MARKY'S POV
Thank you author love na kita. May POV na ako ulit.
So guys ayun na nga lahat kami nagulat sa mga nangyayari. I know sobrang lungkot ng pinagdaraanan ni kell ngayon. I know nawalan siya ng baby sht baby is an angel sent by God. Pero mas nag aalala ako kay kath.
Since Grade 5 gustong gusto ko na si Kath kasi magkasama naman kami nila kell nung bata pa kami. Kath was 2 year ahead sa age namin. I know mas bata ako sa kanya pero iba na talaga nararamdaman ko ever since.
Nung nalaman kong si izaak pala yung lalaking mahal na mahal bigla akong nanghina. Siya siya pala yung lalaking iniiyakan niya 2 years ago.
Flashback....
Nag iikot ako noon sa subdivision. Nang nakita ko siya nakaupo sa isang bench tulala siya noon at nakatingin lang sa langit kaya naman nilapitan ko siya.
She is 20 siya nun at ako naman ay 18. Palagi ko naman siya nakikita kasi nakatambay ako sa house nila kell siya yung nagbibigay ng meryenda samin. Kasi fav niya talaga si kell sobra niyang binibaby .
Nang lumapit ako sa kanya. Dun niya na realize na kanina pa siya tulala
"Ate kath okay ka lang? Bakit ka mag isa dito?"
"Ahmmm nothing nagpapahangin lang ako."
"Nagpapahangin ka? Yung hangin ba ang dahilan kung bakit may luha sa pisngi mo?"
Natawa na lang ako kasi pinunasan niya agad ang mga mata niya at pisngi niya."Naku wala to hahaha''
''I know you're not okay. Pwde ako makinig promise di ko sasabihin sa iba"
"Ano kaba wala to. Umuwi kana hinahanap kana ng parents mo''
''Okay lang andito lang naman ako sa subdivision di naman malayo sa bahay. Pero seryoso na pwde mo sabihin sakin kung ano problema"
''Paano mo ipaglalaban yung taong mahal na mahal mo? Kung magulang mo yung naghahadlang sa inyong dalawa?"
"Kung ako yung asa sitwasyon. Lalaban ako ilalaban ko siya sa magulang ko kahit na alam kong masasaktan sila. Kasi kung mahal mo yung isang tao wala dapat dahilan para sumuko ka.'' Hindi ko alam bat ko nasabi lahat ng to ngayon eh hindi pa ako nagkakagirlfriend.
"Ganun ba? Pero ayoko namang masaktan ang mga magulang ko dahil lang sa desisyon ko. Na piliin siya"
"Alam mo kath, sa pag-ibig may dapat kang isakripisyo its either your happiness or your parents. Pero sa pagmamahal minsan mas nagagawa nating isakripisyo ung happiness natin wag lang masaktan yung iba.'' Habang sinasabi ko to sumisikip ung dibdib ko ewan ko ba.
"Siguro nga kailangan ko ng magdesisyon alam kong mahirap pero siguro ito yung tamang gawin. Salamat marky ha? Salamat sa pakikinig. Salamat sa advice. Umuwi kana. Uuwi na din ako''
''Ihahatid na kita''
''No its okay kaya ko naman maglakad eh"
"No I insist baka mapano kapa sa daan"
wala na siyang nagawa kundi umoo kaya sumakay na kami sa sasakyan ko at hinatid ko na siya sa bahay nila.Agad ko namang nakita sa labas si kell kaya naman napalabas nlng din ako sa kotse nung bumaba ung ate niya.
"Hoy marky bat kasama mo ate ko? Anong ginawa mo sa kanya?"
"Gago! Nakita ko lang si ka-- ate kath sa daan pinasakay ko na baka kasi kung ano mangyari sa daan"
"Ganun ba? Sige pare kita na lang tayo sa school bukas.''
''Salamat sa paghatid marky" kath
"You're welcome ate kath"
End--
Si izaak pala talaga yun. Siya ba ang sinakripisyo ni kath? Pinili ni kath ang magulang niya? Pero bakit anong rason?
Nagulat ako kasi nagring ang phone ko and unknown number siya.0945****** calling....
"Ahmm hello?"
"Marky? It's kath. Pwde ba kita makausap. Puntahan moko sa 7/11 sa harap ng hospital. Hintayin kita."
"Sige kath"
Agad naman akong nagbihis ng damit ko at nag ayos saka sumakay sa kotse ko. Papunta na ako sa 7/11
-7/11-
Pagbaba ko ng kotse nakita ko agad si kath na naka upo sa loob kaya naman pumasok naku doon. Nakita naman niya ako agad
"Sorry marky kung naestorbo kita di ko na kasi alam ano gagawin ko ngayon"
"No its fine. Wag tayo dito mag usap maraming tao. Dun na tayo sa kotse mag drive thru na lang tayo sa jollibee para may makain tayo tara na."
Agad ko siyang hinila,hinawakan ko ang kamay niya aggressive ba? Pero ayaw kong dito siya iiyak.
Papunta na kami sa drive thru sa jollibee kaya naman tinanong ko kung ano gusto niya pero alam ko naman kung ano un kasi kabisado ko na siya ultimate crush ko nga siya diba. Nung babanggitin niya na ung order niya pinutol ko na siya agad
"Dalawang C1 spicy yung chicken, 2 pieces of large fries, 2 pieces of sundae, 2 pieces of spaghetti with drinks ha ilarge na din ung drinks and last is 2 pieces of Jollihotdog. That's all thank you"
"Paano mo nalaman yun?"
''Hahaha yan kaya lagi mong inoorder pagkumakain tayo nila kell sa bahay niyo pagnagpapadeliver and 2 pieces each un para sakin din"
"Hahahaha thank you marky"
Nang makuha na namin ang orders naghanap ako ng place na pwde mapagpwestuhan ng kotse at may nakita akong park na may fountain kaya naman pinark ko malapit sa fountain ung kotse ko.
Bumaba kami ng kotse tapos inopen ko ung sa likuran. Ow para maimagine niyo Ford ranger yung kotse ko. Open ung likod nakalimutan ko tawag dun basta yun. Nilatagan ko ng tela para may maupuan kami.
''Sobra naman to marky kailangan ko lang ng kausap tapos ganito na"
"Okay lang yan para ganahan ka magkwento sakin pero before that kumain muna tayo wala pa ako nagdidinner alam ko ikaw din nagbabantay ka kay kell"
"Oo eh sobrang stress at depress siya ng dahil sa mga nangyari mabuti at kumain siya ng dala kong pagkain''
''Sige kumain ka muna bago tayo mag usap"
"Salamat talaga marky"
"You're always welcome kath"
- - - - - -
HEPHEP! NAPAPADAMI NA YUNG UPDATE HAHAHA ABANGAN ANG PAG UUSAPAN NILANG DALAWA.SA TINGIN NIYO? PWDE BA SILANG MAGING LOVE TEAM? COMMENT BELOW KUNG GUSTO NIYO GAWAN KO NG STORY SI MARKY AT KATH.
PERO SA PALAGAY NIYO MAGUGUSTUHAN KAYA NI KATH SI MARKY? O SI IZAAK PARIN ANG PIPILIIN NIYA?
COMMENT DOWN BELOW.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A STRANGER
Novela JuvenilMakikilala mo ba kung sino talaga sya? malalaman ko kaya kung sino sya? Itinadhana bang mangyari ito? ayoko muna pero alam kong hindi ako ang nagdesisyon? Ano bang itsura niya? Mamahalin niya kaya ako? paano kung bumalik yung isa? hindi ko alam kung...