isang lalake ang nag-offer ng panyo sa akin
Boy: Miss.. (abot ng panyo)
Mich: (tingin sa lalake) thank you ha.. lalabhan ko na lang
Boy: hindi. sige sayo na lang
Mich: huh? (tingin uli sa mukha, si Kean pala)
Mich: Kean? ano ginagawa mo dito?
Kean: Bahay ko toh,ikaw anong ginagawa mo dito?
Mich: ay napatambay lang, sa inyo pala toh
Kean: tambay? umiiyak ka eh
Mich: oh eh alam mo pala
Kean: (tumabi sa akin) anong problema?
Mich: wala ok lang ako
Kean: hindi. alam kong di ka ok (sabay titig sa akin.... ohem! ang mga mata nya parang mapapatumba ako ng wala sa oras eh )
Mich: (iwas titig na lang ako) ok nga lang
Kean: kung ok ka, bakit ka umiiyak?
Mich: wala lang..
Kean: sige ka, tatanungin ko na lang Best Friend mo
Mich: ....
Kean: sorry may mali ba?
Mich: sige na nga ikukuwento ko na nga sayo
sa sobra sigurong tagal ng kuwento ko ay biglang umulan
Mich: pano na yan? pano ako uuwi?
Kean: hatid na lang kita.. tutal sabi mo na malapit lang naman bahay nyo
Mich: sige.. salamat ha..
Kean: naku wala yun..
Mich: sige uwi na ko
Kean: uwi na kita.. ;)
Mich: sus..
sinakay nya ako sa kotse nya at hinatid na pauwi
pagka-uwi ay di pa rin maalis sa isip ang nangyare kanina
ginawa ko na lang ay..... Matulog
paggising sa umaga ay naghanda na agad ako para sa school,parang walang problema
sa pagpasok ko sa school,sinalubong agad ako ni Nica...miss ko na sya :(
Nica: Best.. sorry na..
pero di ko na lang sya pinansin,nilayuan na lang muna ako ni Nica. Di ko alam kung bakit di ko kayang tumingin sa mga mata nya ... bakit di ko pa kaya? ang hirap kahit gustong-gusto ko.. sana di ko na lang nalaman ang mga 'yon.. para walang sakit at pait ngayon ...
patuloy lang ako sa paglalakad,hanggang sa may nakasalubong ako...
Mich: di ka ba nagsasawa sa mukha ko? Kean?
Kean: hala! di kita sinusundan ha
Mich: wehh?
Kean: Ano ka ba? parehas tayo ng school kaya natural lang na masalubong kita noh
Mich: pero di naman araw-araw kailangan kita makita ah
Kean: ahsus... pakipot pa to eh.. gusto mo lang ako makita eh
Mich: wow kapal!
Kean: pero totoo ba yan?
Mich: totoo??
Kean: totoong masaya ka?
Mich: Ba't naman ako malulungkot?
Kean: Tibay mo rin noh! matapos mangyare yun.. ok na ok ka lang?
Mich: syempre hinde.. tinatago ko lang kasi syempre pag isinama ko pa dito sa school yung binibitbit kong sama ng loob.. maapektuhan lahat dito diba?
Kean: ahh so nagsorry na sya?
Mich: oo
Kean: pinatawad mo na?
Mich: oo
Kean: kinausap mo na?
Mich: hindi pa.
Kean: Bakit?
Mich: di ko pa kaya.. masakit yung ginawa nilang dalawa
Kean: eh dapat kausapin mo na
Mich: ayoko pa..
Kean: ok.. nirerespeto ko yang gusto mo
...
Kean: ahh alam ko na.. off-topic.. ano nga pala section mo? hatid kita
Mich: eh wag na.. nakakahiya
Kean: di yan.. ano ba?
Mich: six
Kean: sabay tayo lunch.. treat ko
Mich: ahh... may gusto ka sakin noh
Kean: huh? treat ko lang may gusto agad??
Mich: eh bakit sunod ka nang sunod sa akin?
Kean: ikaw lang kaya kilala ko dito kaya natural ikaw lang kakausapin ko
Mich: Bakit di ka makipagkilala sa iba.. crush ka naman ng karamihan dito eh..
Kean: kasama ka?
Mich: saan?
Kean: sa mga nagkakacrush sakin
Mich: syempre.... hinde noh
Kean: ba't kayong mga babae.. hilig magdeny kahit halata na?
Mich: deny daw.. kung may gusto ako.. gora lang.. aaminin ko na agad..
nag-ring na yung bell
Kean: sige punta na tayo sa mga room natin
Mich: sige.. kala ko ba ihahatid mo ko?
Kean: ay gusto den!
Mich: feeler talaga eh noh
Kean: haha eto na... halika na! bilisan natin ha (hinawkan niya ang kamay ko)
Mich: uy yung kamay ko! tatangayin mo na ata eh
Kean: hayaan mo na yan! bilisan mo na lang kase! (hinila naman ako!)