Chapter 8: Braid

5 1 0
                                    

Another day na naman na napaisip ako kung totoo nga ba yung kasabihan na sinasabi ni Reena na kapag daw may nagbigay sayo ng panyo it means papaiyakin ka niya..
Kayo ano say niyo? Totoo ba yun? For me I doubt it.

Hays eto ako ngayon nakahilata lang sa aking munting kama..

Ay hindi pala.. Sa AMING kama hahahaha oo magkakatabi pa rin kami matulog ng mga kapatid ko at lola ko...

Yah I know sa mga nakakarelate jan.. Ang hirap ng walang privacy ano? Hahaha di ka pwede magdrama kasi wala kang sariling kwarto!

Pero I don't mind naman kasi masaya naman na magkakatabi kayo ang kaso kasi mainit jusme! Tapos pag tulog ng maaga syempre kelangan sumunod kundi sa sala ka matutulog hahahaha kaya lang minsan talaga pag tinotopak ako gusto ko magbasa ng watty eh tas magpakapuyat! Hahahaha

Syempre kunyari isang chapter nalang pero tayong mga wattpaders ay hindi marunong makuntento hahahaha kaya inuumaga tayo kadalasan... Pero sakin.. Sorry!! Pero di ako nagpupuyat no! Hahahaha kaya ko tiisin ang temptasyon na magbasa ulit!

Sila mama at papa kasi nasa abroad nagtatrabaho kaya andito kami naiwan mga magkakapatid...
Kahit ilang taon na sila dun di pa rin kami yumayaman kasi mayaman kami sa utang kaya kinailangan na dalawa sila dun.. Nakakaiyak man na di kami lumaki na kasama mga magulang namin atleast lumaki kaming matitino diba diba?

Teka bat napunta sa pang MMK to jusme! Change topic hahahaha

Isang linggo na ang nakalipas magmula nang mangyari ang di inaasahang pagtulo ng walang modo kong laway at isang linggo na rin ang nakalilipas magmula ng mawalan ako ng gana mag aral.. charr..

Pano ba naman kasi mga atih!

Tong bwiset na Ryan na to! Walang ibang ginawa kundi bwisitin ang nananahimik kong buhay.. Wala sigurong araw na di niya ako binuwiset! Kesyo inaasar ako na mahaba baba?! poste?! patalim?!

Alam kong panget ako pero di niya kelangan ipagduldulan sa pagmumukha ko ang kapangitan ko!! Grr I declare civil war!

Pero ewan ha kahit papano naman kasi nakakabawi siya kasi parati niya pa rin ako pinagtatanggol sa bully kong katabi sa may kanan ko..

Tulad noong isang araw..

"Hoy Ang! Lousy ka naman eh! Bakit ka pa sasali ng C.A.T! Magsasayang ka lang ng oras mo!"-pang aasar sakin ni Lloyd.

(C.A.T - Citizenship Advancement Training..ginagawa ito sa high-school curriculum kahit wala pang K-12..Advance training ito kung gusto mag army or experience lang)

Di ko nalang siya pinansin at kunyari di ko siya narinig at tinuloy tuloy ko nalang ang pag inom ko ng tubig dahil sa pagod kasi kagagaling lang namin sa form ng mga gusto mag C.O.C.C.(Cadet Officer Candidate Course..kung nasan nagsisimula muna bago maging officer sa school..not SSG ha basta tungkol sa Army ganun)

At oo tama kayo ng rinig sumali ako sa COCC hahahaha ewan ko ba pangarap ko to! At diko alam kung ano ba nagtutulak sakin para sumali dito! Kahit mahirap daw! Wapakels!

"Sino may sabing lousy si Ang ha? Yabang mo naman eh CO ka lang din naman ah?"-biglang sulpot ni Ryan sa likod ko.

Dahil dun bigla akong nabulunan
"Accckk aackk *ubo ubo**ubo ubo*"

To the rescue naman si Ryan at marahang hinampas ng mahina ang likod ko at hinagod din niya ito para kumalma kahit papano yung puso ko este ung likod ko sa kakaubo.

"Nu bayan! Dumating lang ako nagkaganyan ka na hahahaha"-asar niya sakin takte kung alam niya lang! Bakit kasi bigla bigla siyang sumusulpot jan! Parang ewan eh! Magugulatin pa man din ako!

TO THE MAN WHO WILL NEVER BE MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon