Rhian's
Malapit na ang showing nang isa sa inaabangan kong movie, syempre leading lady ang inyong lingkod. Kasama ko dito si JM De Guzman. First time ko siyang maka-work, akala ko tahimik lang pero maloko din pala! Magaan siya kasama puro biro pero pag kailangan nang luha, parang gripo ang mata.
Aware ako sa scandal niya noon pero hindi ito naging basihan para magbago ang tingin ko sa kanya, well I idolized him. He is a very talented actor. Siguro nga na-inlove lang kaya napabayaan niya ang sarili niya pero nakabangon naman siya muli.
Kahit break sa shoot magkasama kami para magyosi. Bawas sa stress. Random lang pinaguusapan namin. May time nga nabanggit niya si Angelica P. at ang travel buddy nitong si Glaiza.
My Glaiza De Castro.
Napansin niya na nagbago ang mood ko nung narinig ko ang pangalan ni G, so in.assume na niya na totoo ang chismis parang hindi artista naniniwala sa chismis e. Simula nun lagi na niya akong inaasar. Love nga tawag niya sakin imbis na Babe na endearment namin sa movie.
Nasira ang pagmumuni muni ko nang makareceive nang reply mula kay JM, birthday niya kasi kaya binati ko.
Thank you Shana. Kung wala kang sched ngayon baka gusto mo sumama. Konting salo salo lang kasama ang iba kong barkada.
Timing, free day ko ngayon. Saan ba? May dress code ba yan? 😂
Baliw, wala. Hahaha. Meet nalang tayo sa Quezon Ave. para isabay na kita. Mga 7pm kahit ako may birthday, ikaw ang susurprise ko.
Whatever. See you loverboy
Yes, see you love.
Eto na naman ang pang aasar niya. Di nako nagreply nalungkot ako sa "Love". Bago pako bumalik sa pagmumuni muni ko tumayo nako para maligo.
__
"Ang alam ko birthday ang pupuntahan natin bakit all black ka?" Natatawang tanong ni JM after checking my outfit. Simpleng sleevesless at jeans lang naman ang suot ko itim nga lang lahat.
"Hindi nga rin ako sure e. Basta eto ang sinuot ko. Ikaw nga dapat nakapula ka birthday mo e."
"Nyah ang korny mo po."
"Sino sino pala kasama natin? May kilala ba ako dun?"
"Meron sigurado. Ewan ko lang kung close pa kayo." Tumawa na naman siya, di ata makakausap nang matino to ngayon. Hindi naman sabog.
"Sign of aging ba yan? Bakit tawa ka nang tawa?"
"Natutuwa lang ako, kasama ka. Eto naman.'
"Ang clingy mo ata ngayon. Sinasabuhay mo na si Lio? Hahaha"
"Korny mo talaga Rhi, buti nalang di ako choosy na friend."
"Ang lakas mo mangasar. Bwisit ka. Hindi aakalain napakadaldal mo. Hahaha"
"Nandito na tayo, dilim oh, kunyari walang tao pero ang daming nakapark na sasakyan. Surprise siguro to, kunyari magugulat tayo ha. Para di sila kawawa. Hahaha" Pagbaba niya nang sasakyan ay pinagbuksan naman niya ako, maginoo naman, makulit lang.
Nasa likod niya lang ako nang pumasok kami sa pinto, maganda ang bahay, kanino kaya ito parang familiar.
"SURPRISE!!!!!" Sigaw nilang lahat pero sila rin nasurprise nang makita ako at alam ko na ang surprise ko na sinasabi ni JM, nashook din ako.
BINABASA MO ANG
Kung Paano Siya Nawala
RandomDo You Remember JM's Birthday? ❤ Ang pangyayari na to ay kathang isip lang nang rebelion. Charot charot lang ganon.