Nagising ka mula sa isang bangungot.
Sa iyong panaginip ay nakahiga ka at namamahinga sa iyong kwarto ng biglang kumatok sa iyo ang magulang mo.
"Happy Birthday Anak :)" Sabay na pagbati nila sayo at hinalikan ka ng mga ito sa iyong pisngi.
Nag abot sila sayo ng malaking kahon at agad ka nilang inutusan na buksan mo na ang regalo nila para sa iyo. Agad mo silang sinunod. Matagal mo ng inabangan tong araw na to.
"Wow! Thank you Daddy and Mommy." Pagpapasalamat mo sa kanila habang inilalabas sa kahon ang manikang iyong hiniling na ibigay nila sayo.
Habang hawak mo ang manika ay bigla mo itong naihagis dahil sa pagbabagong anyo nito, noong una ay maamo ang kanyang mukha ngunit ngayon ay itsura'y sumama.
At mula sa pagkakatulog ay pinilit mo ng magising para hindi na makita pa ang mga susunod na eksena.
~
Nakahiga ka at namamahinga sa iyong kwarto ng biglang kumatok sa iyo ang magulang mo.
"Happy Birthday Anak :)" Sabay na pagbati nila sayo at hinalikan ka ng mga ito sa iyong pisngi.
Nag abot sila sayo ng malaking kahon at agad ka nilang inutusan na buksan mo na ang regalo nila para sa iyo. Agad mo silang sinunod ngunit sa pagkakataong ito ay puno ka na ng takot. Matagal mo ng inabangan tong araw na to.
"Da-daddy, Mo-mo-mommy." Wika mo habang inilalabas ang manikang hiniling mong ibigay nila sa iyo.
At mula doon nakita mo na ang mga bagay na iniiwasan mong makita sa iyong masamang panaginip kasabay ng pag agos ng dugo ng iyong mga magulang.