Dimensyon

2 0 0
                                    

May abandonadong bahay sa lugar namin noong kabataan ko. Natatandaan ko noon na pinagbabawalan kaming maglaro doon dahil may weird na bagay daw na nangyayare sa lugar na iyon pero dahil sa bata pa kami noon hindi namin kinakabahala na maglaro sa bahay na iyon.

May katamtamang laki lang ang bahay na iyon. May isang kwarto, may isang CR at ang sala. Wala ng ibang gamit doon maliban sa isang telepono na nakapatong sa isang itim na mesang maliit. Yung telepono ay luma na, yung kailangan mo pang pihitin para lamang makatawag.

May pangyayari sa bahay na yon na hinding hindi ko makakalimutan. Nasa walong gulang ako noon nung ayain ako ng mga kaibigan kong maglaro sa lugar na iyon. Naglalaro kami ng biglang mag ring yung telepono. Naalala ko yung kumakalat na kwentong may weird na pangyayare daw sa abandonadong bahay na yon kaya sinubukan ko kung totoo nga. Sinagot ko yung tawag.

"Hello?" pagtatanong ko.

May narinig akong parang hinihingal na boses.

"Hello po?" pag ulit ko sa kanya.

"Tu..tulungan mo ako." pabulong na sinabi ng babae sa kabilang linya.

"Tulungan mo ako please." pabulong pa rin na sinasabi ng babae. May takot sa kanyang boses dahilan para matakot na din ako. Ibinaba ko na ang telepono noon at nag ayang umuwi na lang at wag na maglaro doon.

Umalis na kami sa lugar na iyon at ngayon ay magbabalik ako upang bisitahin ang aking kababata na ikakasal na. Sobrang dami ng bagong mukha sa lugar namin. Napansin ko na nandon at abandonado pa rin ang weird na bahay.

"Hanggang ngayon wala pa rin nakatira dyan?" pagtatanong ko.

"Wala pa rin. Iniiwasan nga yang lugar na yan eh." pagkukwento ng kaibigan ko.

Nagkasiyahan kami ng mga kaibigan ko dahilan para gabihin ako ng uwi. Napili kong maglakad pauwi dahil mas gusto kong maglakad sa ilalim ng liwanag ng buwan. Napansin kong may tatlong kalalakihan na sumusunod sa akin. Nagmadali ako sa paglalakad, pag humihinto ako ay ganon din sila. Bago makarating sa aming bahay ay medyo may kalayuan pa ngunit madadaanan mo muna ang abandonadong bahay. Nang malingat ang tatlong kakalalakihan ay tumakbo ako sa abandonadong bahay para magtago doon. Napansin kong may telepono na nakapatong sa ibabaw ng itim na mesa pero wireless na ito. Tama nga sila weird tong bahay na to.

"Nasaan na yung babae?!" sigaw nung isang lalaki.

Nagdial ako ng number para makahingi ng tulong alam ko number iyon sa bahay namin.

"Hello?" sagot ng isang batang babae sa kabilang linya.

"Puta Tol! Sinusundan lang natin kanina biglang mawawala?!" sigaw pa ng isang lalaki na parang nasa tapat lang sila ng bahay.

Natatakot na ko at hinihingal ako dahil sa pagtakbo ko kanina kaya hindi agad ako nakasagot sa bata.

"Hello po?" pag ulit ng batang babae sa kabilang linya ng tanong.

"Tu..tulungan mo ako." pabulong kong sinabi sa bata sa kabilang linya.

"Tulungan mo ako please." may takot sa aking boses dahil nararamdaman ko na ang paglapit ng mga lalaking kanina ay sumusunod sa akin.

Biglang ibinaba ng bata ang telepono.

Natulala ako ng marealize kong pamilyar yung boses ng batang iyon.

Casper ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon