Chapter Two

10 1 1
                                    

Present Time:

               Someone's Pov

     Nandito ako sa itaas ng  mayabong na puno, nakaupo at pinagmamasdan ang paligid. Nakamasid kung ano ang mga nangyayari sa kapaligiran. Inaalerto ang aking kaisipan at katawan sa anumang mga pangyayari sa nakapaligid sa akin. Tumayo ako sa puno at sinipat ang paligid, sobrang tahimik na nakakapagtaka...anu kaya ang nangyayari??..Bakit ang tahimik...Hindi dapat ito ganoon...

    "Bulaga..!!"- muntik na akong mahulog sa kinatatayuan kong puno ng may marinig akong boses malapit sa aking kaliwang tainga....Lumingon ako sa kinaroronan ng boses at tinignan ng masama ito...

   "Oh anu...anung tingin iyan hah...anung ginawa kong masama sa iyo... Wala naman ah.-  inosenting sabi nya...

    Yan...dyan siya magaling sa pagiging inosente...walang alam sa mundo kuno...Hayy.. 

   Bumuntong hininga na lang ako at inikot ang mata ko...Wala talaga akong magagawa sa kanya..Ganyan na talaga siya..

   "Anung ginagawa mo rito?? At bakit mo ako natuntun...??- tanong ko dito...

   "Wala ng mga tanong tanong, pinapatawag ka niya..at NGAYON NA DAW..."- sabi nito na may pa lagot lagot pa ito..

     Hayy..anu na namang kailangan niya...Hindi pa ba ako tapos...Akala ko ba nakapasa ako..

   "Mauna ka ng pumunta doon. Sabihin mo sa kanya pupunta ako..."- Sabi ko at ibinalik ang tingin ko sa harapan ko...

    "Bahala ka, bilisan mo lang."- Siya at saka ito umalis..

      Matagal din akong namalagi doon sa puno ng maisipan kong umalis na at tumungo na sa kinaroroonan nila...Ilang sandali pa ay nakarating na ako at sinalubong ako ng tahimik pero napakamisteryosong awra ng paligid. Kung unang beses kung mapunta rito, baka ako'y kumaripas na ng takbo paalis sa lugar na ito dahil sa awra ng lugar na ito..Pumasok ako sa loob at nadatnan ko ang aking mga kasamahan na nag-uusap usap.

    "Bakit ba sobrang tagal mo ha.??."- Tanong sa akin ng babaeng nakasuot ng puting kasuotan kagaya ng payapang kulay ng langit.

   "Wala, bakit kayo narito pinatawag ba din kayo Evolet.??"- Tanong ko dito...

  Tumango lang ito bilang sagot. Bumaling ako sa gilid ko at nakita ko si Dharrhya, nakasuot ito ng kasuotang kulay bughaw gaya ng  kulay ng mabagsik na dagat at tubig.

    Ngumiti lamang ito para ipakita na ramdam niya ang presensya ko.. At sinuklian ko ito ng tango..

    Napabaling ang atensyon ko sa babaeng kaharap ko ngayon na nakabusangot ang mukha...

     "Ang tagal tagal mo talaga.."- sabi nito at saka tinalikuran ako. Hayy...wala talagang pag-asang magbago ang babaeng ito...Siya si Keena ang babaeng nakasuot ng pulang kasuotan kagaya ng nag-aalab na apoy..

     

      At ako naman ang babaeng may suot ng kayumangging kasuotan katulad ng mapanlinlang na kagubatan. Ang babaeng nagngangalang Mauriganne...

   Ang mga babaeng sana'y makapagpabago..

Makapagbigay ng pag-asa....

 

   Makakapagbukas ng iyong mata..

      at

   Makakapagpabago ng iyong pananaw

Sa mundong ating ginagalawan...

     Evolet.....

     Dharryia...

     Keena

   At ako si Mauriganne...

   Sa mga kamay namin kayo hahawak....

     Ang aming mga paa ay inyong matatakbuhan....

    Mga tenga namin ay hindi bingi sa mga hinaing ninyo..

 Ang aming mga mata ay hindi magbubulag-bulagan sa katotohanan...

Kami ang inyong magiging bibig sa inyong mga piping hinanakit sa mundo..

     

   At kami ang tutulong kahit huli na ang lahat para sa inyo..

 

Strange MagicWhere stories live. Discover now