Prologue

23 1 0
                                    

I woke up in my room and got the same vibe. As I remember about what happened yesterday, great!, Just great!!!. My tears are falling down to my cheeks, wala na pala kami. The loneliness and sadness that i feel deep inside me, they're killing me. Ang hirap tanggapin n'ung nangyari kahapon, ang sakit bakit sa'kin pa? Hindi ko alam kung deserve ko ba 'tong mga nangyayari saakin. Paulit-ulit na pumapasok ang mga pangyayari kahapon sa utak ko.

"Julian 'wag mo namang gawin sa'kin to alam mong hindi ko kaya na wala ka, mahal na mahal kita please. I was there nung bad times mo hindi kita iniwan alam mo 'yan!" Pagmamakaawa ko sakaniya hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko kahit na alam kong hindi na kaya pang maisalba 'tong relasyon naming dalawa, s'ya na lang ang naging sandalan ko sa lahat, s'ya na lang ang natitirang kakampi ko, s'ya na lang ang meron ako, s'ya na lang ang nag-iisang nagpapasaya saakin.

"Pasensya kana pero hindi ko na kaya nami, pagod na pagod na akong intindihin ka, pagod na pagod na ako sa ugali mo! Hindi mo ba nakikita? Ayoko na sa'yo alam ko naman na hindi ako ang priority mo!, Kundi yang pag-aaral mo pagod na akong may kahati sa oras mo saken pagod na akong may kahati sayo! Napakadaming nagkakandarapa sa'kin pero ano lahat sila binalewala ko para lang. Sh*t nami alam kong madami kang problema kaya tapusin na natin 'to, dahil sa huli dito lang naman din tayo mapupunta, ayoko na sa'yo!" Sambit niya sa'kin kaya't mas lalo akong humagulgol sa pag-iyak, lumuhod ako sa harapan niya kahit na maraming taong nakakakita sa'kin hindi ako tinatablan ng kahit na anong hiya, gusto ko lang magkaayos ulit kami ng taong pinakamamahal ko.

"Alam mo namang kailangan kong mag-aral hindi ba?, Alam mo namang kailangan kong abutin pangarap ko hindi ba? Mahal para sa'tin 'tong dalawa kaya iginugugol ko sarili ko sa pag-aaral, ibinibigay ko naman gusto mo kahit na ikasira ko, kahit na alam kong ikakababa ng dignidad ko sinakripisyo ko para sayo, that's how much I love you! even if it costs my soul. Ibinigay ko sa'yo lahat ng meron ako please 'wag mo namang itapon, magsimula tayo ulit ibibigay ko yung time at attention na kinakailangan mo. Kaya ba nakikipag kita ka sa kung sino-sinong babae dahil ba hindi ko kayang ibigay 'yung quality time na gusto mo? Handa akong magpakatanga para sa'yo kahit ginagago mo na ako ayusin lang natin 'to"

"Pasensya ka na pero sawa na ako sayo! Pagod na ako sayo! Nauumay na ko sa katulad mo!" Nagsimulang magbagsakan ang patak ng ulan na tila ba sinasabayan ang lungkot na aking nararamdaman, wala akong magawa kundi ang magmakaawa sakaniya na huwag niya akong iwan, pero there he is he left me in the middle of the rain kneeling.

The Girl Who Traveled In The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon