UMAASA

0 0 0
                                    

Sa dinami dami ng taong pwedeng makilala
Di ko inaasahan ikaw pa. Di ko inakala noong una na magugustuhan ka pala.
Sa bawat araw na nakikita ka, kakaiba ang nadarama.
Sa bawat galaw sinusundan ka ng aking mga mata. Wag ka sanang magagalit, at wag magkikimkim
Dahil minamahal kita ng palihim.

Sa bawat araw na dumaraan,umaasa ako.
Umaasa ako na may tayo sa mundong ito.kahit ang totoo'y meron lang ikaw at ako.
Nais kong ipaalam sayo aking nadarama ngunit pinangungunahan ng kaba, baka ako'y di magustuhan.

Sa gabi ay humihiling sa mga bituin.
Naiisip mo rin kaya ako? Tulad ng pag-iisip ko sayo?
Kahit magkaiba man tayo ng mundong ginagalawan, umaasa ako na magugustuhan mo din ang isang katulad ko na labis na nagmamahal sayo.

Di man tayo ang itinadhana para sa isa't-isa.
Masaya na ko dahil nakilala kita, at masaya na kong makita ka kahit sa malayo, kahit hanggang tanaw na lang ako.
Kung tayo talaga ang para sa isa't isa,
Tandaan mo nandito lang ako, aasa't maghihintay sayo.

Poems I WroteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon