Chapter One

18 2 1
                                    


2001

  
    "Mga mahal na reyna kailangan niyo na pong lumikas, iyun po ang ipinag-uutos ng mga mahal na Hari"- balita ng isang tagabantay sa apat na kinikilala nilang mga reyna..

  "Hindi!, Hindi kami aalis nang hindi kasama ang aming kabiyak"- turan ng reynang bakas sa maamong mukha nito ang galit.

    "Oo tama si Kaia, Salvador, hindi kami aalis lalo na at kasagsagan ng digmaan"-sabi ng reynang halata sa mukha na pinal na ang desisyon.

  "Pero mga mahal na reyna, papaano po ang inyong mga dinadala, ang inaalala lang naman namin ay nagdadalang-tao kayo."-tugon ng tagabantay na nagngangalang Salvador.

     "Baka nakakalimutan ninyo at ng mga Hari na, hindi lang kami mga basta basta. Tandaan nyo Reyna nyo kami. Kami nina Kaia, Faye, at Selene."- madiing sagot ng isa pang Reyna kay Salvador.

   "Thalia, Kaia, Faye sundin na lang natin kung ano ang nararapat at iyun ang pag-alis. Wag nyo nang pagsabihan pa si Salvador"- malumanay na turan ng isang reyna.

   
     Panay pa rin ang naririnig na pagsabog sa labas ng Palasyo, ito ang patunay na hindi pa tapos ang digmaan sa pagitan ng kasamaan at kabutihan. May pagtutol man sa kalooban ng apat na Reyna ay napagpasyahan nilang sundin na lang ang utos nang kani-kanilang kabiyak lalo na't may inaalagaan silang buhay sa kani- kanilang mga sinapupunan.

 
   Sila'y paalis na sana, nang nakarinig na naman sila ng malaking pagsabog, ang kaibahan lang ay mukhang sa loob na ng palasyo nanggaling ang pagsabog, kasabay nito ay ang pagdating ng mga kabiyak ng mga mahal na reyna at isa-isa nitong inalalayan at sila'y umalis.

                      Kaia Pov

 
   Alam kong malayo na kami sa palasyo, Pero hindi pa rin kami tumigitigil sa paglakad, kailangan naming makahanap ng ligtas na lugar para sa amin, para sa aking anak, lalo na't kapanganakan ko na ngayon. Nararamdaman ko na ang paghilab ng sakit sa aking tiyan kanina ko pa ito iniinda pero mukhang hindi ko na ata kaya, lalabas na ata ang anak namin.

     "A-aray, Kristoff an-ang sakit ng tiyan ko..manganganak na ata ako"- daing ko sa asawa ko.

    "A-ano...!"-sya..

  "Ka-kaya mo pa bang maglakad hanggang sa punong iyon"- tanong nya..

   Lumingon ako sa itinuro nyang puno, hindi naman ito gaanong malayo kaya tumango ako, patunay na kaya ko pang maglakad. Inalalayan naman ako ng aking asawa papunta roon.

    "Hindi ko na kaya...pakiramdam ko'y manganganak na ako.."- Nahihirapang sambit ko sa aking asawa..

  "A-ano..hindi pwede?? Mahal ko, papaano kung dumating ang mga kalaban..hindi pa tayo nakakalayo, hindi pa tayo ligtas.."- mahinang turan ng aking asawa..

   Bumuntong hining ako...humihilab sa aking sinapupunan ang sakit...Napapikit ako ng mariin...Manganganak na talaga ako...

   "Ma..Mahal hindi ko na..ta-talaga kay-a..manganganak na ako.."- sabi ko na may kasabay na malalim na paghinga..

    "Pe-pero..ma..mahal"

  Naputol ang sasabihin sana ng aking asawa ng may biglang sumulpot na matandang babae..

   "Matutulungan ko kayo mahal na hari, basta ba't ipapaubaya nyo muna sa akin ang iyong anak.."- turan ng estrangherong matanda.

      Tinignan ko syang mabuti, hindi ko sya kilala, hindi sya pamilyar sa akin...Hindi ko makita ang kaniyang mukha sapagkat may suot itong balabal..itim na balabal...

    "Hindi ko ibibigay sa iyo ang anak ko...Ako ang Hari mo kaya dapat ako'y iyung sundin.."- madiing sabi ng aking asawa..

     Nagulat ako ng humalakhak ito ng napakalakas tila ba sinasabi nitong biro ang tinuran ng aking Hari...

  "Hindi mo kilala ang iyung kaharap Hari, ako'y nandito lamang para kayo'y tulungan"-Ani nito...

     Sino ba siya, ba't parang ang sobrang misteryosa nito...

    "Aaaahhhhh"- Sigaw ko, sumasakit na ang aking tiyan...

   Kaya napabaling ang atensyon nilang dalawa sa akin...

    "Ano Hari, tatanggapin mo ba ang aking tulong...nahihirapan na ang iyung kabiyak...at paparating na ang inyong mga kaaway"- sabi ng estranghera... Na nakatingin sa kanluran...

   Pumikit ako ng mariin...ang sakit...

  "Wag...wag mong ibibigay ang anak natin sa kanya.."- sabi ko sa asawa ko..

   Tumawa na naman ang estranghera...

"Hindi ko aakalaing sobrang tigas pala ng mga ulo ninyo..kayo na ang tinutulungan ayaw nyo pa..."- matigas na sabi nito..

    "Anak namin sya bakit namin sya ibibigay sa iyo."- Ako..

   Gusto kong makaligtas kami, Gusto kong mabuhay ang anak namin...

     "Hindi namin kailangan ang tulong mo, kaya umalis ka na..hindi namin ibibigay ang aming anak sa iyo.."- Sabi ng aking Hari.

   Napapikit ako ng mariin, ramdam ko papalapit na sila, malapit na ang aming kalaban..

Humakbang na ang estranghera papaalis na ito ng pigilan ko...

"Te..-teka...si..sige ibibigay namin ang anak namin sa iyo..pero ipangako mong magiging ligtas sya..."- ako, hindi ko mapigilang mangilid ang aking mga luha...

   Ang anak ko...mawawala sya sa piling ko...

     "Pe..-pero Kaia...hindi natin masisiguro na ligtas sya sa kamay ng estrangherang iyan..hindi natin sya kilala.."- may pag-alalang sabi ni Kristoff..

     "Ligtas sya sa akin, iyon ay pangako..."- maikling turan nito..

  Hinarap ko naman si Kristoff..puno ng luha ang aking mata...Nang magtama ang aming mata puno ng pangamba ang sumasalamin sa kanyang mga mata...

   "Nararamdaman ko Kristoff, hindi siya masama...nasa mabuting kamay ang ating anak"- mahinanag sabi ko sa kanya at pinagdaop ko ang aming mga palad at kasabay noon ang malakas kong sigaw at napuno ng liwanag ang lugar... Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng isang iyak...

  Iyak na nakapagpuno sa aking puso...umaapaw sa tuwa at galak..

  Ang iyak ng aking anak...

"Kailangan ko na syang kunin..malapit na ang inyong mga kaaway......wag kayong mag-alala sa takdang panahon magkikita kayo..."- hinagkan ko ang noo ng aking anak at saka ibinigay muna kay Kristoff ang anak namin at saka nya ito hinalikan sa magkabilang pisngi..bago ibigay sa estranghera...

       Papaalis na sana ang Estranghera ng pinigilan ko ito...

  "Sana tuparin mo ang pangako mo..Sana ibalik mo sya sa amin.."-ako...at nakita ko naman syang tumango ng marahan..

  "Ma..Maari ko bang malaman kong sino ka??"- mahinang sabi ko...

    Nagulat ako ng tinanggal nya ang kanyang balabal..at lalo nang noong sya ay magpakilala..Kahit nanghihina ay kami ay lumuhod upang magpakita ng pagrespeto sa kanya..

   

       

    
    

   
    

  
     "Artemis, ang ngalan ko. Ang Dyosa ng Kalikasan at Buwan.."- at kasabay ng kanyang pagturan ay naglaho siya..

  Kasama ng aking pinakamamahal na anak..

  

   

  

Strange MagicWhere stories live. Discover now