Alex's POV (Girl)
Alex.
Ba't kaya nandito yang lalaking yan?
"Uy Cindy? Ba't kayo nandito?." Tanong ko sakanya at tinignan ko siya ng bakit-kasama-mo-yang-hayop-na-yan look.
"Ah, eh kasi. May sasabihin daw kasi si Kuya Alex." Sabi niya at siniko niya si Alex. Eh ano naman kaya sasabihin nitong lalaking toh?
"Hmm. Gusto ko lang sana mag-sorry kanina? Sa ginawa ko nung nasa cafe tayo." Seryoso niyang sinabi. Aba? Marunong pala ito mag-sorry eh? Pinatagal pa. Tsk.
"Okay lang, atleast nag-sorry ka. Ang tagal mo nga lang nag-sorry. At bigla ka umalis non." Pagtataray ko pa. Pero okay na. Nag-sorry naman siya eh.
Mag-sasalita pa sana siya ng bigla dumating si papa.
"Uy anak? Ito pala donuts yung paborito mo. Sino pala itong mga kasama mo?." Tanong niya pa. Si mama lang pala nakakakilala kay Cindy kasi masyadong busy ito si papa sa work niya. Nag-mano ako sakanya.
Nag-mano din si Cindy at di ko inakala na magma-mano rin si Alex kay papa. Pinakilala ko sila kay papa at pagkatapos non ay pumunta na siya sa hapag-kainan para kumain.
Nagkwe-kwentuhan lang ulit kami ni Cindy habang si Alex naman ay busy sa phone niya. Nang matapos na kami mag-kwentuhan ay nagpa-alam narin sila.
Pumunta nako sa kwarto ko at balak ko nang matulog nang biglang may nag-text.
0936*******
Goodnight.
-A
At nag-reply ako kung sino ito at nag-reply agad siya.
0936*******
This is Alex :)
Shocks! Pano niya nalaman yung number ko? Baka si Cindy ang nag-bigay sakanya. Humanda talaga sakin yung babaeng yon! Hindi ko nalang ni-replyan at natulog nalang ako.
-*-*-*-*-*
"Anak, gising na. Maligo ka at baka ma-late ka." Sigaw in mama kaya bumangon na ako para maligo. Nang matapos na ako maligo ay nag-bihis narin ako.
YOU ARE READING
Alex & Alex
Roman pour AdolescentsAlex Fernandez is a simple girl and has a simple personality. Mabait sa mabait pero pag ginalit mo, humanda kana. Pero paano pag may nakilala siyang isang guy? At hindi maganda ang pagkakakilala at pagkikita nila? Paano pag kaparehas pa niya ng pang...