I woke up early in the morning, I've almost forgotten na may classes pala ako and it's monday. I checked the clock it's already 7:00 am in the morning, holy moly! Malalagot nanaman ako sa prof namin nito. I felt a sudden pain in my chest, napaka makakalimutin ko talaga how can I start my day without reading his good morning messages? Without hearing I love you and I miss you from someone I love the most? Tears started to fall from my eyes, I can't help it. It hurts so much. When a sudden noise came up I was shocked. It was my best friend, I saw my bestfriend Endrix! Yes it's him.
He hugged me as if it's our last day of meeting. "I missed you, how are you? Makakalimutan mo din siya. I'll help you out. Nandito lang ako palagi para sa'yo. Stop chasing people who aren't meant for you. I mean I'm always here, best friend mo'ko. What are best friends for? Hindi ba?" I nodded and wipe my tears out. "Ayos lang ako, sobrang namiss kita, hindi ko alam ang gagawin ko ang sakit sakit you might say na ang babaw ko, ang babaw namin ang babaw ng reason ng break up namin pero I gave my all. Walang natira sa'kin, I don't know kung paano ako magsisimula" sambit ko sakaniya. He answered, "Andito lang ako, andito lang naman kasi ako bakit siya pa?" Kumalas ako sa pagkakayakap sakaniya, alam ko ang nararamdaman niya para sa'kin pero ang hirap ibalik. Only if I could learn to love him back I will pero hindi, kahit kailan hindi ko naramdamang tumibok ang puso ko para sakaniya. Umiwas siya ng tingin saakin, "Sorry nami, kung hindi pa puwede ngayon, maghihintay ako, I won't force you to love me back, but I'll treasure you. Hindi niya alam kung gaano kapriceless ang bawat ngiti mo, I love the way you smile it brightens my day, I love your brown eyes I can compare them to the stars they're twinkling, 'yung pisngi mo na kahit ang taba taba may dimple! Ang cute cute mo, kinulang ka lang sa height! then sasayangin mo lang sarili mo sa unworthy na tao? Cheer up na, Andito lang ako di kita iiwan", tumango na lang ako sakaniya at saka dumiretso sa banyo.
Nakalimutan kong may klase nga pala kami pareho. Kaklase ko siya sa school na pinapasukan ko, pareho kaming STEM student, sobrang bait talaga niya, matalino pumapangalawa sa klase, napaka gentleman, at marespeto. Masasabi ko na maraming babae ang nagkakagusto sakaniya dahil sa ma appeal ang mga STEM student na lalaki para sa mga babae, maganda din ang katawan niyang may saktong biceps at triceps, may 6 pack abs, may kutis na makinis at maputi, may mahabang pilik mata at makapal na kilay, may pinkish na lips at may tangkad na 6'2".
Nang matapos akong maligo't lumabas ng banyo nakita ko siyang nasa sala hinihintay ako, "Dalian mo na diyan late na late na tayo hindi kita puwedeng iwan baka kasi madiscourage kang pumasok kaya't andito pa din ako hihintayin kita..." Sambit niya sa'kin habang suot suot ang maaliwalas niyang ngiti "kahit na alam kong mahirap at malabo" bulong niya ngunit kahit mahina ay maiintindihan mo pa din bawat salitang binitawan niya. I smiled back at him "saglit na lang ito na kikilos na ako."
Break time na nang yayain ako ni Endrix na kumain sa silong ng mangga dala-dala ang niluto niyang pagkain para sa'min. Sanay na ko kay Endrix, dahil madalas niya akong ipagprepare ng mga pagkain simula noong maging mag best friend kami. Endrix is really good at cooking sa lahat ng bagay na yata magaling siya sobrang caring niya hindi niya hinahayaang magutom ako kaya sobrang thankful ko na may best friend akong Endrix Velasco.
Bigla akong naintriga tungkol sa nabasa ko sa internet. Tungkol ito sa time machine na nawawala na naimbento ng mga scientist, wherein maari kang makabalik sa past at makapunta sa future. Tiningnan ko ang mga impormasyon tungkol dito, biglang pumasok sa isip ko na I want to go back wherein okay pa kami ni Julian. Gusto kong maibalik yung panahon kung saan okay pa kami baka may mabago sa present time at hindi niya ako iwan. I want him back. Naputol ang pag iisip ko tungkol sa nakaraan ko nang makita ko sa info na malapit lamang ang lugar kung saan naimbento ng mga scientist ang time-machine. I can use this thing to fix everything kahit na walang kasiguraduhan kung ano ba ang possible na mangyari sa'kin in case na magtravel ako in the past or future.
Kila Endrix na muna ako nakituloy at pumayag naman siya dahil natatakot din daw s'ya na baka kung ano ang gawin ko sa sarili ko dahil sa recently break up na pinagdadaanan ko. I haven't moved on yet.
He offers me 3 bottles of beer and accepted it. Almost 3hrs na din kaming nag iinom dalawa habang nagkukwentuhan about sa mga subjects at professor na meron kami etong mag gagraduate na kami ng Senior High School. Nang makita kong yumuko siya kasabay ng paglungkot ng expression ng kaniyang mukha agad kong binago ang usapan "Mukhang nakakarami kana tama na 'yan drix, ako 'yung broken dito pero kung makainom ka parang ikaw pa 'yung mas broken kesa sa'kin" I threw a pillow right into his face.
"Siguro nga, I feel happy somehow kasi wala ka na sakaniya. But it hurts to see you na nalulungkot and even tho I try to give my all my best di pa din magiging sapat. I can't make you happy, and I'm sorry for being like this I'm sorry if I can't convince you to love me back the way I love you but... Thank you for letting me love you freely kahit na one sided lang." Tears are falling from his eyes continuously.
I hugged him rinig na rinig ko ang bawat pag hikbi niya, ang bawat luhang pumapatak mula sa mata niya, nahihirapan akong makitang ganito ang best friend ko hindi dahil sa may nararamdaman na din ako para sakaniya, kundi dahil best friend ko siya. Mas humigpit ang paghagkan niya sa'kin at mas lalong lumalim ang pag iyak niya hinayaan ko siyang yakapin ako hanggang sa kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at tinitigan ako sa mata. Alam kong mali ito at hindi dapat dahil wala akong nararamdaman sakaniya at higit sa lahat best friend ko siya hindi ito tama...
Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa lumapat ang labi niya sa labi ko, hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ng mata ko habang hinahalikan niya ang labi ko. Napakalambot ng labi niya, ang gentle ng pagkilos ng labi niya na para bang inaakit ang labi ko na sabayan ang bawat pag galaw ng labi niya. Nang matapos niya akong hinalikan agad akong umiwas ng tingin sakaniya, "I'm sorry" tanging sambit niya. He kissed me on my forehead and said good night pagkatapos ay nagpunta sa sala upang doon siya matulog.
I love you.
I love you too but I'm sorry. This isn't the perfect time for the both of us.
I love you more, please I'm begging you. Are you breaking up with me? Please 'wag mong gawin 'to.
I love you most pero kailangan ko nang bumalik sa totoong panahon ko, we're not breaking up. We're only parting ways. Hindi ko pinuputol ang mga alaala, connection, at pagmamahal na mayroon tayo. Pero hindi tayo puwede sa isa't isa dahil hindi ako galing sa panahon mo. Magkikita din tayo someday, mahal na mahal kita kaya hihintayin kita kung saan puwede na, kung saan puwede na tayong magsamang dalawa.
Nagising ako nang may patak ng luha sa gilid ng mata ko, what was that? A dream? Chineck ko ang oras, it's only 2:00 am, but I feel something that aches in my head, my heart beats fast, really fast maybe napadami ako ng inom, I want to sleep my but my head won't let me so I decided na maglibot libot sa labas kahit na anong oras na wala namang curfew dito sa lugar namin, tanaw na tanaw ko ang school namin at ang buildings at facilities na ginamit ng mga scientist na malapit sa school na pinapasukan ko. Habang naglalakad ako sa lugar na kung saan ay parang abandonado, puno ng mga alikabok at basura may napansin akong parang isang malaking orasan. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at dali dali itong tiningnan. Kamukha nito ang larawan na nakapost sa internet. Ano nga ba ito sambit ko sa utak ko ito 'yung ano e nakita ko na 'to e, saka ko napagtanto na ito 'yung nawawalang time-machine na naimbento ng mga scientist na malapit sa eskwelahan na aking pinapasukan.
Napag desisyunan ko na iuwi na lamang ito. Nandito na 'yung pagkakataon, I don't want to regret for not grabbing this chance. I can now go back to the past and travel in the future.

BINABASA MO ANG
The Girl Who Traveled In The Future
Roman d'amourMinami Florez- a senior high school student who's taking a Science, Technology, Engineering, and Mathematics strand, who traveled in the future through time-machine. Dahil sa kagustuhan nitong ayusin ang kaniyang nakaraan. Ngunit ano nga ba kaniya...