Bato sa buhangin

412 17 11
                                    

Glaiza's

Ramdam ko ang init ng araw sa aking mukha, ngayon lang ata uli ako nakatulog ng ganito kapayapa. Ayokong pang dumilat, ayoko pang bumangon-- teka nasaan ba ko.

Pag dilat ko mukha ni Rhian ang una kong nakita, hindi na bago sakin to. Lagi ko naman naiimagine na katabi ko siya. Ang maamong mukha niya. Pumikit ako upang magising sa katotohanan..

Ngunit pag dilat ko bigla kong naalala totoong Rhian pala ito. Naalala ko ang nangyari kagabi.

Bat hindi niya ako ginising?

"You're up na, Love?" Pabulong niyang sabi na nakangiti, mukhang siya rin ay nananaginip pa.

"Hi?" Alanganin kong pag bati kinabalikwas niya.

"Kanina ka pa ba gising? Sorry napalalim ata tulog ko." Sabay pag unat ng mga braso niya. Napangiti ako, ganon pa rin siya tuwing bagong gising.

"What?" Natakang tanong niya sa aking pag ngiti. Tulad pa rin ng dati.

"Ako ata ang napalalim ng tulog, di ka tuloy nakauwi.. Baka gusto mo munang magkape bago tumuloy ng biyahe?" Alok ko.

"Where to?"

"Sa bahay, I've never ask you to have coffee everytime you drop by. Let's change that, our friendship will never be in the past."

"Hey, I'm not protesting here. I ready need that coffee, even from a vendi." nagtawanan nalang kami at bumaba na ng sasakyan.

Hindi ako sigurado kung sino ang nandito sa bahay pero wala nakong pakialam, wala namang malisya magkape.

"Oh Cha bat ngayon ka lang?--" Tanong ni Ate Cristy.

"Good Morning po." Pormal na bati ni Rhian.

"You remember Rhian right? Hinatid niya kasi ako ininvite ko lang din for coffee. Tara Rhi." Sinudan ko naman siya papunta sa clean kitchen nila.

"You're home is homey, homie." Biro niya. Ngayon lang kasi siya nakapasok rito.

"Sira, bihira na lang din may tao dito lahat kami nasa Baler madalas." Inabot ko na ang black coffee with sugar, just the way she liked it.

"Nakwento nga ni Chyns, thanks this smells good." Pikit mata niyang inamoy ang usok ng kape ang humigop ng konti. "And tastes so good!"

"Mabuti nalang wala na sila Nanay bago kayo dumating. Tinawagan mo na ba si David? Kailan daw ang balik niya?" Pasok ni Ate Cristy. Halatang pinaparinig sa aking bisita ngunit bago pa ako sumagot inunahan nako ni Rhian.

"I'm getting married next month, you don't have to worry in anything. We're just catching up as a friend." She showed her right index finger like saying fvcked off.

"May pagkain jan, mag-almusal muna kayo. Aalis na rin ako." Pahiya nalang niyang sinabi at umalis na nga.

Nagtawanan nalang kami at nagkwentuhan, pilit kong inaalis sa isip ko na ikakasal na siya at ayoko rin namang magtanong ng ikasasakit ko.

Ang pagkakape namin ay inabot hanggang tanghalian, di kami naubusan ng kwento parang tulad ng dati. Lambingan lang ang nawala..

"So how thing's with David? Are you planning to get marry soon?" Bigla niyang tanong.

"We're keeping it cool. Kasal? Wala pa. Di ako handa."

"Why?" Tanong niya habang nagccheck ng phone niya.

"Marami pakong di nagagawa na gustong gawin. Regrets na dapat ayusin. Parang wala na nga akong planong, I already did that once, kung matuloy man gusto ko dun sa taong kasama ko magplano." Pahaging ko upang mapagusapan ang nangyari sa amin. Baka maayos pa. Gusto ko siyang bumalik sakin.

"I'm sorry, come again?" Busy pala siya sa phone niya at mukhang di nga niya ako narinig.

"Wala na kako akong plano."

"Glai, I have to go na. I almost forgot my dinner meeting. Ang daldal mo kasi e."

"Ako pa daw ang madaldal, kung di ka pa nagcheck ng phone sigurado di ka pa tapos magkwento."

"I always hate it when you're right." Nagpout pa. Kala mo naman..

"Sige na, mag-ingat ka sa pag drive. Salamat sa time." Hinatid ko siya hanggang sa sasakyan niya..

"I really hope you can come to my engagement party. Kahit one day lang, anytime you're free. Thank you sa brunch date. I missed this." She hugged me tight, I almost cry when I hug her back.

We said our goodbyes and she left.

Kung una palang pinaglaban ko na siya.
Kung umamin na ko nang unang beses kaming nahuli.
Kung di ako naduwag nung inamin niya sakin ang lahat.
Kung siya ang pinili ko kesa ang takot ko.

Ano kayang nangyari sa mga 'what if' natin kung nangyari?

"I miss you too, Love."
And that's how she left me.

--end--

Title sa netflix ☝😂

End ko na kahit korni matapos lang hahahaha
One-shot lang dapat talaga ito e. Di ko na tuloy alam paano tatapusin. Lol

Sino nanunuod ng ICSY:Truly. Madly. Deadly ? Kaya ginanahan uli ako e. Hahahahah 😍 sana ipasok si G bilang Ex ni Abby no.

Kung Paano Siya NawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon