You can say you are in a relationship if you love a person. Not in a romantic way tho. Maraming paraan para malaman mo yung relationship status niyo. Here are the 4 kinds of relationship
1. Friendly Relationship
Yung mga ganitong relationship is yung pinaka marami. Yung friends lang, pero syempre with feeling attach, love for a friend. Sino ba nagsabi sayo na ang pag-ibig ay pwede lang gamitin sa kalandian? Yung tipong mutual lang o di kaya di masyadong close pero you honor him or her as your friend. Diba pag friend mo love mo? So pano magiging friends kung walang love? Fake lang ganun? Eh kung sipain kaya kita. Wag kang plastik.
2. Bestfriend Relationship
Etong klaseng relationship is much higher than friendly. Sa bestfriend mo lang kayang umiyak, umutot at tumawa ng walang poise. Kasi nga kumportable kana sa presence niya at nag eenjoy kang kasama siya. Kahit na laiitin niyo ang isat isa. Ito ay nagsisilibing katuwaan o joke lang para sa inyo kasi alam mo na pinapatawa at inaasar kalang niya. Wag pikon, nag effort na nga yung tao eh. Pag sobrang strong na talaga ng friendship niyo, yung tipong enepoxy ng isang libong beses, darating ang point sa buhay mo na sasabihin mo 'tong mga katagang ito "Iwan na ako ng boyfriend/girlfriend ko basta di ko iiwan bestfriend ko" Ang sarap sa pakiramdam ng ganyan. Kasi pag umabot sa puntong yan, ay day! Swerte mo sa kaibigan mo.
3. Family Relationship
One fact about family is kahit gaano kaman kasama, kahit sutil kaman o kahit ano. Di ka nila iiwan. Sila yung tatanggap sayo kung ano ka, with or without your flaws. Sila yung pilit naiintindi sayo kahit parang timang kana. At higit sa lahat. Sila yung gagawin ang lahat mabigyan kalang ng magandang buhay, sila ang gagawa ng sakripisyo. Sabi nila, ang pinaka matibay daw na relationship dito sa mundo is yung relationship sa family natin at naniniwala ako diyan.
4. Romantic Relationship
Romantic love. Nahahanap natin to as we get older tulad ng teenagers o mid 20's. Alangan naman nasa loob ka palang ng nanay mo, eh kaharutan na agag iniisip mo. Hindi yan ganun. This takes a lot of process. Maraming misunderstandings ang magaganap. Maraming betrayal but if the both of you are still standing at the end of the day. Aba. Walastik. True Love nga. Cliche man pakinggan pero tao ka rin, may nararamdaman ka. Darating sa punto na maiinlove ka. Yung tipong kaya mong isakripisyo ang lahat para sakanya. At kung dumating man sa point na nagkamali ka ng inibig. Hala, move on ka na. Hanapin ang prince charming/prinsesa ng buhay mo. Baka na stuck sa puno o di kaya napilayan kaya late. Haha.
Open ako sa suggestions, votes and comments. :)
I'll update as soon as possible. Luvya.
BINABASA MO ANG
Principles 'bout Love
Подростковая литератураPrinciples 'bout love. Meaning prinsipyo ko, na for sure naman eh patok diyan sa puso mo. Kesa umiibig ba yang puso mo o hindi. Kaka relate ka. Pramis, taga mo pa sa katawan ni Edward Cullen. Aweee♥ Check it out guys. Luvya.