Four//

384 10 1
                                    

Nandito ako ngayun naka upo at nagbabasa ng libro. Akalain niyong magababasa ako ngayun? Sa totoo lang tinatamad akong pumasok ngayun dahil una sa lahat hindi ako makatulog kagabi. Ewan ko ba bakit ganun ako kagabi. 

Nakita ko na pumasok sila Cheska at Albert. Wow ha. Kaylan pa sila naging late kesa sakin? Agad silang lumapit sakin. Ano nanaman ba tong sasabihin nila?

"OMG girl! Nakita mo na daw ang girlalush ni Papa Aelx ko?" Sabay hawak sakin ni Albert. Binatukan siya agad kaya na pa aray siya. Baliw talaga tong dalawa kong best friends. Kung hindi ko lang sila best friends eh.

"Oh nakita ko siya" binaba ko yung libro ko at lumpait sakanila para bumulong. "Kapatid siya ni Joseph." Nangsinabi ko yun, napatakip ng bibig silang dalawa. Oh diba nagulat din sila? 

Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Kahit nga pag sama namin ni Joseph kwinento ko din. Ayun. Nganga yung dalawa. Natawanan sila sa harapan ko habang ako naman ay nagtataka kung bakit sila tumatawa ko sa sinasabi ko. 

Nagtawanan sila ng nagtawanan ng biglang dumating ang teacher namin. Napaupo sila Cheska at Albert sa upuan nila. Nakakatawa talaga tong si Albert. Nakita ko na tumahimik ang mga estudyante. Wow. Makitang tao mga kuya at ate?

***

"Like ganun nga nangyari." sabi ni Albert sabay kain niya ng oreo. Hindi ko alam pero kanina pa sila mukhang baliw. Tinitignan na sila ng mga tao pero wala parin sila. Tinignan ko yung paligid ko. Nakakahiya tong dalawa na to.

"Tumahimik nga kayo! Nakakahiya pagmumukha niyo eh." saway ko sakanila habang iniinom ko yung juice ko. 

"Wow ha? Keylan pa nag seryoso ang isang Ivory Hernandez? Lagi naman tayong magulo ah." sabi sakin ni Cheska. Hay. Oh nga lagi nga kami magulo at maingay pero hindi sa lahat ng panahon kaylangan mag-ingay. Minsan gusto ko talaga mag-isa.

Nagtatawanan parin sila dahil may nakita daw silang lalaki nakipag hiwalay sa babae. Pati ba naman yun paguusapan nila? Baliw talaga. Pinatong ko nalang ulo ko sa braso ko para hindi ko sila mapansin.

Ilang minuto ay medyo napansin ko na tumatahimik. Nakatulog pala ako. Inangat ko yung ulo ko. Katabi ko na pala si Joseph. Nasan naman yung dalawa?  Iniwan nanaman ako nun.

"Bakit ka nandito?" tanong sa kanya. Medyo nagulat din ako dahil may jacket sa likod ko. Sakanya ata to kasi sobrang bango ng jacket eh. Amoy talaga ng panlalaking perfume. 

"Nakita kasi kitang mag-isa kaya kita tinabihan." Sabay upo niya ng maayos. Mag-isa? So iniwan talaga ako ng dalawang loka-loka. 

"Salamat" sabay bigay sakanya ng jacket niya. Napatingin ako sa paligid ko, nag chi-chismisan nanaman ang mga chismoso at mga chismosa. Hindi talaga maiwasan yan mga ganyan dito sa campus.

Nandito kami ni Joseph naglalakad sa may garden. Ang yaman naman talaga ng school na to. Parents ko kasi ang Vice President ng school. Hindi naman halata diba? Dala-dala ko yung kape na binili ni Joseph sakin kanina. Umulan daw kasi kanina. Hindi ko nga napansin dahil nakatulog ako.

Kuya, I Love You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon