito.

Napansin kong enjoy na enjoy niya ang ginagawa niya sa kaniyang mata.

Tss...nagpapaka terror lang...don't hide it sir...mabait ka alam ko.

Tumayo naman ang itinuro nito ngunit bakas sa mukha nito ang kaba.

"D-dioxyribonucleic Acid. Sir." Utal niyang sabi sa teacher. At mukhang umaliwalas naman ang paningin niya.

"Very Good." Baling niya dito. "I think, I don't need to introduce my self." Malumanay niyang tugon sa amin. Kumunot naman ang mga noo ng iba samantalang kami ni Clay ay nakatungo lang. "That's my name." Mariing dagdag niya pa.

'What?'

Karamihan ay nagulat sa amin at napa whoa pa ang iba. Nakakabelieve naman na may ganyan palang panglan.

"Yes, students. But you can call me Sir DNA. 'Yan kasi ang karaniwang tawag sa akin sa pinaggalingan kong school. And I am expecting a good performance from you class A." Nakangising sabi pa.

Hindi parin makapaniwala ang iba ngunit ako...tsk it's just a name.

"Bring one piece of one forth and right your name. Then pass."

Nagsilabasan naman kami ng isang one forth na papel at ipinasa naang matapos namin iyon.

"Our class will start tomorrow. I will be your physics I. And expect that this class will drag you to hell." Nakangisi parin niyang tugon sa amin at saka ito tuluyang isinara ang pinto.

Lahat ay nakatingin parin sa harap ngunit karamihan ay kabado dahil sa inasta ng teacher na 'yon. Tumayo nalang kami ni Clay at dumeretso sa cafeteria para mananghalian.

Habang nasa kalagitnaan ng daan ay may mga bulungan parin kaming naririnig at hiyawan. We got used to it. Ano pa nga ba?

Sa 'di kalayuan ay natatanaw namin ang mga nagkukumpulang mga estudyante at animo'y may nag-aaway. Nagsisigawan at nagchi-cheer pa ang iba.

Nang mapadaan kami sa kanilang gawi ay hindi parin sila tumitigil at wala akong pakialam doon. Tinignan ko naman saglit si Clay at nakatingin na rin siya doon.

"What's happening dude?" Nakakunot na tanong niya ngunit doon ang baling niya.

"Dunno?" Nagkibit balikat nalang ako. Ang iba sa mga estudyante ay napatigil dahil sa aming presensya na karamihan ay mga babae.

BIPOLAR GIRLFRIEND?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon