Three//

458 10 1
                                    

Sa kasalukuyan nasa playground ako ngayun. Pano ba naman kasi hindi ko maiwasan ang nangyari kanina.

*FLASH BACK*

Pagkasabi niyang siya ang fiancé ni kuya. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Ang ganda niya na parang diyosa. Kilala ko siya.

Hindi ako makapaniwala. Pero mayroong parin sa puso ko nagsasabing na hindi siya para kay kuya. Hindi ko alam. 

Tumakbo ako palabas ng condo ni kuya. Mayroong akong narinig na boses lalaki pero hindi ko na iyon pinansin. HIndi na ko nag elevator kundi nag stairs nalang ako. Baka mamaya maabutan ako ni kuya.

Pagkatapos kong bumaba ay bigla nalang ako lumabas ng condo. Kahit pinagtitinginan na ko ng mga tao, bahala sila. 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Panay takbo lang ako. Ayoko makita yung babae na yun. Parang may pagkabad attitude din yun na parang ewan. Hindi ko maexplain.

Takbo parin ako ng takbo hanggang may nakita akong playground. 

Thank God makakahinga din. Buti nalang walang tao dito sa playground. Umupo muna ako sa swing para mag muni muni at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

*END OF FLASH BACK*

Kaya heto ako ngayun nag-iisa na parang ewan. Hindi ko alam kung gusto ko pa pumunta sa condo o hindi. Bakit ganun? Siya pa ang papakasalan ni kuya? Sa lahat pa ng tao siya pa ang pinili ha?

Siya yung kapatid ng heart trob ko sa school. Oh ate niya yun. Kaya never kami magiging close nun. Dahil una hindi namin kami close ni Joseph. 

Joseph John Martinez ang pangalan niya. DIba sa pangalan palang gwapo na? Pero hindi ako nagkagusto sakanya. SWEAR.

Kahit tanungin niyo pa sila Cheska and Albert( ̄ー ̄)

Baliw na ko dahil kung anu-ano na pinagiisip ko. Nandito parin ako sa may swing. Well, what do you expect?

Bigla nalang mayroong nag takip ng mata ko. Sh*t sino naman tong tao na to? Baka mamaya ma kidnapped ako nito ha. Sasapakin ko talaga to.

"Sino to?" tinanong ko siya habang kinakapa ko yung kamay niya. Sh*t kamay ng lalaki to ah. Baka mamaya marape ako dito.

Please wag naman (TTOTT)

"Kung hindi ka mag sasalita sasapakin kita." bigla niyang tinanggal yung kamay niya sa mata ko. Buti nga natakot din itong stalker na ito. Stalker agad? (* ̄m ̄)

Tumingin ako sa likod. Nagulat ako sa nakita ko. Si Joseph? Anong ginagawa naman niya dito? 

"Bat ka nandito?" tanung ko sakanya. Note, Hindi ko siya gusto ha. NEVER. Umupo siya sa tabi ko kung saan may bakanteng swing.

"Wala lang. Nakita kasi kita magisa dito eh." sabi niya habang tinignan niya ko. Hindi ako sanay na tinitignan ako ng tao nuh. Kaya naman tumingin ako sa kabilang side.

"Ah, okay." ang tanging sagot ko lang.

"Alam mo na ba?" 

''Oo alam ko na." Alam ko naman talaga ang tinutukoy niya eh. 

Moments of silence ang nangyari samin ngayun. Hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ako marunong makipag communicate sa isang heart trob ng bayan! (@_@;)

"Joseph"

"Erika"

Nagkasabay kami kaya mas lalong naging akward. Ano bayan! 

"Sige ikaw muna." sabi niya.

"Hmm. Okay." I shrugged and smile. "Nung nalaman mong fiancé ng ate mo ang kuya ko. Nagalit kaba?" 

Kuya, I Love You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon