pangalawang kabanata

5 1 0
                                    

-Aasira shabina

"Anak bat mo naman ginawa yun?" Sa tono ni tatay ay parang ayaw nya sa ginawa ko.

"Tay naman kasi si Luna ang nabunot, alam naman nating mas makakalaban ako kesa kay bunso, tsaka alam kong hindi sya interesado at mapapahamak pa sya" sabi ko.

"Hayaan muna ang anak mo, nangyari na yun, iniisip nya lang ang makakabuti kay bunso" si nanay.

"Hindi yun ang pinupunto ko, bakit mo yun ginawa?" Si tatay.

"Para sa premyo." Sabi ko.
"At para kay luna" dagdag ko.

"A-anak..." Si tatay.

"Isipin nyo tay makakapag aral si luna dahil may scholarship, at makakakain na sya ng masusustansya at dina sya magiging sakitin,magkaka maayus at malaking bahay rin at lupa tayo" sabi ko.

"A-ate.." si luna.

Lumuhod ako sa harap nya at tumingin sa mga mata nya.

"Sakitin kang bata, kaya diko mapapatawad ang sarili ko pag nasaktan ka sa larong yun luna."seryoso kong sabi at umiyak na sya.

Niyakap nya ako at niyakap rin ako nila tatay.

"Kaya natin to." Bulong ko.

.

.

"Hello,kakatapos lang ng meeting ng mga leaders bawat sector diba?" Tanong ni dean.

Andito kami ngayon sa room namin na pinagsparringan namin ni dagger, nag uusap naman sila ni kaysie.

"Ang alam ko kanina pa" sagot ko.

Ayun kasi ang narinig ko, nang matapos kasi yung nakakaiyak na eksena na yun ay narinig ko e.

At biglang may pumasok naman kaya napatingin kami.

Si ranger na nagdudugo ang labi.

Nagkainitan kaya sila ng leader ng ibang sector?

"Oh! Leader! Upo ka lilinisin ko yang sugat mo!" Asikaso ni dean kaya sumunod si ranger.

Kinuha naman ni dean yung first aid kit.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni dagger kay ranger.

"Nagkainitan kami ng leader nung sector 2." Sabi ni ranger.

Ang alam ko ang sector 1,2,8 ang may pinaka masamang leader..

Sinimulan na ni dean ang paggagamot kay ranger.

"Hala sinong nauna?" Tanong ni kaysie.

"Sya!" Sigaw ni ranger.

"Hey hey! Wag mo sya sigawan" sabi ko.

Tumingin lang sya saakin.

"Nag uusap kami tungkol sa kung papaano itatrain ang team namin, nagpaparinig ang leader ng sector 2 kaya naman nung una ay diko pinansin, pero nung sinabi nyang una tayong maeeliminate ay diko na pinalagpas yun!" Sabi nya.

Eliminate???

"Eliminate?" Sabay naming sabi ni kaysie.

"Pag naeliminate tayo ibig sabihin patay na tayong lahat" sabi ni ranger na kina gulat ko.

K-kami?

"Sino ba yun? Aba masasapak ko yun!" Inis na sabi ni dagger.

"Tss, bukas ay makakaspar natin ang sector 2" sabi nya.

"Leader to leader, watcher to watcher, fighter to fighter, healer to healer" sabi nya rin.

"Pero pano ang healer? Trabaho nya lang naman manggamot" sabi ko.

GAME OVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon