Single ka? Eh ano minumukmuk mo diyan? Mamatay ka ba? Meron bang Republic Act dito sa Pilipinas na nag sasaad na pag single yung tao eh may death penalty na. Eh kung ganun pala eh matagal na 'kong nakitilan ng buhay. Eh kung batukan kaya kita diyan. Wag OA. Single ka lang. Wala pang taning ang buhay mo.
Mas praktikal na ngayon pag single ka, kaysa naman sa in-a-relationship ka naman pero di ka sigurado diba?
1. May mga taong pinipili munang mag isa at i-enjoy ang childhood. Yung tipong wala pa talaga sa isip nila ang mag boyprend at girlprend. Gusto nila yung first love nila ay last na nila. Kasi they believe more than true love. Beyond everything, especially they believe in forever. Kahit mag away sila, at the end of the day ay sila parin ang magkasama. Ideal relationship 'to ng mga NBSB (No boobs since birth) Oy. Joke lang. Haha. No boyfriend since birth talaga. Mostly naman talaga ng kababaihan eh naniniwala sa forever, yung mga nasaktan na at nasugatan ang mga puso pero eventually, makakahanap rin sila ng makakatapat nila. Pag NBSB ka, take your time. Pero jusko wag mo namang paabutin hanggang mag singkwenta ka na. Dun ka mag hanap ng taong mamahalin sa tamang age na, yung handa ka na. At kung swerte ka, hahayaan ni God na siya pa ang lumapit sayo.
2. Meron rin namang mga taong galing sa recent break-up kaya naging single. Kung ito man ang sitwasyon mo ngayon, wag ka munang mag madali makahanap ng bago o di kaya wag munang mag madali makahanap ng rebound, kasi isipin mo na makakasakit karin ng tao pag i-rebound mo lang diba? Maging single ka muna, in short mahalin mo muna sarili mo, tipong quality time with yourself. Mag isip isip muna. Gawin ang mga bagay na di mo nagawa nung nakatali kapa sa jowa mo. Give yourself some freedom. Gumala ka with friends. Wag namang masyadong gala, yung tipong iinom, magsisigarilyo at humihithit ka na ng droga. Masama yan, isipin pa ng ex-jowa mo na di ka maka move on kaya sinisira mo buhay mo. At pag dumating na yung point na ready ka nang magmahal ulit at totally over kana kay ex. Then gooo. Walang pumipigil sayo, as long as masaya ka, tama at nakabubuti para sa lahat yang desisyon mo.
3. Last but not the least, eh yung mga taong matagal nang nakipagbreak at di pa nakakahanap ng taong pwedeng pag alayan ng kanilang pagmamahal. Ine enjoy nila ng sobra ang pagiging single as of the moment at di rin sila nagmamadali. Dahil kung gugustuhin man nilang umibig ulit, dapat yung sure na. Panghabang buhay ba. Gusto nila eh yung susunod na mamahalin nila is worth it. And worth the love.
Babystarxxlove's Note:
Sana nagustuhan niyo :) Guys, estudyante ako. Kaya next update would be this weekend :)
Vote| Comment| Suggest
![](https://img.wattpad.com/cover/23877954-288-k680954.jpg)
BINABASA MO ANG
Principles 'bout Love
Teen FictionPrinciples 'bout love. Meaning prinsipyo ko, na for sure naman eh patok diyan sa puso mo. Kesa umiibig ba yang puso mo o hindi. Kaka relate ka. Pramis, taga mo pa sa katawan ni Edward Cullen. Aweee♥ Check it out guys. Luvya.